Epilogue

20.6K 351 209
                                    

NAKAUWI NA KAMI ng Pilipinas at ngayon ay natutulog sa may sala sila Lincoln at Pio.

Nandito kami ngayon nanaluyan sa hotel pansamantala.

Nililinis pa kasi ang bahay ni Lincoln.

Sa kabilang hotel room naman sila tita Lia at Elias.

Sa ngayon ay pinagmamasdan ko lang matulog ang dalawang mahalagang lalaki sa buhay ko.

Nawala ang paningin ko kila Lincoln ng may mag doorbell.

Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ni Lincoln na nakapalupot sa bewang ko at dahan dahan ding inalis ang ulo niya sa hita ko.

Kanina ko pa sila sinabihan na sa kwarto na matulog pero ang dalawang to ay sadyang makulit at sinabing hindi naman daw sila matutulog pero ngayon ay plakda naman.

Tumayo na ako binuksan ang pinto,
nagulat ako nang makita si tita Lia na kabang kaba ang mukha.

"Tita Lia, ano pong kailangan ninyo?"
tanong ko.

"S-si Elias hija." sabi niya kaya bigla akong kinutuban.

Agad agad kong pinuntahan ang kwarto ni Elias at nagulat sa aking nasaksihan.

Kitang kita ko ngayon ang hinang hina niyang katawan na sinusuportahan ni tito Liam.

Sobrang putla din ng labi niya at mas nagulantang ako nang makita ang buhok na nasa lapag.

Wig lang pala ang buhok niya.

"A-ano hong nangyari t-tito?"
nanginingig kong tanong at dali daling nilapitan si Elias.

"Aayain sana namin siyang kumain pero pagbukas niya ng pinto ay nagulat nalang kami ng bigla siyang bumagsak, mabuti na lamang ay nasalo siya ni Liam kung hindi ay babagok ang ulo niya. Tinanong namin siya kung anong masakit pero pangalan mo lang ang binabanggit niya." paliwanag ni tita Lia.

Inayos siya ng upo ni tito Liam at nilagay sa may sofa.

Lumapit ako sa tabi niya at ngayon ay damang dama ko ang buong bigat niya dahil literal nakasandal na siya sa akin.

"A-anong nangyayari sayo Elias?"
tanong ko.

"I k-know dadating.... ang oras...na ito..." pahinto hinto siya magsalita.

"A-ayos na sakin ang sandaling nakita at nakasama ko ang anak ko... Alam kong m-malaki ang kasalanan ko sayo Phoebe, p-pero sana ay matutunan mo akong pat-tawarin." nanghihinang sabi niya.

"A-alam kong nagbunga ang nangyari sa atin p-pero hindi ako nagpakita sayo." sabi niya na nagpatulala sa akin.

Alam niya? Pero bakit hindi man lang niya ako tinulungan?

"P-patawad kung hindi agad ako nagpakita. Nang araw kasing dadalawin kita para pagusapan ang nangyari sa atin ay dinala ako sa Hospital." pagpapatuloy niya.

"The doctor said, I have leukemia." sabi niya na nagpatulo ng aking luha.

"B-bakit hindi mo sinabi sakin..." halos pabulong kong sabi.

"Ayokong makadagdag pa sa iisipin mo..." sagot niya.

"Nang malaman kong nawawala si Pio, Feeling ko isa ako sa walang kwentang tao sa mundo."

"G-gusto kong makasama ang anak ko kahit na sa huling sandali."

"Hindi ko na p-pinagamot ang sarili ko dahil alam kong mas mahihirapan akong makasama kayo." sabi niya.

"I-I want my son, to be just like his mom, I-I know that i don't deserve you both."

"B-but I want to request something before I d-die."

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon