Hindi ko na talaga nakita ang libro ko. Sinabi ko kay Ryo ’yon at ang sabi niya ay bumili na lang daw ako ng bago. Nawala na rin sa isip ko ’yon simula nung nagka-ayos kaming dalawa.
Siguro nga sign na ’yon para umalis ako sa mundong binuo ko. Siguro kailangan ko na talagang harapin ang totoong mundo.
“Hoy! Tulala ka riyan,” pukaw ni Ryo sa akin. Naupo siya sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa library.
“Naalala ko lang ’yung libro ko na nawala noon,” sagot ko at napabuntong-hininga pagkatapos.
“Oh? Matagal na ’yong nawawala ʼdi ba?” kunot ang noong tanong niya sa akin. Tumango lang ako. “ʼDi ba bumili ka na ng bago?” tanong niya pa.
“Oo, naalala ko nga lang bigla,” nakangusong sabi ko pa.
“Hindi mo pa rin makalimutan si Josaiah?” Napatitig ako sa kaniya dahil sa tanong niya. Seryoso niya lang akong tiningnan.
“Bigla lang sumagi sa isip ko,” pag-amin ko.
He nodded. “Matagal ka pa ba?” tanong niya at sinilip ang binabasa ko.
“Patapos na ako, bakit?” takang tanong ko.
“Mauna na ako, kita na lang tayo sa room,” sabi niya at tumayo na.
Hindi ako nakaimik. Hinayaan ko lang siya at pinanood hanggang sa mawala sa paningin ko.
“Problema no’n?” nasabi ko na lang sa sarili ko at napapailing na binalik ang atensyon sa binabasa ko.
Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa room namin. Pinagtitinginan na naman nila ako, wala naman akong ginagawa sa kanila pero ang mga tingin nila sa akin ay grabe.
“I heard you, Ryo!” bumungad sa akin ang sigaw ni Joanne pagkapasok ko ng room.
“I don’t know what are you saying, Joanne,” walang emosyon na sabi naman ni Ryo. Mabilis akong lumapit sa kanila.
“Anong nangyayari?” takang tanong ko. Ang daming nakapalibot ngayon sa table namin.
“Kaya naman pala sobrang lapit ninyo sa isa’t-isa,” baling ni Joanne sa akin, taka ko siyang tiningnan.
“Anong meron?” si Ryo na lang ang binalingan ko.
“Narinig ko siya kanina, matagal na pala niyang nililihim sa ’yo, Sol.”
Hindi ko binalingan si Joanne. Si Ryo ang tiningnan ko na ngayon ay seryoso lang na nakatingin sa harapan.
“Anong nangyayari?” muling tanong ko. Bulungan ang naririnig ko galing sa mga kaklase namin.
“Nothing, Solemn. Maupo ka na,” hindi man lang ako nilingon na sabi niya.
“Anong narinig mo, Joanne?” tanong ko na kay Joanne. Ngumisi siya sa akin at nagcross arm.
“Where’s your book, Sol?” Nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.
“What book?” takang tanong ko.
“’Yung kinaaadikan mong libro, nasaan na?” tanong niya.
“Nawala na,” simpleng sagot ko.
“Ask Ryo, alam niya kung nasaan ang libro, narinig ko siya kanina,” hindi maalis ang ngising sabi ni Joanne.
“Ryo?” baling ko muli kay Ryo. Sinamaan niya ng tingin si Joanne.
“C’mon, Ryo! Umamin ka na para matapos na ’to,” muling sabi ni Joanne.
“Manahimik ka!” galit na sabi naman ni Ryo sa kaniya.
“Ganito na lang, I will keep your secret, in one condition,” dahan-dahan pa siyang lumapit sa pwesto ni Ryo at malanding yumuko sa harapan nito. Malandi talaga, konti na lang ay magdidikit na ang labi nila.
“What do you want, Joanne?” wala na ang emosyon ni Ryo, hindi man lang siya natinag sa pwesto nila ni Joanne. Marami ang nagbubulungan na hindi ko nalang pinapansin.
Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon, sa nalaman ko, nasasaktan ako ng sobra, Ryo.
“You,” mahinang sabi ni Joanne pero rinig pa rin naman. “I want you,” dagdag niya pa.
“Sure,” mabilis na sagot ni Ryo. Nagulat ako ro’n.
“Ang dali mo namang kausap, Ryo!” Umayos ng tayo si Joanne at nakangising bumaling sa akin.
“Shut your mouth, Joanne,” banta ni Ryo at hindi na ako magawang tingnan man lang.
“From now on I am Ryo’s girlfriend,” masayang sabi ni Joanne sa aming lahat.
Halos manlamig naman ako. Anong nangyari? Bakit ganito?
“Anong nangyayari, Ryo?” tanong ko habang nakatitig sa kaniya.
“Are you deaf, Sol? Girlfriend na ako ni Ryo kaya layuan mo na siya, ayaw kong makikitang magkasama kayo,” mataray na sabi ni Joanne.
“Mas bagay naman sila, hindi ba, Sol?” pagsingit naman ni Mica.
Wala akong pinansin isa man sa kanila. Nanatili ang tingin ko kay Ryo na hindi pa rin ako nagagawang tingnan.
“Ryo...” muling tawag ko.
“Solemn, I’m sorry,” sinabi niya iyon nang hindi ako tinitingnan man lang.
“Ryo, love, tara sa tabi ng upuan ko. From now on doon ka na uupo,” maarteng sabi pa ni Joanne at hinawakan sa kamay si Ryo.
Walang tutol na tumayo si Ryo at binitbit ang bag niya. Nilampasan niya lang ako. Gusto kong maiyak sa nangyayari ngayon. Bakit ganito? Okay kami kanina, e.
“Wala ka na namang kakampi, Sol!” bakas ang tuwa sa tono ni Dominic.
“Huwag ninyong guluhin si Solemn,” galit na sabi ni Ryo.
“Ssshh! Shut up, love,” saway ni Joanne sa kaniya.
Pinili ko na lang maupo at huwag pansinin ang mga tingin at sinasabi nila sa akin.
“Joanne, sinusunod ko lahat ng gusto mo, isa lang ang hiling ko, manahimik kayong lahat at tigilan ninyo si Solemn,” malakas na sabi ni Ryo pero wala na akong pakielam, wala akong maramdaman ngayon. Hindi ko alam ang dapat maramdaman ko.
“Chill, love, hindi naman apektado si Sol, look, wala siyang pakielam sa ’yo,” tumatawang sabi pa ni Joanne.
“How does it feels?” tanong ni Mica sa akin. Nasa harapan ko siya pero hindi ako kumibo. “Back to zero ka na naman, Solibro.”
I just sighed. Hindi na bago sa akin ng ganito. Alam ko namang iiwan din ako ni Ryo pero hindi ko inakalang sa ganito kabilis at ganitong dahilan pa.
“Fvck this!” rinig ko pang sabi ni Ryo. Gusto ko siyang tingnan pero ayaw kumilos ng katawan ko.
“Remember, Ryo. Book, Solemn and you,” makahulugang sabi ni Joanne. Hindi ko man sila nakikita alam kong sa akin sila nakatingin ngayon.
“Shut the fvck up, Joanne, baka hindi ako makapagtimpi at makalimutan kong babae ka,” ramdam ang galit sa tono ni Ryo. Muli na namang nagbulungan ang mga kaklase namin.
“No. You shut up, Ryo! Alam mong may alam ako, kaya huwag mo akong gan’yanin kung ayaw mong mawala rito,” galit ding sabi ni Joanne.
Wala akong maintindihan. Wala akong maramdaman. Gusto ko na lang maglaho sa mga oras na ’to.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
OCHINAIDE (BOOK 1)
Fantasia© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started:July 17, 2021 Ended: August 7, 2021 Fictional Characters doesn't exist. Gawa-gawa lang sila ng imahinasyon ng isang manunulat. Hindi sila totoo at kailan man ay hindi sila magiging totoo. Ito ang pilit tina...