Chapter 26: Emperor's Eye Part 1

155 34 0
                                    















Nang maipasok na ni Cai ang kanyang apartment sa kanyang item bag ay naghanda na silang umalis. Habang tumatagal na kasama niya si Cai ay mas lalo pang napapansin ni Thea na marami pa siyang itinatago tungkol sa kanyang pagkatao.  Bakit naman kasi siya magsasayang ng oras sa pagpunta sa bahay ng isang aristocrat kung may ganoong pangyayari sa kanyang nakararaan,







"Di ba dapat ang pinaka una niyang gawin ay pumunta sa lugar na kung saan naganap ang karumaldumal na pagpaslang? Naiintindihan ko naman na delikado pero... di ba dapat inaalam niya muna ang puno't ugat ng pinagmulan ng pangyayaring iyon?







Ang tanong ni Thea sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya ang maaliwalas na mukha ni Cai na animo'y walang dinadalang problema at hinanakit sa buhay. Kanina pa napapansin ni Cai na nakatingin nanaman sa kanyang mukha si Thea sa hindi maipintang paraan kaya di siya nagdalawang isip na tanungin ito.





Cai: Anong problema? Nagdududa ka pa rin ba sa'kin?



Thea: Gusto ko lang malaman kung ano ang plano mo sa hinaharap... Kung balak mo bang alamin ang katutuhanan sa kabila ng walang awa na pagpaslang sa iyong angkan.




Cai: Hahaha.. akala ko pa naman kung ano na.. Kung iyan yung dahilan kung ba't  nagdududa ka pa rin sa akin, madali lang naman sagutin yan. May edeya na ako kung ano ang dahilan pero... Kailangan ko pang humakilap ng sapat na impormasyon at ang paggawa ng ganoong bagay ay hindi madali. Baka balang araw, sa paghahanap ko ng impormasyon ay makaharap ko ang isang tao na isa sa may pakana ng pagpaslang sa angkan namin. Di parang naghukay na rin ako nun ng sarili kong libingan di ba?




Thea: Kung ganun, sa madaling salita....




Cai: Hahahaha nadali mo rin. Ang una kong hakbang ay kumita muna ng sapat na pera para matustusan ko yung pag- enroll at mga gagastusin ko sa Academy. Nang sa ganun ay makakapag- aral ako at makakapagsanay ng walang problema...





Thea: Eh pano naman kung makasalubong mo sa academy na iyon yung isa sa mga taong may pakana sa pagpaslang ng angkan niyo?





Cai:  Tsaka ko na iisipin yung bagay na iyon pag nandiyan na.




Nagpatuloy pa ang pag uusap nila na umabot pa ng tatlong oras habang sakay ng kabayo. Maswerte sila dahil wala silang masiyadong nakasalubong na mga halimaw at wild beast. Dahil sa kanilang pag ku- kwentuhan ay di nila namalayan na narating na pala nila ang main gate ng bayan ng Dia-goldia. Ang bayan kung saan mismo nakatira ang pamilya ng Marquess. Sa mismong pag tapak ng paa nila sa harap ng gate ay agad silang sinita ng mga kawal na nagbabantay dito.





Guard 1: Hinto !




Cai: Woah... Di ko alam na may mga gate keeper pala sa mismong gate ng bayan na pagmamay-ari ng pamilya mo.




Thea: Normal lang ang mga ganyan. Mas marami ka pang makikita na katulad niyan pag naglibot- libot ka pa sa kaharian ng Umano.




Cai: Hahaha ganun ba? Nakaka excite naman.




Guard 2: Bago kayo makapasok sa bayan na ito ay kailangan niyo munang sabihin kung ano ang pakay ninyo. Mas maganda kung may maipapakita kayong permit o kaya naman kasulatan na nagpapatunay na meron nga kayong bagay na kailangan gawin sa bayan ng Dia-goldia.




Shape of FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon