Pinagtitinginan kaming dalawa ni Ryo ngayon. Hawak pa rin niya ang kamay ko. Nanatili lang akong tahimik at nakayuko.
"Hindi ko kabisado ang pasikot-sikot dito," sabi niya kaya na-i-angat ko ang ulo ko para tingnan siya.
"Diretso lang naman ang papuntang cafeteria," sagot ko naman. Bahagya niya akong nilingon.
"If we have a vacant later, kindly tour me here in our campus?" Tinaasan pa niya ako ng kilay.
"Yeah, sure." Napalingon na lang ako sa ibang dako. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya sa akin.
"What's your name?" tanong niya.
"Uhm... Solemn De Vera..." mahinang sagot ko.
"Again?" muling tanong niya dahil hindi yata narinig.
"Solemn De Vera!" muling sabi ko sa medyo malakas na paraan.
"Solemn..." sabi niya na para bang kinakabisado ang pangalan ko. "How old are you?" muling tanong niya.
"18..." mahina muling sagot ko.
"I'm Ryo Tuazon, 19 years old." Pakilala niya sa sarili niya.
Nakarating kami sa cafeteria at hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Hindi naman ako maka-imik tungkol doon. Ang sasama ng mga tingin sa akin ng mga studyante.
"Uhm..." hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya.
"Yes?" Napansin niya sigurong may gusto akong sabihin.
"'Yung kamay mo..." mahinang sabi ko pa. Tiningnan naman niya 'yon.
"Oh, sorry." Binitawan naman na niya 'yon. May ibang pakiramdam sa dibdib ko nung ginawa niya 'yon, para akong nanghinayang.
"Uhm. Order na tayo," pag-aaya ko na lang. Walang nakapila ngayon, lahat ng studyante ay nakatingin sa amin.
"Sure!" sabi naman niya. Sabay kaming nagpunta sa counter. Kahit ang mga nandito sa cafeteria ay nakatitig sa mukha ni Ryo. Hindi na ako magtataka na ganito sila makatingin. Sobrang perpekto naman kasi talaga ng itsura niya.
"Thank you!" Hindi ko namalayang naka-order na pala siya.
"Ate, ako pa po," habol kong sabi sa babae pero hindi yata ako narinig.
"I ordered our meals," sabi ni Ryo kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ha?" takang tanong ko.
"Nagpalagay ako ng rice, hindi ako kumain ng breakfast," sabi niya pa at nagkibit-balikat pa.
"Uhm okay..." tanging nasagot ko na lang. Nakatayo lang kami para hintayin ang binili niya.
"I also ordered rice for you," sabi niya pa kaya napatingin akong muli sa kaniya.
"Uhm, bayaran ko na lang kapag nasa table na tayo..." mahinang sabi ko. Ramdam ko ang mga talim ng tingin sa akin ng mga studyante.
"It's okay. No need," walang emosyon niya pang sabi. Hindi na lang ako nakipagtalo pa sa kaniya.
"Weird..." wala sa sariling nasabi ko.
"Hmm?" Napabaling ako sa kaniya at mabilis umiling.
"Uhm, ang weird lang kasi ngayong araw." Hindi ko na napigilang sabihin.
"Why? Anong meron?" takang tanong na niya.
"Walang kahit isa mang lumapit sa akin ngayon para asarin ako," mahinang sabi ko pa. Ayokong marinig ako ng iba lalo na at nasa amin ang atensyon nila.
"Why? Binubully ka ba nila palagi?" tanong niya pa.
I just nodded. "Okay lang naman 'yon, sanay na ako, naninibago lang ako ngayon."
"Kasama mo kasi ako, hindi ka nila mabubully dahil nandito ako," seryosong sabi niya.
"Mukhang gano'n na nga." Dumating na ang order namin, balak ko pa sana siyang tulungan pero hindi naman niya ako hinayaan. Siya lang ang nagbuhat ng tray na may pagkain namin.
"Gaano ka na nila katagal binubully?" tanong niya pagka-upo namin. Inayos na rin niya ang mga pagkain namin.
"Since elementary," sagot ko habang nakatingin sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayon habang nasa harapan ko siya.
"What? Hinayaan mo lang silang gawin sa 'yo 'yon?" Napatingin ako sa kaniya. Salubong ang kilay niya at nakatingin na rin sa akin.
"Hindi ko na lang pinapansin kasi alam kong magsasawa rin sila sa pang-aasar sa akin," katwiran ko naman.
"Pero hindi ka pa rin tinitigilan ng mga 'yon?" kunot noong tanong niya sa akin.
Tumango ako. Nagsimula na rin akong kumain para makaiwas sa tingin niya.
"Masasayang lang oras ko kung papatulan ko sila," sabi ko na lang.
"Nandito naman na ako. Ikaw pa lang nakakausap ko rito kaya ikaw pa lang kaibigan ko." Napaangat ako ng tingin sa kaniya. He considered me as his friend?
"Baka pati ikaw ay madamay sa mga pang-aasar nila." Ayaw ko ng ganoʼn. Ayaw kong may madamay.
"Kung kaya nila," nakangising sabi niya pa. Napaiwas ako ng tingin dahil doon. Ang gwapo niya talaga.
Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain. Ramdam ko pa rin ang mga tingin ng studyante sa gawi namin pero hindi ko na lang pinansin.
"Why did you call me Josaiah, by the way?" Maya-maya ay tanong niya.
Muntik ko na yatang maibuga ang iniinom ko. Mabuti na lang at napigilan ko pa ang sarili ko.
"Kamukhang kamukha mo si Josaiah. Naiwan ko yata ang libro ko kaya hindi ko maipapakita sa 'yo ngayon," sagot ko habang nag-aayos nang sarili. Nakakahiya kung mukha akong dugyot sa harapan niya.
"Who's that?" takang tanong niya.
"Character sa manga na binabasa ko." Napatingin ako sa mga mata niya. Mata ni Josaiah ang nakikita ko sa mga iyon.
"We're look a like?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay. Tumango lang ulit ako.
"Kapag nadala ko bukas 'yung libro, ipapakita ko siya sa 'yo," sabi ko at tinapos na ang pagkain.
"You love reading books?" tanong niya na tinanguan ko naman.
"Yes," sagot ko. "Marami na akong nabasa pero 'yung kwento ni Josaiah ang inuulit ko ngayon." Hindi ko talaga kayang i-let go ang book na ʼyon.
"Hmm okay." Tumango pa siya. Patapos na rin siya kaya hinintay ko na lang siya.
"Magkakilala ba sila?" rinig kong tanong ng kararating lang na studyante. Pagilid ko silang tiningnan.
Mas matanda pa rin ako sa kanila, mga grade 8 lang siguro ang mga ito. Nilampasan nila ang table namin pero tumitingin pa rin sila rito.
"Being with you is big deal with them," sabi ni Ryo kaya sa kaniya ako napalingon na.
"Big deal sa kanila dahil kasama ko ang gwapong tulad mo," diretsong sabi ko.
"Again?" Napatingin ako sa kaniya. Nakanguso siya, nagpipigil nang ngiti. Bigla akong nahiya dahil sa inasta ko.
"Sabi ko hindi sila sanay na may kasama ako," pag-iiba ko ng sinabi ko.
"That's not what I heard, Sol." Nagpipigil pa rin siya ng ngiti. Napatitig ako sa kaniya. Ang gwapo niya talaga.
"Bingi ka!" tumaas ang tono ko na dahilan ng pagtawa niya. Pati pagtawa ang gwapo. Wala bang hindi gwapo sa lalaking 'to?
Josaiah...
I know it's you.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
OCHINAIDE (BOOK 1)
Fantasía© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started:July 17, 2021 Ended: August 7, 2021 Fictional Characters doesn't exist. Gawa-gawa lang sila ng imahinasyon ng isang manunulat. Hindi sila totoo at kailan man ay hindi sila magiging totoo. Ito ang pilit tina...