Chapter 25

12.7K 212 5
                                    

DALAWANG LINGGO na ang nakalipas mula nang magkausap si Lincoln at Zyair at ngayon ay hinihintay namin ang mga bata.

Napagdesisyunan na kasi nila Clementine at Zyair na dito muna ang mga bata.

Ngayon din nila malalaman ang totoo kaya ayaw nilang madamay pa ang mga bata.

Maya maya ay narinig na namin ang busina ng kotse kaya binuhat ko na si Pio at nauna nang lumabas si Lincoln.

"Didi! didi! buhat!" palabas palang kami ay naririnig ko na ang tinig ng kambal.

Pagkalabas namin ay nakita ko agad ang mag aama.

Buhat parehas ni Zyair ang kambal na sila Chandler at Chevy habang nakahawak nnaman sa damit nito si Zane na parang nahihiya.

Binaba ko na si Pio at tumakbo naman ito papunta sa kanila.

Nahiya siguro si Zane kaya tuluyan na itong nagtago sa likod ng ama.

Natawa naman ang magkaibigang Zyair at Lincoln sa inasal ng bata.

"Hello twins." bati ni Lincoln sa kambal at kinuha si Chandler.

Hindi mo mahahalatang mag tatatlong gulang palang ang mga ito dahil sa laki.

Anim na taong gulang naman si Zane  pero ang height ay parang sampung taong gulang na.

Hindi na ako magtataka dahil kung titignan mo kung kanino nagmana, ay sa ama shempre.

Nakatingin naman sa akin ang bunso na si Chevy habang ang kamay ay nasa bunganga at subo subo.

"Do you want to go with tita Phoebe?"
tanong ni Zyair nang mapansin na nasa akin ang tingin ng anak.

Nahihiyang tumango naman si Chevy kaya napangiti kami at binigay niya sa akin ang bata.

Agad naman itong yumakap sa aking leeg.

"Mama bear!" sigaw bigla ni Pio at humawak sa damit ko.

Nang tignan namin ito ay masama ang tingin nito kay Chevy na buhat buhat ko.

Nagseselos na naman ang baby ko.

"Baba ka jan! Wag mo niaagaw mama bear ko!" galit na sabi nito kay Chevy at pilit na hinihila ang paa.

At dahil nga sa medyo malaking bata si Chevy ay naabot ni Pio ang paa nito.

Nang biglang napalakas ang pagpalo ni Pio kay Chevy kaya bigla itong pumalahaw nang iyak.

Napatigil naman sa pagtawa ang kambal nitong si Chandler at masamang tinignan si Pio na masama pa din ang tingin sa umiiyak na Chevy.

Nagulat nalang kaming lahat nang biglang itulak ni Zane si Pio na siyang ikinatumba nito.

Agad namuo ang luha nito at nalipat ang masamang tingin kay Zane.

Agad binigay ni Lincoln si Chandler sa ama nito at inawat sila Zane at Pio.

"Hey, hey enough you two, wag kayong mag aaway, Pio 'diba nag usap na tayong magiging friends kayo." saway ni Lincoln sa mga ito.

Inilayo nito si Pio at binuhat habang bumalik sa ama si Zane.

"Because he hit my brother." katwiran ni Zane.

"Kasi niaagaw niya akin mama bear ko!" galit namang sagot ni Pio dito.

Habang si Chevy na siyang buhat ko ay nakalagay lang ang ulo sa balikat ko at tumahan na din.

"You can just ask Chevy but do not hurt him." mariing sabi ng panganay na si Zane.

Sinaway na sila ni Zyair kaya nagsitahimik na ang mga ito at sinabing papasok na sa loob.

Itutuloy.
❄️




























Pio💀 🤫

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon