Chapter 9: Demi-human

176 32 0
                                    



     Mabilis na lumipas ang gabi at bumungad na ang bukang liwayway. Pagkatapos nilang kumain ng almusal ay nag handa sa silang umalis para bumisita sa kaibigan ni Clifford, Hanba ang pangalan ng kaibigan niya. Nakatira ang pamilya ni Hanba sa isang malaking mansyon na matatagpuan pa sa pinakadulong bahagi ng kaharian.

    Bago pa sila pumunta sa bahay ng kaibigan ni Clifford, naisipan muna niya na ipasyal ang apo sa lugar ng mga pamilihan.

Clifford: Dito ka lang muna apo, maupo ka muna diyan dahil bibilhan kita ng makakain. Kilala ang tindahan na iyon sa paggawa ng masasarap na tinapay.

Cai: Sige po lolo,

Clifford: Oh heto, ang maliit na bag na ito ay naglalaman ng isang libong halaga ng ginto, kung sakaling mainip ka sa akin, pwede ka munang mag ikot-ikot at bilhin kung ano man ang magustuhan mo. Napakahaba kasi ng pila doon. Basta siguraduhin mo na babalik ka sa upuan na ito, ha?

Cai: Ok po.

  Habang binibilhan ni Clifford ng makakain ang apo, ay hindi niya namalayan na nawala na pala si Cai sa upuan na kung saan niya ito iniwan.  Kalahating oras ang lumipas, pag balik niya sa upuan ay nangangamba ito pagkat wala na doon ang kanyang apo..

Clifford: Anak ng.. Nasan na yung bata na 'yon? Dapat pala hindi ko muna siya binigyan ng pera.


Cai' POV:

  Samantala, no'ng mga oras na binibilhan siya ng kanyang lolo ng pagkain, may nakita si Cai na isang batang babae na nakasuot ng hood na itinataboy palabas sa tindahan ng mga healing potion..

Cai: Ano kayang nangyayari sa lugar na 'yon.

  Dahil sa  curiosity, pinuntahan niya ang tindahan na kung saan may nagaganap na iskandalo.

Tindero: Nagpapatawa ka ba?!! Alam mo ba ang halaga ng isang bote nito?!! Hindi pa sapat yang buhay mo bilang kapalit dito, tapos gusto mo na ipagpalit ko ang isang bote ng potion na ito  para sa mga dala-dala mong damo?

Batang naka hood: Pero hindi po ito mga damo, isang uri po ito ng gulay na tumutubo sa ibabaw ng sapa. Pakiusap na po , bigyan niyo na po ako kahit na kalahati lang ng potion na iyan. Malala na ang sakit ng bunso kong kapatid, pag hindi pa siya nagamot pwede siyang ..

Tindero: Pwede siyang ano? Mamatay? Ano naman ang paki ko? Kung wala kang perang maibibigay , mas mabuti nang lumayas ka sa tindahan ko.. Perwesyo ka ng negosyo!! Sabagay ano ba namang aasahan ko sa isang demi-human na gaya mo?

Cai: demi-human?

   Agad na lumapit si Cai sa mga gulay na ikinalat ng tindero sa sahig para pulutin at suriin na rin ito..

Tindero: Sino ka namang paslit ka? Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na hindi ka dapat nakikialam sa buhay ng iba?

  Lumuluha ang mga mata  ng batang naka hood habang tinitingnan si Cai na pinupulot ang mga dala niyang gulay.

Cai: kangkong to ah? Masarap ito  sa sinigang, hmmm pero di ko alam kung may sinigang nga ba na ibinibenta sa lugar na 'to.

Tindero: Sino ka bang bata ka?

  Hindi pinansin ni Cai ang tindero at inabot niya ang mga gulay sa batang naka hood.

Cai: Oh heto, ayos ka lang? Kung ayos lang sayo, gusto kong bilhin ang mga gulay na ito..

Batang naka hood: Pero di ko alam ang presyo ng mga iyan..

Cai: Hmmmm... Ano kaya kung ibigay mo sa akin ang mga gulay na ito kapalit ng isang bote ng healing potion?

Shape of FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon