Chapter 4

16.6K 328 15
                                    

NAKAUPO ako sa swivel chair ni Beckham habang siya ay nakaupo sa mesa, ang mga kaibigan niya naman ay nasa harap namin.

"Gaano na kayo katagal Bud?" tanong ni Atticus.

Kanina ay isa-isang itinuro ni Lincoln sa akin ang mga kaibigan niya.

"Isang linggo."

"Isang buwan."

Magkapanabay naming sagot, Nagkatinginan kami ni Lincoln dahil sa sabay na sagot namin na hindi pareho.

Nagpapalit-palit naman ang tingin sa amin ng mga kaibigan niya.

"Sino sa inyo ang nasasabi ng totoo?" tanong ni Isaiah.

"I-isang buwan na talaga kami,
nagkamali lang ako ng n-nasabi"
nauutal kong sagot at napatingin kay Lincoln.

"Anong tawagan ninyo?" tanong naman ni Griffin.

Nagkatinginan muli kami ni Lincoln, wala kaming tawagan dahil ang sinabi lang naman niya ay ang maging girlfriend ako.

Wala siyang sinabing tawagan namin.

"Is it necessary?" kunot noong tanong ni Lincoln.

Napatawa naman ang tatlo sa tinanong niya.

"Bud, so wala kayong tawagan? endearment like honey, babe, sweetheart etc." natatawang tanong ni Atticus.

"Atti, bro hindi naman lahat ng relasyon ay kailangan 'nun." sabi naman ni Isaiah.

"Sus,wala lang kayong endearment e." natatawang sabi ni Atticus na tuloy pa din sa pang-aasar kay Mayor.

"Shut up." mariing sabi ni Isaiah na nagpahalakhak kay Atticus.

"Baby what do you want to eat?"
natigil ang asaran nila ng nagsalita si Lincoln.

Napatahik ang tatlo maging ako kaya nagtaka si Lincoln hanggang sa marealize niya na ang sinabi.

"I-i mean-" nauutal niyang sabi na agad namang pinutol ni Atticus.

"Bud, don't explain. Alam na namin ngayon kaya mabuti pang umalis na kami, Isaiah, Griffin come on baka nakakaistorbo na tayo." natatawang sabi ni Atticus sa tatlo na tumayo na.

Sinangayunan naman yun ng tatlo at lumabas na.

Nang mawala ang tatlo ay hindi na muling tumingin sa akin si Lincoln.

"I- I'm sorry, nagkamali lang ako." sabi niya makalipas ang ilang sandali, para pa siyang natataranta at hindi makatingin sa akin.

Tumango tango naman ako.

"D-do you want to go home?" tanong pa niya.

Tumango lang ako at kinuha ang bag at tumayo na.

"Let's go, ihahatid na kita." sabi niya at nauna nang lumakad sa may pinto.

"Hindi ka ba busy?" tanong ko naman.

Ayaw ko naman siyang istorbohin, lalo na ay mayor pa siya. Paniguradong marami pa siyang dapat gawin.

"No, and my secretary said earlier that i have a free time." sagot niya at binuksan ang pinto. Tumago nalang ako at lumabas na din.

Nadaanan namin ang secretary niya na para kinikilig kilig pa sa gilid habang may kung anong tinitignan sa cellphone, hindi na sana niya kami makikita pero itong si Mayor ay sadya pa atang nagpakita.

Nang makita niya kaming lumabas ay inayos nito ang itsura at pilit na itinatago ang ngiti.

Nagsabi lang si Lincoln dito na ihahatid ako at tinanong ulit kung may dapat ba siyang pirmahan o ano.

Nang sabihin nitong wala ay inakay na ako ni Lincoln paalis.

Nang nasa parking area na kami ay nakita ko ang pinatunog na sasakyan niya. Grabe, hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nakakasakay ako sa ganiyan kagandang sasakyan.

Isang itim na Jaguar car, binuksan niya ito at tinignan ako.

Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin kaya pumasok ako sa loob at inilibot ang paningin dito.

Alam kong mahal ang gantong sasakyan at ang makasakay sa ganto ay isang napakagandang experience.

Hindi na din kataka taka kung paano niya nabili ito. Hindi lang kasi siya isang Mayor at marami pa siyang iba't ibang bussiness na kumikita ng milyon-milyon araw-araw.

Isa din yun sa mga nabasa ko nung nagsearch ako tungkol sa kaniya.

"Wear your seatbelt baby." sabi niya.

Gulat na napatingin naman ako sa kaniya dahil tinawag na naman niya ako ng ganon pero siya ay parang wala lang at hindi napansin. Nagpatuloy na siya sa pagmamaneho habang ako ay patingin tingin lang sa dinadaanan namin.

Itutuloy.
❄️
HAPPY 4K READS STRANGER!🥳
THANK YOU SO MUCH FOR READING,
HOPE YOU ENJOY IT.💙

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon