Dahil sa pagod na dulot ng unang araw niyang paglalakbay, si Cai ay pasandal na umupo sa malaking puno na malapit sa Ammit. Sa bawat pagsasanay na ipinagawa sa kanya ni Dante ay mas lalo pang lumakas ang kanyang pakiramdam sa paligid. Maihahalintulad na ang senses niya sa isang wild animal na nag iingat sa mga predator kaya kung sakali man na may mga halimaw at wild beast na sumalakay sa kanila ay agad niya iyon na mararamdaman. Limang minuto matapos niyang ipikit ang kanyang mata ay may pangyayari na hindi niya inaasahan. Muli nanaman kasing nagpakita sa kanyang panaginip ang Phoenix Empress, si Foena Misshja.
Cai: Huh!? Ikaw pala ? Bakit sa nakalipas na dalawang taon ay ngayon ka lang po nagpakita ulit?
Misshja: Kasi nasa lugar ka ng Enorme Garcon at ang lupain na iyon ay may isang divine blessing na defense type na ipinagkakaloob ng dragon god para protektahan ang mga tao na dati niyang nasasakupan. Mahirap para sa ibang mga halimaw ang makapasok sa lupain nila kaya kahit na nasa gitna sila ng isang masukal na kagubatan na napapalibutan ng mga wild beast at halimaw ay nanatili pa ring buo ang baryo nila. Kahit ang ibang mga God ay nahihirapan na magpadala ng tao na nabigyan nila ng blessing sa lugar na iyon dahil nawawalan sila ng koneksyon sa mga tao na ipinapadala nila.
Cai: Ganun pala... Matagal ko nang gustong itanong sayo 'to, isa ka bang diyos? Kasi ang sabi ng nakararami na tanging mga diyos o god lang ang may kakayahang magbigay ng blessing para makagamit ng divine energy. Ang Honō no katachi ( shape of flame ) ay isang ability na ginagamitan ng divine energy diba?
Misshja: Ang sagot diyan ay oo at hindi.
Cai: Ano ang ibig mong sabihin?
Missja: Tama na tanging mga god lang ang may kakayahang magbigay ng blessing sa mga tao. Pero hindi pa ako isang ganap na god. Alam mo na diba na pag nakamit ng isang majestic creature ang isang requirements ay mag a- ascend na siya bilang isang god?
Cai: Opo, kasi yun yung nangyari sa dating Dragon king na nag ascend sa dragon god.
Misshja: Pero pwede mo naman tanggihan ang bagay na iyon..
Cai: Anong ibig mong sabihin?
Misshja: Sa digmaang naganap limang daang taon na ang nakakaraan.. Nagawa kong i seal ang itim na dragon na si Kurostenia. Dahil sa bagay na iyon ay nabigyan ako ng opportunity para maging isang ganap na god pero tinanggihan ko ang bagay na iyon dahil alam ko na balang araw ay makakawala sa seal ang itim na dragon. Pag nag ascend ka na kasi bilang isang god ay mawawalan ka na ng karapatan na makisalamuha sa mga nilalang na nasa lupa. Pag tinanggap ko ang alok na maging isang ganap na god ay wala nang makapipigil kay Kurostenia kung sakali man na makawala siya sa seal.
Cai: Kung hindi ka pa ganap na isang god.. Pano ka naman nakakagamit ng oracle para makipag usap sa akin ngayon? At paano ka nakapagbibigay ng mga blessing?
Misshja: Alam mo ba yung tungkol sa mga demi- god? Ang mga demi-god ay mga nilalang na may lakas na di nagkakalayo sa lakas ng isang tunay na god. Sila yung mga majestic creature o species na nabibigyan ng opportunity para mag ascend para maging isang true god. Dahil sa lakas ng kapangyarihan na kanilang nakamit ay natututunan nila ang mga bagong ability at isa na don ay ang pag gamit ng divine energy. Ang mga demi - god ay tinuturing na mediators at humahalili sa dating pwesto ng mga dragon. Ang mga demi-god ay hindi kagaya ng mga true god dahil sila ay may kakayahan na maglakad sa ibabaw ng lupa o sa madaling salita, pwede silang makisali sa mga digmaan ng mga nilalang sa lupa para mapanatili ang balanse nito.
BINABASA MO ANG
Shape of Flame
AventuraSi Bren, isang 27 years old at nagtatrabaho bilang isang factory worker ay na-sisante kasama ng ilan nya pang ka grupo sa kanyang trabaho dahil sa pagkakamali na muntik nang ika- lugi ng kompanya. Habang lasing na naglalakad pauwe ay may tatlong lal...