Chapter 32

11K 214 27
                                    

"WHO ARE THEY?"sabay sabay kaming napatingin sa ngayong kakagising lang na Lincoln.

"Son!"naluluhang sabi ni tita Lia at lalapit na sana kay Lincoln nang itaas nito ang kamay.

"Don't come near me."malamig ang boses na sabi ni Lincoln.

"Beckham,what are you saying?"
nagtatakang tanong naman ni Tito Liam.

"Hindi ko kayo Kilala."maikling sagot ni Lincoln.

Tumingin siya sakin.

"Come here Phoebe."sabi niya.

"Iha,ano bang nangyayari sa kaniya?"
naguguluhang tanong ni tita Lia.

"Meron po siyang retrograde amnesia ayon sa doctor Tita."sagot ko.

"Phoebe! I said come here!"sigaw ni Lincoln na bahagyang nagpatalon sa akin.

Napatingin ang mga magulang ni Lincoln sa kaniya na may lungkot ang mga mata.

Napabuntong hininga nalang ako at lumapit sa kaniya,agad namang pumulupot ang mga braso nito sakin.

"Phoebe,paalisin mo sila.Hindi ko sila kilala."bulong niya.

Nahihiyang napatingin ako sa mga magulang niya lalo na kay tita Lia na bakas ang na ang luha sa mata.

Napapailing naman si tito Liam.

"Iha,lalabas muna kami,kakausapin nalang namin ang doctor upang maipaliwanag ang nangyayari kay Beckham."sabi ni tito Liam.

Tumango naman ako at nahihiya silang nginitian.

Nang makalabas sila ay agad tinanggal ni Lincoln ang mga braso sa aking bewang.

"Sino sila?"masungit niyang tanong sa akin.

Lihim na napairap nalang ako sa kaniya.

"Sila ang mga magulang mo,Tito Liam at Tita Lia."sagot ko.

"Pero bakit hindi ko maalala?"tanong niya, naguguluhan.

"Parte yon ng amnesia mo na halos magulang mo ay hindi mo maaalala."
paliwanag ko.

Biglang bumukas ang pinto kaya pareho kaming napatingin doon.

"Excuse po miss Davis pero ang kapatid ninyo ay nag aagaw buhay ngayon."mabilis na sabi ng nurse at sinabing sumunod ako sa kaniya.

Tatakbo na sana ako ng biglang mahigpit na hinawakan ni Lincoln ang kamay ko.

"Don't leave me."nangungusap ang mga matang sabi niya.

"K-kailangan ako ng kapatid ko L-lincoln."nanginingig kong sabi.

Pasensya ka na Lincoln pero mas kailangan ako ng anak ko.

"Please don't leave me."ngayon ay nagmamakaawa na ang boses niya.

Umiling iling ako at pursigidong tinanggal ang mga kamay niya sa braso ko kahit pa umiiyak na siya.

Buti na lamang ay dumating ang nga magulang niya kaya pinipigilan nila ngayon si Lincoln.

Ayaw ko man siyang iwan ay mas mahalaga naman sa akin ang anak ko.

Lakad takbo ang ginawa ko makapunta lang sa kung nasaan si Pio.

Para akong hihimatayin habang nakikita ko siya sa loob na nag aagaw buhay.

Nspatakip ako sa bibig at hindi na napigilan ang umiyak nang mag isang guhit ang nasa monitor.

Binuksan nila ang pinto at iginiya ako papasok sa loob.

Patuloy pa din silang ginagawa ang lahat upang mabuhay si Pio habang ako ay panay ang iyak lang.

Hanggang sa mag normal na muli ang mga guhit sa monitor.

Kita kong nakahinga nang maluwag ang mga doctor at nurse.

"Fighter ang bata Miss David."
masayang anunsyo ng doctor.

Itutuloy.
❄️
Hindi ko pala kayang patayin si Pio,ayun na yun e kaso binura ko kasi para kong naiiyak kaya iniba ko nalang plano:)
Anyway sorry po kung di ako nakapag update kahapon,masama po kasi ang pakiramdam ko.
Babawi nalang po ako pag totally na maganda na pakiramdam ko.

Keep safe everyone 😊

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon