Chapter 23

12.6K 227 9
                                    

TULOG NA SILA Lincoln at Pio ngayon matapos nilang mag kulitan kanina,
parehas pa ng pwesto ang dalawa na parehong nakatihaya.

Sa magkabilang gilid din sila nakapwesto dahil hindi pumayag si Lincoln na hindi ako katabi.

May dalawang unan naman sa gilid ni Pio upang hindi siya mahulog.

Matapos kong magsuklay ay sumampa na din ako sa kama para tabihan ang dalawang mahimbing na natutulog.

Sa side ni Pio ako humarap at hinalikan ang noo niya bago siya niyakap ang ipinikit ko na ang aking mata.

Hindi pa man ako nakakatulog nang maramdaman kong sumiksik sa akin si Lincoln at mahigpit din akong niyakap sa likod.

Nagising ako iyak ni Pio kaya dali dali kong minulat ang mata at nakita ko itong nakapikit habang umiiyak at sinasambit ang "mama bear".

Umupo ako sa upuan at sandaling tinignan ang kaliwang bahagi nang kama at nakita kong tulog na tulog pa din si Lincoln.

Agad ko naman tinapik tapik si Pio pero hindi pa din ito nagigising kaya tumayo ako sa kama at pumunta sa kabilang pwesto niya.

"Pio,baby wake up!"medyo malakas ko nang sabi sabay tapik sa pisngi niya.

Umiiyak pa din kasi ito.

"Baby,Why?"paos na tinig ni Lincoln kaya napatingin ako sa kaniya at nakitang umuupo ito.

"Binabangungot si Pio,Tulungan mo ko."naiiyak na sabi ko.

Agad naman siyang kumilos at tinapik tapik din si Pio na maya maya ay nagising din.

"Mama bear!"iyak ni Pio at agad na yumakap sa akin.

Agad ko naman itong binuhat at yinakap.

Nakatingin lang sa amin ang antok na antok pang si Lincoln.

"Shh,baby bakit ka umiiyak?"tanong ko kay Pio habang hinihimas ang likuran niya.

"Napanaginipan ko po na iwan mo ko."umiiyak na sagot niya sa akin.

"Pio, that's just a dream."sabi naman ni Lincoln.

Umalis sa pagkakasubsob sa aking leeg si Pio at galit na binalingan si Lincoln.

"Kaw!Kukunin mo akin mama bear ko!"galit niya sigaw dito.

Tinaas naman agad ni Lincoln ang kamay na para bang sumusuko.

"Damn,dapat pala di nalang ako nagsalita."bulong bulong niya na narinig ko naman.

Naiiling nalang ako sa kaniya at pinagpatuloy ang pagpapatahan kay Pio.

Maya maya ay mahimbing na muli itong natutulog sa mga bisig ko.

Nilapag ko na siya sa kama at hinalikan ang noo.

Napatingin ako sa orasan at nakitang alas tres palang nang madaling araw.

"Let's sleep na baby."yaya ni Lincoln na tinanguan ko naman.

Humiga na ako sa gitna nila at gaya kanina ay niyakap ko si Pio at yumakap naman sa akin sa likuran si Lincoln.

Itutuloy.
❄️
Just short update:
BS 3 Loving you till last Prologue is now up,hope y'all reads that too<3

BS #2 Phoebe's WeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon