Chapter 24: Talent and Hardwork

174 36 2
                                    




Pag dating nila ng adventurer's guild ay agad na sinuri si Cai ng isang doctor. Habang sinusuri siya ng doctor ay nagpakilala ang grupo na nagligtas sa kanya. Ang leader ng grupong ito ay si Johan , 21 year's old. Isang Rank A  na adventurer at dating isa sa mga Royal Guards ng kaharian. Pamangkin  siya ni Richard Faucon Vert, ang isa sa tatlong Duke . Ang ikalawang myembro ng grupo ay si George, 26 year's old. Isang malaking tao na may maamong mukha at ang sandata niya ay shield at mace. Siya ang tagasalo ng mga atake ng kalaban at nagsisilbing tank ng grupo. Ang ikatlong myembro ay si Amethyst, 19 year's old. Siya ang Mage at healer ng grupo. Kaya niyang lumikha ng malalakas na magic spell habang nag he-heal ng kakampi. Ang ikaapat at pang huling myembro naman ay si Thea, 17 year's old. Isang archer / assassin na magaling sa paggamit ng pana at dagger. Hindi siya nakakagamit ng mana simula pagkabata kaya  iginugol niya ang kanyang sarili sa pag-iinsayo ng bow art at paggamit ng dagger. Halos mag kasing lakas sila ni Johan pagdating sa pakikipaglaban. Ang grupo nila ay  kilala sa bansag na Morning Star na binubuo ng apat na Rank A na adventurers . Madalas silang gumagawa ng quest o mission na may Rank A pataas kaya medyo nahuli sila ng dating sa baryo kung saan nilabanan ni Cai ang grupo  ng mga ogre.

Nang matapos na ang pagsusuri ng doctor ay sinabi nito na nag karoon ng mga bitak ang mga buto ni Cai sa kanyang braso at binti. Mapapagaling naman daw ito agad kung iinom siya ng isang full potion kaso magkakahalaga ito ng 10 gold coin.

Cai: Napakamahal! Pwede ko bang bayaran yan ng paunti-unti? Gaya ng ano.. hulog - hulugan ba?

Doctor: Ipagpaumanhin po ninyo pero hindi po pwede. Malaki kasi ang kakulangan namin ngayon ng mga medical herbs dahil ang mga halaman na 'yon ay matatagpuan lang sa masukal na kagubatan kung saan nakatira ang mga high rank na wild beast at monsters. At wala nang adventurers ang nagtatangkang gumawa ng mission na iyon dahil sa napakadilekado. Napaka rare na ng full potion sa bayan na ito kaya hindi ito pwedeng basta batang i- apply nalang sa isang injured na taong walang pambayad

Johan: Huwag kang mag-alala dahil sagot na muna namin ang potion na ito bilang tanda ng pag hingi ng despensa dahil nahuli kami ng dating. Kung medyo maaga sana kaming nakarating sa lugar na iyon ay wala sanang mamatay sa kanila at di ka sana magkaka injury ng ganyan


Amethyst: Pero wala naman tayong magagawa dahil kakagaling lang natin sa isang Rank A na mission. Kahit ako nalulungkot dahil hindi natin nagawang iligtas ang mga taong namatay..

Cai: Maraming salamat sa alok mo pero, ayos lang ba 'yon? Ang pera na iyan ay ang kinita niyo mula sa mga mahihirap na mission na iyon di ba?

Nagtinginan ang tatlo ng may malungkot na mukha at biglang napangisi sa isa't isa habang si Thea naman ay walang pake sa pinag-uusapan nila dahil nakadungaw  ito sa bintana at nakatingin sa malayo.


Cai: Sabi ko na... Hindi niyo naman iyon kailangang gawin para sa akin kase nakuha ko ang mga injury na ito dahil sa sarili kong kapabayaan. At isa pa, sinabi mo doc na kinukulang kayo sa mga medical herbs na pang gawa ng potion di ba? Kung bibigyan ko kayo ng ilan sa mga nakuha ko, pwede na ba iyon na maging sapat na kabayaran para sa  potion na iyan?


Doctor: Depende sa dami at sa klase ng mga medical herb na ibinigay mo....


Hindi pa tapos magsalita ang doctor ay inilibas na ni Cai ang mga halamang gamot na nakuha niya sa paglalakbay. Kahit na kumikirot ang kanyang braso ay pinilit niya parin itong iangat at idinuro sa isang lamesa na nasa gilid ng kanyang higaan . Matapos niyang mailabas sa kanyang item bag ang ilan sa mga halamang gamot na nakuha niya mula sa kanyang paglalakbay ay natameme ang doctor. Pati sina Johan, Amethyst at George ay nambilog ang mga mata.



Shape of FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon