01/13/2023
Bago pa mag bukang liwayway, tinapos na ni Cai ang pagluluto ng almusal katulong ng ilan sa mga kasambahay. Nagpasya siyang maaga magluto dahil binabalak niya na mag insayo ng kaunte bago sila umalis. Nakatakda ang kanilang pag alis ng alas syete ng umaga kaya may isang oras pa siya para mag insayo.
Malapit sa harden ay may malawak na espasyong lugar na nakalaan talaga para sa pagsasanay. Doon dati nagsasanay si Nicolas bago pa siya pumunta sa kaharian ng Umano. Pagkatapos mag unat- unat , nakahanda na sana si Cai na iwasiwas ang kanyang malaking espada nang maalala niya ang libro na ibinigay sa kanya ng kanyang master. Sa libro na iyon nakasaad ang lahat ng anyo ng "Enorme Garcon Sword Arts" . Kailangan ng atleast na "Stage 8" na aura bago magamit ng perpekto ang anyo nito mula form 1 hangang 20 dahil kung hindi ay makakasapit nanaman siya ng malaking side effects gaya ng una niya itong ginawa kung san nagkanda- durog durog ang ilan sa kanyang mga buto bago pa man niya mabitawan ang kanyang pag atake . Sa kasalukuyang stage ng aura ni Cai na nasa stage 5 pa lamang ay malabo niya itong maperpekto kaya niya gustong basahin ang libro dahil baka may makita siyang bagay o ideya na magpapalakas pa sa kasalukuyan niyang lebel.
Ang form 1 hanggang 20 ay tinatawag na "prey" kailangan ng minimum na stage 8 ng aura para malikha ng perpekto ang mga anyo na ito. Sunod naman ay ang form 21 hanggang 25, tinatawag ito na " predator " , para magamit ang mga form na ito ay kailangan mo ng atleast na stage 9 ng aura .Sinasabi nila na ang mga karaniwang tao sa angkan ng Enorme Garcon ay naaabot ang ganitong kataas na lebel pag tumutungtong na sila sa edad na bente pataas. Ang form 25 hanggang 30 naman ay tinatawag na " avian " . Ang minimum na aura na kailangan sa mga form na ito ay stage 9 din pataas ang kaibahan lamang nito sa " predator" , ang "avian" ay ginagamitan ng dalawang espada kaya ang form na ito ay mahirap ma- perpekto.
Ang form 31 hanggang 40 ay tinatawag na "gnat" at ang 40 pataas naman ay ang mga form nabibilang na sa kategorya na tinatawag na "dragon". Ang form na 31 hanggang 40 ay imposibleng matutunan sapagkat ang mga anyo ng nilalang na ito ay matatagpuan lamang sa "Subterrestrial Cave" , isang kweba na matatagpuan sa pinaka sulok na bahagi ng lupain ng Enorme Garcon na sinasabing lugar na konektado sa ugat ng Ancient Tree of Death. Gayon pa man, ang form na 41 pataas ay hindi imposibleng matutunan pero imposibleng ma perpekto dahil tanging mga tao lamang na may title na "sword king" ang nakaabot at nakaperpekto sa ganitong antas.
Cai: Sa kasalukuyan kong lebel, mukhang imposible pang magamit ko ang mga ito ng hindi nadudurog ang mga buto ko sa katawan.... Pero teka, ano to?
Sa pinaka huling pahina, nakita ni Cai ang mga sulat na dapat ay nasa pinaka unang bahagi ng pahina ng libro. Sa huling pahina kasi nakasulat ang mga basic sword techniques ng Enorme Garcon, at tinatawag itong "formless". Ang sword art ng Enorme Garcon na hindi lumilikha ng anyo ng hayop o iba pang nilalang at nakadepende ang lakas neto sa aura ng gumagamit. Sa madaling salita, wala itong minimum na aura stage requirements...
Cai: Bulok talaga yung matanda na 'yun, ba't di niya to sinabi sa akin agad bago ako umalis? Nakaka bwesit...
Pagkatapos mabasa ang huling pahina, agad itong sinubukan ni Cai. Gamit ang kanyang dalawang kamay, hawak niya ang kanyang malaking espada na tumitimbang ng limampong kilo . Sa bigat neto, para siyang may bitbit na isang sako ng bigas na kung hindi nababalot ng aura ang kanyang buong katawan ay malamang na kanina pa siya nabalian ng braso...
" Enorme Garcon Sword Art ~ Formless : Heavy Smash !! "
Kasabay ng kanyang pagsigaw ang paghampas niya pababa ng kanyang espada, nakalikha si Cai ng isang malakas at long range na virtical slash na humahati sa lupa na madaanan nito. Umabot ang layo nito ng tatlumpung metro. Hindi maipinta ang mukha ni Cai dahil sa sobrang lakas nito at hindi ito kumain ng malaki sa taglay niyang aura. Kung gagawin niya ito ng sunod- sunod ay malamang na makakagawa pa siya ng ganitong atake ng labing lima hindi, siguro ay dalawampong beses pa.
Cai: Woah! Ang astig!
Dahil sa ginawa niyang ingay ay napukaw ni Cai ang atensyon ni Zeno, ang butler ni Mayumi na may Eye patch sa kaliwang mata. Pumapalakpak ito ng mabagal habang patungo sa kinaruruunan ni Cai.
Zeno: Hooo.. Nakakamangha, hindi na masama. Pagsasanay sa umaga bago umalis?
Pakamot sa ulo na sumagot si Cai...
Cai: Haha mukhang ganun na nga..
Zeno: Kung ganun ba't di tayo mag sparring? Total gusto ko rin naman malaman kung hanggang sa ang lebel ng abilidad mo at tsaka mas masayang magsanay ng may kasama di ba?
Cai: Mukhang magandang ideya..
Hinugot ni Zeno ang kanyang magic wand na nakasingit sa kanyang tagiliran , nag simula nang pumustura at handa nang umatake habang si Cai naman ay straight na tumayo at inilapat sa harapan ang hawak niyang espada ng dalawang kamay .
Zeno: Walang balak na umatake? Kung ganun sige, ako ang mauuna !
" Mana! I command you to create a spear of crystal and stabs it to my opponent in front.. On impact that the spear will burst into trails of ice advancing forward "
Level 2 Ice Magic : Icicle lance!!
Mula sa magic circle na nabuo sa dulo ng kanyang magic wand, naglabas si Zeno ng isang malaki at matulis na tipak ng yelo patungo kay Cai at ang bilis nito ay maihahalintulad sa bilis ng isang bala ng baril.
Cai: Mukhang malabong maiwasan..!
Pinigilan ito ni Cai sa pamamagitan ng atake na ginawa niya kanina, ang Enorme Garcon Sword Art: Heavy Smash. Nagsalubong ang kanilang mga atake na lumikha ng malaking pag sabog. Ang tipak ng yelo ay naging hamog na parang usok , dahilan upang mahirap makakita. Nahihirapan si Cai na basahin at hulaan ang sunod na gagawin ni Zeno..
Cai: Gagawa pa siya ng panibagong incantation? Siguradong pipigilan ko na siya bago pa niya iyon matapos...
Lingid sa kaalaman ni Cai, si Zeno ay isang battle mage na bihasa rin makipaglaban ng malapitan. Mula sa kanyang kinatatayuan, si Zeno ay mabilis na tumakbo patungo sa kinaruruunan ni Cai habang ang kanyang magic wand ay binalot niya ng mana. Dahil sa mana na nakabalot sa kanyang magic wand , ito ay nagmukhang espada na may napakatulis na talim. Ng makalapit siya kay Cai ay agad niya itong inatake. Winasiwas niya ang kanyang magic wand at ang matulis na mana na anyong espada ay kumalas sa magic wand na iyon. Para siyang gumawa ng magic bullet . Matapos tamaan si Cai ay tumalsik siya at tumamo ng malaking pinsala.
End of chapter
BINABASA MO ANG
Shape of Flame
AventuraSi Bren, isang 27 years old at nagtatrabaho bilang isang factory worker ay na-sisante kasama ng ilan nya pang ka grupo sa kanyang trabaho dahil sa pagkakamali na muntik nang ika- lugi ng kompanya. Habang lasing na naglalakad pauwe ay may tatlong lal...