Chapter 3

17.1K 306 10
                                    

KINABUKASAN ay nagising ako sa mumunting halik sa aking mukha.
Pagdilat ko ay ang mukha ni Pio ang sumalubong sa akin, matamis ang pagkakangiti niya.

"Mama bear, Good moning!" masayang bati nito.

Hinalikan ko naman ang noo niya at binati din siya pabalik.

Habang nagkukulitan kami ni Pio ay bigla nalang tumunog ang aking telepono.

Tumigil muna kami ni Pio sa kilitian at sinagot ko ang tumatawag, habang si Pio ay nilalaro ang daliri ko.

"Where are you?" baritonong boses ang sabi sa kabilang linya. Patay.

"M-mayor ikaw po pala. Nandito lang po ako sa bahay, bakit po pala kayo napatawag?" tanong ko, napatingin ako kay Pio na inosenteng nilalaro ang palad ko.

"Pumunta ka dito." sabi lang nito at binaba na ang tawag.

Nagtatakang napatingin nalang ako sa aking cellphone matapos ang tawag.
Ano naman kaya ang kailangan sa akin ng mayor na 'yun?

Tumayo na kami ni Pio at pinapunta ko na siya sa banyo at ako naman ay inayos muna ang hinigaan namin at hinanda ang isusuot.

Sabay kaming naliligo ni Pio at hindi mawawala sa pagligo namin ang paglalaro niya sa bula, hindi ko alam pero adik na adik siya sa mga bula na iyan.

"Pio, tigilan mo na yan at magbuhos ka na. May pupuntahan pa ako." saway ko dito.

Malungkot naman nitong binanlawan ang buhok na may bula at nagsimula nang maligo.

Alam kong gusto niya pang maglaro pero kasi ay kailangan ko pang puntahan si Mayor, mahirap na at baka magalit iyon at ipakulong nalang ako bigla.

Pagkatapos naming maligo at magbihis ay lumabas na kami sa kwarto.

Nilutuan ko na ng almusal hanggang tanghalian si Pio kung sakaling tumagal man ako dun ay may makakain siya.

Nag-iwan nalang ako ng pera para pambili niya ng candy kung sakaling gusto niya.

Wala sila nanay at tatay ngayon at hindi ko alam kung nasaan sila. Mas mabuti na din dahil mag-aaway lang naman sila dito.

Ibinilin ko nalang sa kapit bahay namin si Pio at umalis na, mapagkakatiwalaan naman ang binilinan ko kay Pio kaya panatag ako.

Halos isang oras bago ako nakarating sa munisipyo.

Pagkapasok ko sa loob ay dumiretso na ako sa opisina ni Mayor at tinanong pa muna ano ng secretary bago pinapasok.

Nadatnan ko si mayor na nakaupo sa swivel chair niya at diretsong nakatingin agad sa akin pagkapasok, hinihintay niya ba ako?

Pinapaikot ikot niya lang ng mahina ang upuan at ang kamay ay nakalagay sa baba.

"What took you so long?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Inasikaso ko pa kasi ang k-kapatid ko. Bakit mo nga pala ko pinatawag?"
tanong ko.

Tumayo naman siya kinauupuan at inilagay ang kamay sa bulsa at lumakad papalapit sa akin.

Huminto siya pagkatapat sa akin.

Nagulat ako ng inilagay niya ang ilang buhok ko sa likod ng tenga bago tumingin sa akin ng seryoso.

"I want you to meet my friends." sabi niya, Sinong mga kaibigan? Sa politiko ba?

"Kailan?" tanong ko.

"Today, They will come later." sagot naman niya.

Tumango naman ako at hindi malaman kung uupo lang ba hanggang dumating ang mga kaibigan niya ngayong nasa harapan ko pa din siya.

Hinawakan niya ang braso ko at marahang hinila paupo sa sofa sa may gilid.

"Just wait here." sabi niya at bumalik sa swivel chair niya.

Hindi ko alam kung busy ba siya o ano dahil nakatingin o mas tamang nakatitig lang naman ito sa akin habang nakapalungbaba.

Kahit naiilang ay iniwas ko nakang ang tingin ko at nagkulikot sa aking cellphone hanggang tumunog ang pinto ng office.

May pumasok na tatlong mala adonis na mga lalaki, halos magkakasing tatangkad sila nila Mayor.

"Hey, Mayor!" sabi ng isang kulay asul ang mata.

"Who is she?" tanong naman ng lalaking kulay berde ang mata.

"She's my girlfriend." sagot ni Mayor na nagpalaglag sa kanilang nga panga.

"What the fuck bro?" tanong ng lalaking kulay brown ang mata, gulat na gulat.

"Atticus, Isaiah, Griffin. I want you to meet my girlfriend Phoebe. Phoebe i want you to meet my friends." pakilala ni Mayor nang makalapit sa akin.

Hinapit niya ang aking bewang at doon napatingin ang mga lalaking nang lalaki ang mga mata sa nakita.

Mukhang maging sila ay hindi makapaniwala na nagkaroon bigla ng girlfriend ang kaibigan nilang Mayor.

Kitang kita bakas din iyon sa mga mukha nila.

"That fast?" Hindi makapaniwalang tanong ng isa sa kanila habang sinusuri ako ng tingin mula ulo hanggang baba.

Kinakabahan tuloy ako dahil sa mga tingin nilang para akong hinuhusgahan. Well, wala naman sa mga mukha nila na masasama silang tao.

Sa katunayan ay mala anghel pa nga ang mukha ng mga ito dala na din ng angking kagwapuhan.

"Bakit parang hindi kayo makapaniwala?" Tanong ni Mayor sa mga ito, walang sumagot sa kaniya.

Itutuloy.
❄️
Hello po since tapos ko na ang Betrayed, magiging madalas na po ang update dito😊

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon