Chapter 2: World of Magic

344 35 1
                                    



Diasferu

- Isang malawak na continent na kung saan ang magic at mga nilalang na sa libro lang matatagpuan ay nag e-exist at ang kontinente na ito ay binubuo ng 6 na kaharian:

Foena Regno
Umano kingdom
Lupos dynasty
Aquila kingdom
Aqua terra
at Obtritum

-

Foena Regno - Isang mataas na lugar na kung saan likas na naninirahan ang mga Pyrobia o mga nilalang na may hawig sa tao ngunit may pula at may halos na nagliliyab na mga mata. Likas silang nagtataglay ng affinity ng apoy at nagtataglay din ng malawak na antas ng mana dahil sinasabi sa mga alamat na sila ay descendants ng mga Mythical Creature na tinatawag na Phoenix na nakipaglaban sa mga Dragon na naganap 500 years na ang nakararaan. Ang mga Pyrobia ay nagtataglay ng sandata na may hawig sa kahoy na hugis espada na pag nag liyab ay nagmumukhang balahibo o feather na kayang humiwa o sumunog ng maraming bagay ang nagliliyab na sandata na ito ay kilala sa tawag na Feather of Phoenix. Sagisag ito o isang patunay na sila nga ay descendants ng mga Phoenix at kaya din nilang mag manifest ng advance na fire magic ( blue fire at lightning magic)

Umano Kingdom - Kaharian ng mga tao at isa sa mga pinakamayaman na kaharian. Kasalukuyan itong pinamumunuan ni King James, isang tao na nagtataglay ng kapangyarihan na maihahantulad sa antas ng isang Dragon. Pinamumunuan niya ang kahariang ito sa loob ng 20 years at sa loob ng kanyang pamumuno ay hindi pa sila natatalo o nasasakop ng ibang kaharian.
Ang mga tao sa kahariang ito ay nagtataglay ng isa sa apat na affinity ng element (fire, wind, earth, water) na kapag nabihasa o namaster ang element na ito ay nagkakaroon ng pangalawa o advance na stage ( lightning, sound, metal, ice ). May mga naiulat din sa nakaraang mga records na may mga matagumpay na nakapag combine na ng dalawa o higit pang element at ang mga ito ay nabibilang sa "unique" na klase ng magic dahilan kung bakit ang kaharian ay nakabubuo ng malalakas na sundalo o mandirigma. Karaniwan silang nagtataglay ng blonde, silver, brown at asul na mga buhok. Depende sa antas na kanilang kinalalagyan sa lipunan.

Blonde/Silver - sila yung mga pamilyang may matatas na kinanalalagyan sa kaharian ( royalty ) at may karapatan upang mamuno o maging susunod na hari ng Umano kingdom.

Asul/Brown- Sila ang mga pangkariniwang mamayan ng kaharian at nagtataglay lamang ng maliit na sakop ng mana.

Lupos dynasty - Kung ihahalintulad ito sa mga naunang kaharian, ang kaharian na ito ay naiiba 'pagkat ito ay nahahati sa tatlong siyodan (city) at ang bawat isa ay kinabibilangan ng Elves, Dwarves at Demi human. Bawat isa sa tatlong pangkat ay may niri representang pinuno na nagsisilbing simbulo ng kanilang angkan. Na sa kada labing limang taon ay may nagaganap na tournament sa tatlong angkan na ito at ang mananalo ay ang magiging Leader o magiging Representative ng kaharian ng Lupos.
Ang mga affinity ng magic nila ay naka depende sa uri o angkan na kanilang kinabibilangan:

Elves- Nilalang ng magagandang lahi at may mahahabang tenga na may green, yellow green o silver na buhok at likas silang nagtataglay ng element ng wind, water at earth. Likas na nagtataglay din sila ng unique magic ng pinaghalo o combine element ng water at earth na kayang mag pagalaw o kumontrol ng mga halaman o magpatubo ng mga ito. Mahusay din sila sa paggamit ng mga bow o pana na nagsisilbing kanilang signature weapon.

Dwarves- Maliliit na nilalang na may taas lamang ng di lalagpas sa apat na talampakan ngunit sila ay may mga malalaki at makikisig na pangangatawan. Bihasa ang mga ito sa paggawa ng kahit anong uri ng sandata. Ang mga dwarves ay magaling sa paggamit ng mga axe o palakol at claymore o espada na may laki na halos dalawang beses ng sukat ng kanilang katawan. Sila ay likas na nagtataglay ng element ng fire at earth at unique magic ng pinagsamang fire at earth na dahilan kaya sila nakakalikha ng mga nagbabagang putik (magma) na may mataas na temperatura na kanilang ginagamit sa paggawa ng sandata. May iilan din sa kanila na kayang lumikha ng metal (advance magic type ng earth) na sinasabing isa sa isang libong dwarves lamang ang nabibiyayaan ng ganitong kakayahan.

Shape of FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon