Chapter 13

14.7K 287 66
                                    

NAKATULALA LANG akong nakatingin sa kaniyang malaki ang ngiting nakapaskil sa mukha.

"And that's the kiss baby, Good night."
pagkatapos ay isang beses pa niyang hinalikan ang noo ko bago humiga sa sahig.

Nabalik lang ako sa ulirat nang gumagalaw si Pio.

Dahan dahan na akong nahiga at tinapik tapik ang hita ni Pio hanggang sa dalawin ako ng antok.

Nagising ako sa parang may kung anong dumidikit sa mukha ko at tawanan.

Nang idilat ko ang mata ay nakita ko ang tawa nang tawa na si Pio habang nakatingin sa akin.

Nakapikit naman ang mata ni Lincoln na akmang hahalik nang iharang ko ang kamay sa kaniyang mukha.

Napadilat tuloy siya at napaayos ng upo.

Umupo na din ako at tinignan ang dalawang nag aapir  sa harapan ko.

"Mama bear! Good morning!" bati ni Pio at palundag na yumakap sa akin.

Matunog niya ding hinalikan ang pisngi at humagikgik.

Napangiti nalang din ako at nabura lang nang may naramdaman akong labi sa aking labi.

Napatingin ako sa salarin na walang iba kundi si Lincoln.

Maaliwalas ang gwapong mukha nitong nakangiti sa akin.

"Good morning baby." sabi niya at akmang hahalik pa siya ng iiwas ko ang mukha at binuhat si Pio.

"Ano ba? Nakakarami ka na." inis kong sabi sa kaniya.

Lumabas na kami ng kwarto at binaba ko si Pio sa upuan at naghanap ng maluluto para sa almusal.

Habang nagpiprito ako ng itlog ay nagulat ako ng may mga brasong pumulupot sa aking bewang.

"Baby." ungot niya.

"Ano?" tanong ko.

"Kiss." sabi niya.

Nilingon ko siya at tama nga ang hula king nakangiti ang seryosong mayor ng Isabela.

"Anong kiss na naman yan? E diba nakahalik ka na sakin kanina." sabi ko.

"But i want more." ungot niya pa.

"Tito Beckham, Bakit po ninyo yayakap mama bear ko?" kunot noong tanong ni Pio na nasa gilid na pala namin.

"I want a kiss from your mama bear."
sagot dito ni Lincoln.

"Niaagaw mo po sakin mama bear ko?" inosenteng tanong pa nito.

"What? of course not,even from the start, Phoebe is mine."sabi ni Lincoln.

Nagulat ako ng itulak ni Pio si Lincoln at dahil hindi inaasahan ni Lincoln na itutulak siya ay napabitaw siya sa akin.

Pinatay ko na ang kalan at sinalin ang itlog sa pinggan bago muling balingan ang dalawang batang nagbabangayan.

"No! Mama bear akin! niaagaw mo mama bear ko! bad ka! bad ka! bad ka!"
galit na sigaw ni Pio habang pinagpapalo si Lincoln.

Hindi naman lumalaban si Lincoln bagkus ay tumatawa pa nga.

"Pio, baby stop na yan. Hindi niya ko maagaw. Halika na kakain na tayo."
awat ko na dahil mukhang lalo pang ginagalit ni Lincoln ang bata.

Sumunod naman sa akin si Pio habang pinupunusan ang kamay na pinangsuntok niya kay Lincoln.

"What's this?" tanong ni Lincoln at tinuro ang tuyo.

"Tuyo yan. Grabe hindi mo alam."
komento ko.

"Tuyo? But why it looks like a small fish?And....dry?" sabi pa niya.

Hindi ko nalang siya sinagot at pinagsandukan nang sinangang at itlog si Pio.

Siya naman ay nalilito pa din sa tuyo na hawak niya.

Ewan ko sayo Lincoln, ang kulit mo.

Itutuloy.
❄️
Stay safe everyone!💜

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon