Chapter: 15 Sakusei

163 37 0
                                    



Sa isang kagubatan na may malalaking puno na kasing tangkad ng mga gusali dito sa Earth, ang anim na taong gulang na si Cai ay nagising mula sa isang napakasamang bangungot na hinihiling niya sa kanyang sarili na sana hindi iyon totoong nangyare, na sana panaginip lang ang lahat ng iyon.





     Nakatulala lamang siya ng halos tatlong oras hanggang sa magising ang griffin na sinasandalan niya. Bumangon na ang griffin na iyon , at sa pag tayo ni Tope ay bumagsak ang katawan ni Cai sa lupa na parang isang walang buhay na manika. Magang maga ang mga mata nito. Kahit na ligtas na ang kanyang kalagayan mula sa mga sugat at injury na kanyang natamo, si Cai ay parang walang balak na tumayo mula sa kanyang kinahihigaan. Nag-aalala ang kanyang griffin sa kanyang kalagayan kaya umalis na muna ito para maghanap ng makakain.





     Halos kalahating oras ang nakalipas, bumalik na ang griffin ni Cai. May dala-dala itong isang malaking red bi-horn boar ( isang uri ng malaking kulay pula na baboy na may isang sungay sa noo at isang sungay sa may itaas na ilong ). Ang pulang baboy na ito ay isang Class A na sangkap/pagkain na bibihira lamang matagpuan dahil nakatira lamang ito sa pinakamalalim na parte ng kagubatan. Ang karne na ito ay may kalidad na mas mataas pa sa isang normal na karne ng baboy.





    Bagama't may kakayahan ang griffin na humuli ng pagkain, wala itong kakayahan para lutuin ito. Walang problema para sa isang griffin ang kumain ng isang hilaw na karne, pero ang pulang baboy na kanyang hinuli ay para sa kanilang dalawa ni Cai. Gusto niya na pakainin ang kanyang amo sa pagnanais na bumuti ang nararamdaman nito. Inilapag niya ang karne at sinubukan niya nang pabangunin ang kanyang amo mula sa kinahihigaan nito. Gamit ang malaki at kulay brown na tuka, binuhat niya ang likod ng damit ni Cai sa may bandang leeg at pinilit itong patayuin. Ang diwa ni Cai ay muling nagising mula sa malalim na iniisip. Nakita niya ang isang red bi-horn boar na nasa kanyang harapan. Tiningnan niya ang kanyang griffin sa mga mata, at doon pumasok sa isip niya na hinuli ito ni tope para sa kanya.




    Lumuwag ng bahagya ang masikip na nararamdaman niya sa kanyang dibdib nang makita niya ang mukha ng nag-aalalang griffin. Napangiti siya ng kaunti at tinanong ito sa isang napakahinang boses.



   " Nagugutom ka na ba? "

   Masungit na tiningnan siya ng griffin sabay iniling ang mukha sa kanyang kaliwa.

   "Oo na, oo na.. Alam ko naman na hinuli mo ito para sa ating dalawa. Kaso wala akong ganang kumain. Pwede mo namang kainin to ng hilaw di ba?"


   " Kwiisekyakaksyap!" Ang pasigaw na sagot sa kanya ng griffin at tila ba hindi ito natuwa sa kanyang sinabi.



   "Haayssst.. Sige na, Sige na.. lulutuin ko na ito para makakain na tayong dalawa "


     Nag ipon ng maraming tuyong mga nalalag na sanga si Cai at tinutulungan din siya ng griffin dito. Gamit ang matulis na dulong bahagi ng feather of phoenix ng kanyang lolo, sinugatan niya ang kanyang kanang palad para magpasimula ng apoy. Ang pulang baboy ay tinanggalan ng bituka tapos itinali sa nakatarak na isang malaki at mahabang kahoy mula sa bibig nito papunta sa pwetan, pinaikot- ikot ito sa ibabaw ng nagliliyab na sanga habang nakaipit ang mahabang kahoy na iyon sa malaking sangang nakatayo na hugis "Y".


" Ayos lang kaya na lutuin ito ng ganito?"



   Sa halos isang oras na pagpapaikot-ikot nito, sawakas... mukhang naluto na rin ang karne. May masarap itong amoy na tila ba hinaluan ng mga mamahaling sangkap kahit na wala naman silang inilagay dito na kahit na ano.  Gamit ang matutulis na tuka, hinati ni Tope ang isang hita nito at inabot kay Cai.


Shape of FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon