Tatlong taon ang nakalipas, kasing laki na ng isang kalabaw si Tope, ang griffin ni Cai at nalalapit na rin ang ika- anim na taon ng kanyang kaarawan. Sa nakalipas na tatlong taon ay hindi siya tumugil sa kanyang pagsasanay kaya naabot niya na ang lakas ng isang Class B+ na battle mage. Pero kahit na ganun, hindi parin niya na a-unlock ang paggamit ng aura. May mga kundisyon kasi na kailangan gawin para ma unlock ang aura, at nakalimutan iyon ni Jack basta ang tanda niya lang ay halos dalawampu't isang taon ang kanyang ginugol niya para makagamit ng aura at tuluyang makontrol ito.
" Dalampong taon? " Ang gulat na tanong ni Cai kaya nag pasya siya na wag na lang muna itong aralin dahil masyadong imposible daw ang bagay na iyon para sa kanya kaya nag fucos nalang siya sa paggamit ng mana at sa paggawa ng sariling mana domain. Pero sa loob ng tatlong taon na pagsasanay ay bigo siya na makagawa nito kaya iniisip niya na ang batang si Sophia ay isang henyo dahil nagawa niya iyon sa edad na tatlong taong gulang lamang.
Ilang araw pa ang nagdaaan at sawakas, dumating na ang ika- anim na taon na kaarawan ni Cai. Ayaw niya ng isang galanteng paghahanda kaya tanging malalapit na kaibigan lamang ang kanilang inimbitahan. Sa isang di kainitan na hapon ay masaya nang nag kakainan at nag iinuman ang mga bisita. Kahit na sinabi ni Cai na ayaw niya ng isang galanteng handaan ay hindi ito naiwasan dahil punong puno ng masasarap na pagkain at inumin ang nakahanda sa mesa.
Sa kanilang terrace ay tahimik lamang na nakaupo si Cai na umiinom ng juice habang pinagmamasdan ang pag lubog ng araw na para bang wala siyang pakialam sa nagaganap na kasiyahan kahit na kaarawan niya pa ito. Maya- maya ay may sumulpot na isa sa mga bisita at kinalabit siya sa balikat.
Napalingon si Cai sa kanyang likod at nakita niya ang isang napakagandang babae na may pulang mga buhok at crimson na mga mata at nakasuot ng isang kulay puting dress.
Cai: Ahw ikaw pala yan, masaya ako't nakarating ka.
Sophia: Ganyan ba ang mukha ng isang masayang ikaw? Eh kung ilalarawan ko ang mukha mo ngayon, parang pasan mo ang problema ng lahat.
Cai: Weh? Grabi ka naman, napaka-ganda mo sana sa suot mong damit kaso mukhang nandito ka lang para mang inis.
Napatahimik si Sophia sa sinabi ni Cai at tila ba namula ang mga pisngi nito. Sa isip niya, ang tanging narinig niya lamang sa sinabi ni Cai ay
" napakaganda mo sa suot mong damit ".
Cai : Anong problema? Ok ka lang ba? Namumula ang mukha mo, nilalagnat ka ba?
Natauhan si Sophia no'ng tinanong siya ulit ni Cai kaya tiningnan niya ito sa isang masungit na paraan sabay siniringan.
Cai: Ano bang problema mo?
Sophia: Gusto ko lang sana tanungin kung sasama ka ba sa makalawa, hindi ba pupunta ang tatay mo sa kaharian ng Umano? Kasama niya ang lolo ko sa gaganapin na pagpupulong at nag pasya siya na isama narin ako. Tutal gusto ko din naman makita yung academy na papasukan natin.
Cai: Aah.. iyun ba? Hindi ako pinayagan ni mama na sumama sa kanya, ang swerte mo naman dahil isasama ka ng lolo mo.
Biglang nalungkot ang mukha ni Sophia sa kanyang narinig.
Sophia: Pag balik ko maglaban nalang ulit tayong dalawa.
Cai: Ayuko, masiyado kang nakakatakot, saka na kita lalabanan ulit pag nakagawa na din ako ng sarili kong mana domain.
BINABASA MO ANG
Shape of Flame
एड्वेंचरSi Bren, isang 27 years old at nagtatrabaho bilang isang factory worker ay na-sisante kasama ng ilan nya pang ka grupo sa kanyang trabaho dahil sa pagkakamali na muntik nang ika- lugi ng kompanya. Habang lasing na naglalakad pauwe ay may tatlong lal...