Chapter 32:

90 10 4
                                    

01/24/23











Bago pa pumatak ang ala- syete ng umaga ay tapos na sa paghahanda ng gamit ang lahat. Ilang sandali pa ay ngumiti si Mayumi habang nakatingin sa mga maids sabay kaway bago ito umakyat sa hagdan ng karwahe. Kasama niya sa loob ng kawahe ay si Thea at ang pinagkakatiwalaan niyang yaya na maituturing niya na ring pangalawang ina, si Cecilia. Isang 34 years old at assistant ng head maid. Bihasa siya sa lahat ng gawaing bahay at siya rin ang laging nakatuka para personal na pagsilbihan si Mayumi. Kung pagmamasdan ng mabuti ay hindi nagtutugma ang kanyang edad sa kanyang itsura dahil sa hubog ng kanyang katawan, maganda at straight forward na mukha pati na rin sa kanyang mala porselanang balat na hindi mo masyadong maaaninag dahil natatakpan ito ng kanyang uniform. Ang palda niyang suot ay may kahabaan din na halos matakpan na ang kanyang bukung- bukong.









Sa bandang unahan naman ng karwahe ay nakasakay sa tig- iisang hippogriff sina Cai, Zeno, Charles at Hino habang si Ayumo naman ang nagsisilbing kutsero ( coachman ) ng apat na hippogriff na humihila sa karwahe. Ang hippogriff ay isang rare mount na tanging mga aristocrat lamang ang nakakagamit dahil ito ay isang rare species na may kamahalan. Ang itsura nito ay maihahalintulad sa isang griffin ang kaibahan lamang nito sa griffin , ito ay may sukat lamang ng gaya sa kabayo at ang kalahating katawan nito sa likuran ay katawan rin ng kabayo imbes na sa lion ( half horse, half eagle siya for short ) .






Ayumo: Cai..


Cai : Bakit ?

Ayumo: Ilang taon ka na?

Cai: Siyam na taon , bakit?


Napatingin ang tatlo kay Cai pagkatapos marinig ang sinabi niya.


Zeno: Seryuso ka ba?




Hino: Eeeeh.. Akala ko pa naman kasing edad ka na namin at nakalimutan mo lang tumangkad




Cai: Nang - iinsulto ka ba?



Hino: Hindi ah, yung itsura kasi ng pangangatawan mo ay hindi tumutugma sa edad mo




Napatawa si Charles sa sinabi ni Hino habang si Cai naman ay tininggnan siya ng masama. Si Zeno naman ay nakakunot ang mukha at hindi pa rin makapaniwala



Ayumo: Ilang taon kang nagsanay?



Cai: Tatlong taon. Bakit?

Ayumo: Ganun pala, gusto ko lang sabihin na Nakakamangha kang bata. Na gising mo ang iyong aura sa mura mong edad na kadalasan ay ginigugulan ng halos isang dekada para matutunan . Duda din ako na ginamit mo na lahat ng natutunan mo sa tatlong taon na iyon ng labanan mo si Zeno.



Cai; Sino ba naman kasing timang ang maglalabas ng isan' daang porsyento niya sa isang sparring fight?



Paasar na tumingin ang tatlo kay Zeno...


Zeno: Ba't ganyan kayo kung makatingin? Hindi ko din naman inilabas yung isang daang porsyento ng lakas ko nuh? Gusto ko lang naman na malaman kung gaano kalakas ang batang ito.



Napansin ni Cai na kanina pa nakatingin si Ayumo sa kanya na tela ba may gusto pa itong sabihin..


Cai: Napakaganda naman ng espada na ginagamit mo, pwede ko bang malaman kung pano mo napasakamay ang espada na iyan?



Ayumo: Aah ito ba? Mahabang istorya..


Charles: Alam mo ba na dating kapitan ng hukbo iyang si tatang? Ang espada na gamit niya ay isa sa divine sword na kabilang sa " 32 swords of king". Ipinapamana pa ang mga espada na ganyan sa mga taong makakatalo sa kasalukuyang may hawak nito.


Shape of FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon