09

50 25 5
                                    

Magkatabi kami ni Ryo. Madalas kaming mag-usap kahit may teacher, tumitigil kami kapag napapadako ang tingin ng teacher sa amin.

Magaan ang pakiramdam ko sa kaniya. Para talagang magkakilala na kami noon pa. Ganoon ang pakiramdam ko sa tuwing nakakausap ko siya.

“Tour mo ako rito,” sabi niya matapos ang klase namin. May isang vacant kami at iyon ang gagamitin namin para ma-tour ko siya.

“Sure!” sagot ko naman.

Sabay kaming naglakad sa hallway, maraming studyanteng tumitingin sa kaniya pero hindi niya naman pinapansin.

“What’s that?” tanong niya at tinuro ang gusto niyang malaman.

“Tambayan ng mga studyante, riyan din ako tumatambay minsan kapag gusto kong magbasa,” sabi ko naman. Naalala ko ang libro ko, sana talaga ay naiwan ko lang ’yon sa amin.

“Let’s go there.” Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at paghila papunta ro’n.

Hindi ko na nagawang pumalag. Gusto ko ang ganitong pakiramdam sa totoo lang, ang kamay niyang nakahawak sa akin, gusto ang ganito.

“Akala ko ba ay gusto mong i-tour kita?” tanong ko sa kaniya. Bahagya niya naman akong nilingon, nasa likuran niya ako.

“Marami pang oras para riyan, tumambay muna tayo at magkwentuhan,” sagot niya at muling tumingin sa harapan. Sa likod naman niya ako nakatingin.

Kahit nakatalikod ay masasabi mong gwapo siya. Ang perpekto niya talagang tingnan.

“Taga saan ka?” tanong ko, umaasang sasagutin niya.

“Bakit mo tinatanong?” sinagot niya ng tanong ang tanong ko.

“Bawal bang malaman?” taas ang kilay kong tanong.

“Bawal magtanong,” sabi niya at bahagya pang natawa. “Biro lang, taga Tarlac ako, pero lumipat kami rito sa Manila,” dagdag niya pa.

“May kapatid ka?” muling tanong ko.

“Wala,” mabilis niyang sagot.

“Sayang naman pala lahi ninyo kung gano’n,” seryosong sabi ko pero tinawanan niya ako.

“Seriously?” Natatawa pa rin siya.

“Why? Seryoso ako, sayang lahi ninyo, dapat may kapatid ka man lang kahit isa,” nakangusong sabi ko pa.

“Nag-iisa lang ang ganitong mukha, hindi pwedeng may kamukha, I’m unique.”

Napairap ako sa sinabi niya, mahangin yata? “Hello, Unique!” pang-aasar ko.

“What?” bumaling pa siya sa akin na parang naguluhan pa.

Nagpipigil ako ng tawa nung umupo kami sa isang bench.

“Dito ako madalas tumambay, tahimik lang at malayo sa mga taong walang magawa sa buhay,” pag-iiba ko ng usapan. Bahagya akong tumingala para tingnan ang mga puno at ulap.

“Madalas ka talagang mabully, we’re high school now, uso pa rin pala ang ganoon,” napapa-iling niya pang sabi.

Bahagya lang akong ngumiti. “Hindi ko na nga pinapansin, magsasawa rin mga iyan.” Nanatili ang mga mata ko sa mga ulap nang sinagot ko si Ryo.

“As long as I’m here, no one will touch you, again.”

Hindi ko naman naintindihan ang iba niyang sinabi dahil ang atensyon ko ay nakafocus sa tinitingnan ko.

“Ako pa lang ang kaibigan mo rito?” tanong ko kahit obvious naman na.

“Yes, and I think hindi na ako hahanap ng ibang magiging kaibigan,” seryosong sabi niya kaya napalingon ako.

“Bakit naman?” takang tanong ko.

“I don’t know, baka dahil sa nakikita kong ginagawa nila sa ’yo? O, baka naiisip kong kaiibiganin lang nila ako sa kung anong meron ako?” he shrugged.

“Hindi naman siguro gan’yan?” bahagya pang nakangusong sabi ko.

“Hindi ko alam, ayokong magtiwala sa kanila,” sagot niya. Hindi niya ako tiningnan.

“Pero sa akin nagtiwala ka?” Kung tinuturing niya na akong kaibigan ngayon pa lang, ibig sabihin pinagkakatiwalaan niya ako?

“Of course!” mabilis niyang sagot.

“Thanks for that,” nakangiting sabi ko naman. Muli kong binalik ang atensyon ko sa mga ulap.

“Do you have a boyfriend?” maya-maya’y tanong niya.

“Wala akong boyfriend,” mabilis kong sagot.

“Ex?” muling tanong pa.

“Wala rin, hindi pa ako nagkakaboyfriend kahit minsan.” Tiningnan ko s’ya mula sa gilid ng mga mata ko. Nanatili siyang nakatingin sa mga ulap.

“Bakit hindi ka nagkaboyfriend? Maganda ka naman, mabait ka rin,” puri niya pa.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Ngayon lang may pumuri sa akin at lalaki pa. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

“May mga nanligaw sa akin pero hindi ko sila gusto,” sagot ko, hindi ko na pinansin ang puri niya sa akin.

“Bakit?” Kunot noo pa siya.

“May iba akong gusto,” pag-amin ko na. Nakuha ko ang atensyon niya dahil doon. Nakatingin na siya sa akin ngayon.

“Sino?” salubong ang kilay niyang tanong sa akin.

“Si Josaiah.”

Mas nagsalubong ang kilay niya. “What? The one who’s in the book?” gulat at taka pang tanong niya.

Tumango ako. “Yes, I fall in love with the fictional characters, with the anime in the book.” Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

“Seryoso ka ba riyan, Solemn?” hindi makapaniwalang tanong niya.

Nasabi ko ’yon dahil malakas ang pakiramdam kong siya at si Josh na nasa libro ay iisa. Pero bakit ganito ang reaksyon niya? Mali ba ako?

“Yes, I am one hundred percent sure, Ryo.”

Nabalot kami ng katahimikan matapos kong sabihin ’yon. Pinapakiramdam namin ang isa’t-isa kung sino ang magsasalita.

“But... He doesn’t exist.” Sampal ang katotohan dahil sa sinabi niya.

“Pero bakit pakiramdam ko nag-exist siya?” hindi ko na napigilang sabihin. Nilakasan ko ang loob ko at tinitigan ko siya.

“What do you mean?” taas kilay niyang tanong sa akin.

Tinitigan ko ang mga mata niya. Si Josaiah talaga ang nakikita ko kahit saang anggulo ng mukha niya.

“Josaiah...”

“Solemn, I’m not Josaiah.”

I just smiled. “I know. Paano nga namang mag-e-exist ang lalaking nasa libro? Wala tayo sa kahit anong palabas para mangyari ang nasa isip ko.” Dinaan ko na lang sa pagak na tawa ang nararamdaman ko.

“Kinulong mo ang sarili mo sa kan’ya, hindi maganda ’yan, Sol.”

Muli kong tiningnan ang ulap, bahagyang kumulimlim sa hindi ko malamang dahilan. Pero mabuti na rin ang ganitong panahon, masarap sa pakiramdam dahil mahangin at malilim.

“I wish he existed. Para maipagtanggol niya ako tulad ng ginagawa niya sa babaeng bida,” sabi ko at muli na naman akong natawa.

“I’m here,” sagot ni Ryo. Mabilis akong napabaling sa kaniya at nagtaka sa sinabi niya. Nakatingin siya ng seryoso sa akin.

“What?” takang tanong ko.

“I’m here, Solemn. Hindi na kailangang mag-exist ng lalaking sinasabi mo dahil nandito na ako, ako ang magtatanggol sa ’yo, ako ang poprotekta sa ’yo,” seryosong sabi niya pa.

I swallowed hard because of what he said. Kakaiba talaga ang epekto niya sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam.

Yes, Jos. You are here, you existed.

To be continued. . .

OCHINAIDE (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon