Chapter 19

13.6K 259 21
                                    

KINABUKASAN ay maagang muling umalis si Lincoln at meron muling naiwang dalawang guard sa labas ng penthouse.

Kaya naman dinamihan ko ang luto ko ng sinigang para ngayong tanghali.

Bibigyan ko din ang dalawang guard sa labas.

Naghain na ako at sinandukan ko na si Pio.

Gusto ko sanang kasabay namin ang mga guard pero ang bilin daw ni Lincoln ay hindi sila pwedeng pumasok.

"Pasensya na ho ma'am,Bilin ho kasi samin ni Mayor na bawal kaming pumasok."magalang na sabi ni Paul.

Si Paul ay malaki ang katawan kumpara kay Kiko na payat.

Ang sabi sa akin ni Lincoln ay tauhan niya itong dalawa at ito ang pinaka pinagkakatiwalaan niya kaya siya ang ipinagbantay niya sa amin.

Tumango nalang ako kay Paul at naglagay sa lalagyan ng sinigang at kanin.

Nang maghapon ay nakatulog si Pio kaya naman naisipan kong maglinis nalang muna.

Pinalitan ko ang mga kurtina at bedsheet.

Nilinis ko din ang mini pool.

Nahugasan ko na din ang mga pinggan at ngayon ay naglalampaso na ako ng sahig.

Habang nilalampaso ko ang sahig ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas kaya napatigil ako.

Hanggang sa marahas na bumukas ang pinto at napaatras ako.

May mga hindi ko kilalang lalaki ang pumasok at pare parehong nakatakip ang mukha.

Pagsilip ko sa may pinto at nakahiga ang parehas na walang malay na si Paul at Kiko.

Sa sobrang taranta ko ay naibato ko ang basahan na kanina lang ay ipinangpupunas ko at tumakbo kung nasaan natutulog si Pio.

Dali dali ko itong nilock at narinig ko pa ang sigaw ng lalaking nahagisan ko ng basahan.

"Mama bear bat po ingay?"tinig ni Pio galing sa likuran ko kaya agad akong humarap sa kaniya at yumakap.

Maingay na kumakatok ang mga lalaki sa labas at ako naman ay naiiyak na pero tinatatagan ko lang ang loob ko alang alang na din para kay Pio.

"Mama bear,takot po ako."naiiyak na sabi ni Pio nang palakas nang palakas ang mga katok.

Tumayo ako kahit nanginingig at pinapunta siya sa cr.

"Pio,baby makinig ka sa akin ha.
Magtago ka dito okay?W-wag na wag mong bubuksan ang pinto pag hindi mo narinig ang boses ko ha."
nanginingig kong sabi sa kaniya.

"Mama bear wag mo ko iwan."
umiiyak na sabi niya.

Ayoko mang iwan siya pero ayoko ding parehas kaming mapahamak.

Umiiyak na umiiling siya pero hinalikan ko na ang noo niya at sinara ang pinto.

Pumunta ako sa may pinto pero hindi pa man ako nakakalapit nang marahas na bumukas ito at mapanganib na ngiti ng lalaki ang sumalubong sa akin.

"Lintek ka!hinagis mo pa sakin yung maduming basahin.Ngayon tignan natin kung makalabas ka pa!"sabay tawa ng matabang lalaki.

Narinig ko naman ang kalampag ni Pio sa banyo kaya napalunok ako.

"Mama bear! Mama bear! Mama bear!"sigaw niya.

"Aba at may bata pa palang kasama ang Mayor dito."manghang sabi ng lalaki.

"Please,parang awa ninyo na.Wag ninyong idamay ang an-kapatid ko."
nagmamakaawang sabi ko sa kanila.

Itutuloy.
❄️
If gusto ninyo ng kausap,Follow ninyo ko sa ig zari.yahdenise:)
Gonna update later again<3

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon