10

50 25 3
                                    

Naghintay pa kami ng ilang minuto ro’n. Masarap kasi talagang tumambay roʼn lalo na at mahangin pa.

“Tara na?” pag-aaya ko dahil baka may teacher na ulit kami.

“More minutes please, gusto ko pang magstay rito kahit saglit,” hirit pa niya.

“Sige, kapag may teacher na pagdating natin ikaw ang sisisihin ko,” birong sabi ko pa pero hindi ko pinahalata. Pinanatili ko ang seryoso kong boses at mukha.

“Sure, akong bahala sa ’yo, I got you.” Naupo muli ako sa tabi niya. Tahimik lang kaming dalawa.

“Hindi ko akalaing may isang tulad mo na makikipagkaibigan sa akin,” pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan namin.

“Why not? Mabait ka naman, a.” Tumingin siya sa akin, kita ko s’ya mula sa gilid ng mata ko.

“They think I am weird, a psycho,” sagot ko, pagak pa akong natawa.

“I heard that earlier, bakit nga ba nila nasabing psycho ka?” tanong niya. Ramdam ko ang pagkakaroon ng interes sa tono niya.

“Kasi nga na-inlove ako sa isang anime, sa lalaking nasa libro lang naman,” sagot ko. Napabuntong hininga ako matapos no’n.

“They knew that?” gulat pang tanong niya.

“Yes,” mahinang sagot ko.

“How?” mahinang tanong niya na.

“Palagi ko kasing hinihiling na mag-exist ang lalaking nasa librong binabasa ko, narinig ako ng isang kaklase ko noong grade 7 kami na kinakausap ko ang lalaking ’yon—si Josaiah. Sinasabi ko kasi sa librong ’yon lahat ng pinagdaraanan ko, lahat ng hinanakit ko sa buhay, kumbaga ginawa ko siyang diary ko,” sagot ko,natawa pa ako pagkatapos no’n.

“Anong nangyari nung narinig ka niya?” Nasa akin na ang buong atensyon niya. Hindi ko naman magawang bumaling sa kaniya dahil naiilang ako at iba ang nararamdaman ko sa tuwing matititigan ko s’ya.

“Pinagkalat niya sa buong room na kinakausap ko ang lalaking nasa libro, sinabi niyang na-inlove ako ro’n which is hindi ko pa alam that time, kumbaga ay nalilito pa ako sa nararamdaman ko,” pagtutuloy ko sa kwento. Naaalala ko pa lahat ng nangyari noon. Masakit pa rin sa tuwing binabalikan ko.

“Ano namang ginawa mo noon?” muling tanong niya.

“Wala, hinayaan ko silang magsalita ng kung anu-ano tungkol sa akin,” sagot ko at mapait akong napangiti.

“Kaya hindi ka nila tinitigilan kasi hindi ka lumalaban,” pagalit pang sabi niya. Bahagya ko siyang nilingon dahil doon.

“Kasi nga magsasawa rin naman sila,” katwiran ko. Muli ay napabuntong hininga ako.

“Nagsawa ba? Hanggang ngayon ngang grade 12 na tayo ikaw pa rin ang pinupuntirya nila,” galit pa ring sabi niya. Siya na ang umiwas ng tingin sa akin, hindi na rin naman maitago ang galit niyang itsura.

“You said you are here, hindi na nila ulit ako magagano’n kasi nandito ka na,” sabi ko naman. Pinipigilan kong mapangiti. Kailangan kong magseryoso dahil galit siya ngayon.

“Yes, hindi na nila magagawa ulit ’yon, ilang taon ka nang nahirapan dahil sa kanila,” galit pa ring sabi niya.

“Ikalma mo na...” Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang pagngiti. Kinikilig yata ako.

“Let’s go, baka mapagalitan pa tayo parehas,” sabi niya at nauna nang tumayo.

Tumayo na rin ako at pinagpag ang palda sa likuran ko. Baka kasi nalukot sa pag-upo ko kanina.

“Uulan yata...” Napatingala ako sa langit, kanina pa makulimlim at malakas ang hangin.

“May payong ka ba?” tanong niya. Napatingin ako sa kaniya, nakatingin din siya sa akin.

“Meron,” sagot ko naman. “Nasa bag ko,” dagdag ko pa.

“Mabuti, hindi ka mababasa kapag umuwi ka mamaya,” sabi niya pa. Tinuon na niya ang atensyon sa harapan.

“Maliit lang ’yon, mababasa pa rin ako kapag umulan mamaya,” sabi ko naman at medyo binilisan ang lakad para makasabay sa kaniya.

“Kapag malakas, magpatila ka muna bago ka umuwi.” Bahagya niya pa akong nilingon.

“Oo nga,” nasabi ko na lang.

Nakarating kami sa room at buti na lang ay wala pang teacher.

“Nand’yan na sila,” rinig ko pang sabi ng iba. Ano na namang ginawa nila?

“Hi, Ryo!” bati ni Joanne kay Ryo pero nilagpasan lang ito ni Ryo. Gusto ko tuloy matawa dahil sa napahiyang mukha ni Joanne.

“Magkakilala ba kayo?” tanong ni Almira, isa sa alagad ni Joanne.

Nakaupo na kami ni Ryo at sila naman ay nakatayo sa harapan namin. Nakacross arms at nakataas ang kilay sa akin.

“Yes,” mabilis na sagot ni Ryo kaya taka ko siyang tiningnan.

“Kailan pa?” muling tanong ni Almira.

“Matagal na, bakit?” salubong ang kilay ni Ryo habang nakatingin din sa mga ito.

“Wala lang, curious lang kami na sobrang close na kayo kaagad,” katwiran pa ni Almira at inirapan ako.

“May gusto pa pa lang kumaibigan sa psycho na tulad mo, Sol.” Nagsimula na namang umingay dahil sa sinabi ni Dominic. Nakangisi siyang tumingin sa akin.

“Anong problema mo, p’re?” tanong ni Ryo, hindi mababakas ang kahit anong emosyon sa tono at mukha niya.

“Wala naman, ikaw, may problema ka ba?” nakangising tanong pa nito kay Ryo.

“Meron, e. Kapag ba sinabi ko anong gagawin mo?” Napalingon ako kay Ryo. Hindi ko gusto ang nakikita ko ngayon, pakiramdam ko ay mag-aaway sila.

“Depende sa problema mo,” maangas na sabi naman ni Dominic.

“Mukha mo ang problema ko, may magagawa ka ba para riyan?” Nakarinig ako ng tawanan galing sa ibang kaklase namin kaya nag-iba ang timpla ni Dominic.

“Pumikit ka, o, ’di kaya ay tanggalin mo na mata mo para hindi mo makita mukha ko,” gigil niyang sabi.

“Ikaw na mag-adjust, p’re! Tanggalin mo na lang ’yang mukha mo,” walang ganang sabi ni Ryo at sumandal pa sa upuan niya. Para siyang bored na bored sa pakikipag-usap kay Dominic.

“Mukhang nakahanap ng kakampi ang psycho natin,” pag-iiba ng topic ni Dominic. Gusto ko tuloy matawa.

“Can I ask you something?” tanong ni Ryo kay Dominic.

Muli kong sinulyapan si Ryo na ngayon ay naglalaro na ng daliri niya sa table at seryosong nakatingin kay Dominic.

“Ano?” maangas na namang sagot ni Dominic.

“Are you gay?” tanong ni Ryo na nakapagpatawa na naman sa iba.

“Gag* ka ba?” galit na sabi ni Dominic at akmang lalapit sana kay Ryo pero pinigilan siya nila Seth.

“Why? I’m just asking, masyado ka naman yatang triggered,” nakangising sabi pa ni Ryo. Mukhang nanandya ang isang ’to.

“Hindi ako bakla!” galit pa ring sagot ni Dominic.

“Really? Kaya pala palaging si Sol ang pinagtitripan mo, sa babae ka pumapatol kasi hindi mo kayang makipag-away sa lalaki,” bahagyang nag-lean si Ryo para tingnan mabuti si Dominic. “Or you have a feelings for Solemn kaya ka nagpapapansin sa kaniya?” Nawala ang ngisi niya at napalitan ng matalim na tingin kay Dominic.

To be continued. . .

OCHINAIDE (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon