Chapter 16

14.1K 272 8
                                    

NANDITO kami ngayon sa opisina ni Lincoln at siya ay pumipirma ng kung ano ano habang ako ay nilalaro si Pio.

Kanina kasi ay pumunta dito ang secretary niyang si Navya upang ipapirma ang ilang papeles sa kaniya.

Nagulat ako ng pabalang na bumukas ang pintuan.

Napatingin kami doon at nakita ko ang pinsan ni Lincoln na si Kierol na nag aalab ang mata sa galit.

Dire diretso itong lumakad papunta kay Lincoln at basta na lang siyang kinuwelyuhan.

Kasunod ni Kierol si Navya na halatang kinakabahan.

"S-sir sorry po hindi ko po siya napigilan."sabi ni Navya.

"Anong karapatan mong tanggalin ako bilang Ceo ng LSmith company!?"galit na tanong nito kay Lincoln.

"Because your not Smith?"natatawa pang tanong din ni Lincoln.

"Gago!Ibalik mo ako.Wala kang karapatan ako lang ang dapat maging Ceo!Mayor ka na nga gusto mo pang agawin sakin ang kumpanyang pinaghiran ko!"parang naiiyak na si Kierol habang sinasabi niya iyon.

"Hindi kita ibabalik sa posisyon bilang ceo.And yes tama ka ikaw ang nagpalago ng kumpanyang iyon pero hindi naman sayo yun from the very beginning."sabi ni Lincoln at tinulak si Kierol.

Nagpupuyos pa din sa galit si Kierol hanggang sa mapatingin siya sa akin.

Napalunok ako ng laway nang matalim niya akong tignan.

Hanggang sa dumating ang limang guard at kinaladkad siya nilabas sa office.

Lumapit sa amin si Lincoln at binuhat ang natatakot ding si Pio at hinalikan ako sa noo.

"Wag kang matakot sa kaniya, I'm here hindi ko kayo papabayan."sabi niya.

Tumango naman ako at napanatag.

Nang magtanghalian ay nagpadeliver lang si Lincoln nang makakain namin.

Maganang kumakain si Pio nang Chicken with Rice at puro kanin pa ang pisngi.

Pinunasan ko ang pisngi niya baba na nalagyan din ng gravy,natutuwa ako sa kaniya dahil alam kong namiss niyang kumain nang mga ganito.

Bihira ko lang kasi siya mabilan nang ganun dahil laging kinukuha nila nanay ang sweldo ko.

"Baby,kumain ka na din."saway sa akin ni Lincoln nang makita niyang nahinto ako sa pagkain dahil sa pagpunas ko kay Pio.

Sinunod ko siya at nagsimula na akong kumain at naging tahimik ang pagkain namin hanggang sa matapos.

Tinuloy na ni Lincoln ang pagpirma hanggang sa magsabi si Navya na meron siyang emergency meeting.

Meron kasing naging aksidente sa kabilang bayan at nagkabungguan ang mga truck na galing dito sa Isabela.

Kasama sa pagpupulong ang mayor ng Isonila.

Nagpaalam na sakin si Lincoln at hinalikan ako sa pisngi at noo ganun din ang ginawa niya kay Pio.

Naglalaro lang kami ni Pio hanggang sa inantok siya kaya naman hinele ko na ito at nang makatuloy ay nilagay sa sofa.

Malaki naman ang sofa kaya hindi siya mahuhulog pero naglagay pa din ako ng upuan kung sakali.

Naupo na ako sa paanan niya at nagbasa basa ng mga magazine na nandito sa office.

Halos trenta minuto na akong nagbabasa nang dalawin ako ng antok kaya naman binaba ko na ang magazine at umayos ng upo.

Isinandal ko ang ulo sa sandalan ng sofa at ipinikit ang mata.

Itutuloy.
❄️


BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon