Sa mundo na kung saan na reincarnated si Bren bilang Cai, nag i exist ang pwersa ng kapangyarihan na kung saan ay nahahati ito sa iba't ibang kategorya.
Una sa lahat ay ang mana. Isa itong uri ng pwersa o force na nag i exist sa buong paligid na nagmumula din sa spiritual part ng tao na kung saan ikino-convert ito bilang equivalent exchange para makagamit ng magic at makapagcast ng mga incantation at makabuo ng isang mapaminsalang atake.
Pangalawa ay ang aura. Ang aura ay isang force na kusang nagma manifest o nabubuo sa loob ng katawan ng isang tao na nakakamit dahil sa bunga ng taon o decada ng pagsasanay ng martial art ( kabilang dito ang sword, spear at bow art ). Ang aura ay isang pwersa o force na matatagpuan lamang sa loob ng katawan ng isang tao at hindi likas na nag i exist sa paligid na katulad ng mana.
Pangatlo ay ang divine energy. Ang divine energy ay isang pwersa o force na rare o madalang lang na nag i exist dahil ito ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng pagtanggap ng blessing na nagmumula sa isang diyos o god. Ang tanging tao na makakatanggap ng ganitong klase ng kapangyarihan ay mga tao na nagtataglay ng kaparehong affinity ng element, pangarap at pananaw sa buhay, personalidad at katauhan na may katulad sa diyos o god na magbibigay o magkakaloob nito. Ang isang tao na makakatanggap ng divine blessings mula sa god ay magkakaroon ng kakayahan o abilidad para magamit ang ilan sa porsyento (percent) ng kapangyarihan at ability ng isang diyos o god. Dahil sa requirements para makakuha ng divine blessings ay kakaunti lamang ang nagtataglay ng ganitong klase ng ability o kapangyarihan.
Pang apat ay ang spirit art. Ang spirit art ay isang pwersa o force na makikita lamang sa mga tao o nilalang na may kakayahang kumausap o kumontrol ng mga spirits. Ang kapangyarihan na ito ay maihahalintulad sa magic pero imbes na mana ng user o caster ang ginagamit, ang spirit art ay nag mumula sa unique na kapangyarihan ng isang spirit. Madalas na halimbawa nito ay ang paggamit ng element na nanggaling sa spirit na gaya ng kay Sylph na spirit of the wind. Pag nagkakaroon ka ng kontrata o kasunduan sa kanya ay malaya kang makakagamit ng spirit art na may wind antribute. Ang tanging naisulat sa libro na nakakagamit ng ganitong klase ng kapangyarihan ay mga high elves lamang na na extinct dahil sa pagsalakay ng army ng demons sa kagubatan na kung saan sila naninirahan.
Pang huli ay ang demonic at dragonic aura. Ang demonic at dragonic aura ay ang original na pinagmulan ng aura na ginagamit ng tao. Ang dating dragon king na nag ascend bilang dragon god at nakakatandang kapatid ni Kurostenia ( ang itim na dragon ) ay gumawa ng isang unique na kapangyarihan na ibinase sa demonic at dragonic aura para malayang magamit ito ng mga normal na tao. Ang aura ay isang kapangyarihan na regalo para sa mga tao mula sa dragon god. Ang demonic at dragonic aura naman ay normal o likas na nag i exist sa katawan ng mga dragon at demons. Mas malakas at agrisibo ito kung ikukumpara sa aura ng tao kaya ang isang tao na nalulong sa pagpapalakas ng aura ay may posibilidad na mahulog sa ilalim ng madilim na kalooban at pag nangyare ang bagay na ito ay may tsansa na makagamit siya ng demonic at dragonic aura. Ang demonic aura ay likas na may kulay ng itim at may bahid ng kasamaan na nag i exist sa katawan ng mga demons at demoniod ( half demon na may half species halimbawa, kalahating tao at kalahating demon, kalahating demon at kalahating elf ) mula sa underworld at ang dragonic aura naman ay mas agrisibo kaysa sa demonic aura ngunit may bahid ng kalinisan at likas na nag i exist sa mga dragon o dragonewt ( isang tao na may hati ng isang dragon at maihahalintulad sa mga demi-human ngunit ito ay mga mas advance o Mataas na species). Ang mga dragon dati ay maituturing na majestic creature na nagpapanatili ng balanse sa mga nilalang ng lupa ngunit dahil sa kagagawan ni Kurostenia , ang mga ito ay naging isang nakakatakot na halimaw na nagdudulot ng takot , delobyo at pagwasak na dahilan kung bakit naging isa sila sa mga pangunahing kalaban ng tao at iba pang nilalang.
BINABASA MO ANG
Shape of Flame
AdventureSi Bren, isang 27 years old at nagtatrabaho bilang isang factory worker ay na-sisante kasama ng ilan nya pang ka grupo sa kanyang trabaho dahil sa pagkakamali na muntik nang ika- lugi ng kompanya. Habang lasing na naglalakad pauwe ay may tatlong lal...