Chapter 26

12.1K 211 24
                                    

NAKAALIS NA SI ZYAIR at ngayon ay tahimik ang kambal pati ang kapatid ng mga itong si Zane.

Si Pio naman ay simula kanina ay hindi bumitaw sa akin.

"Baby what do you want to watch?"
tanong ni Lincoln pagkalapit sa amin.

Nandito kasi kami sa sala at namimili si Lincoln ng mapapanood sa Netflix.

"Yung mga bata nalang ang tanungin mo."sabi ko.

Tumango naman siya at nilipat ang paningin sa mga bata.

"Okay kids what do you want to watc-"

"I want Johnny Test ."pagputol ni Zane sa sinasabi ni Lincoln.

"Cocomelon!"sigaw naman ng kambal.

"Dinotrux po tito Beckham."sabi naman ni Pio.

"No!Johnny Test!"

"Cocomelon!"

"Dinotrux!"

Sabay sabay na sigaw ng mga ito.

Napabuntong hininga nalang si Lincoln sa mga ito at nahpipindot na sa remote.

Nagulat ako ng wala itong pinili sa mga sinabi ng mga bata at The dog's journey ang pinlay.

Natahimik naman ang mga bata nang magumpisa na ang palabas.

Nang matapos ang palabas ay tinignan ko ang mga bata at hindi na ako nagulat nang makitang tulog na silang lahat.

Nasa kalahitnaan palang kasi ng palabas kanina ng masilip kong tulog na ang kambal.

At inaantok na nakatingin kanina sila Zane at Pio at ngayon nga ay tuluyan nang nakatulog.

Tumingin ako kay Lincoln at tatawagin sana siya para buhatin papunta sa kwarto ang mga bata nang makita kong mahimbing din ang tulog nito.

Katabi niya si Zane na nakaulo sa dibdib niya at sa may hita naman niya nakahiga ang kambal.

Habang si Pio ay nakasandal din sa akin.

Napapailing nalang ako at dahan dahan binuhat si Pio at dinala sa kwarto namin.

Nang masiguro kong mahimbing pa din ang tulog niya ay lumabas na ako ng kwarto at pinatay ang TV.

Tinapik tapik ko naman si Lincoln at para pa itong nagulat kaya medyo napaangat si Zane pero mahimbing pa din ang tulog.

"Dahan dahan, Lincoln.Buhatin mo na ang mga bata at dalin sa kwarto nila,baka mangalay yan bukas."sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya kahit halatang antok pa at inalis sa kaniya si Zane at ako na ang bumuhat dito.

Siya naman sa kambal,medyo umungot pa si Chandler pero pinatapik ko kay Lincoln kaya hindi nagising.

Dinala na namin sila sa bakanteng kwarto at kinumutan,binuksan na din ni Lincoln ang aircon at naglagay ako ng mga unan sa gilid.

Malaki naman ang kama at kasya silang tatlo kaya walang problema.

Nang maayos namin sila ay sabay na kaming lumabas ni Lincoln at tuloy tuloy na itong pumasok sa kwarto katabi si Pio.

Halatang antok na antok pa.

Ako naman ay bumalik sa sala upang ayusin ang mga napagbalatan namin ng chichirya at ilang candy.

Tinabi ko din ang mga natirang pop corn at naglinis.

Nang makita kong medyo may mga mumu sa sofa ay pinagpag ko ito at nilinisan din.

Nang matapos ay naligo na ako at sumampa sa kama para matulog.

Bago din ako pumunta dito ay sinilip ko sila Zane sa kabilang kwarto.

Itutuloy.
❄️
This chapter is dedicated to j_rys17
Ayan na ha.

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon