結果
Kekka
Once you fall in love everything will be over. Don’t fall or face the consequences?
The decision is all yours!
Mas lalo akong na-curious dahil sa description nung libro. May kabang bumabalot sa dibdib ko habang nakatitig ako sa cover nito. Isang lalaki na nakatingala rin katulad sa Ochinaide pero ang kaibahan ay may hinagis namang papel ang nasa book cover ng Kekka.
“Solemn!” Nabitawan ko ang libro dahil sa gulat.
“Ma?” Tumayo ako para lumabas ng kwarto.
“Magsaing ka na, anak,” utos niya sa akin.
Tumango na lang ako at pumuntang kusina. Hindi pa ako nakakapagbihis, mamaya na lang kapag tapos na akong magsaing.
“May ulam na ba tayo, Ma?” tanong ko sa kaniya. May ginagawa yata siya kaya ako ang pinagsaing niya.
“Meron na, niluto ko na kanina,” sagot naman niya. Hindi na ako sumagot pa at tinuloy ko na lang ang paghuhugas ko ng bigas.
“Tigilan mo nga ang pagkain ng bigas, Sol, hindi mabuti sa katawan ’yan,” saway ni Papa sa akin nang makita niyang kumuha akong bigas.
“Masarap kasi,” katwiran ko pa.
“Masama nga sa katawan ’yan,” galit na sabi niya. Hindi na lang ako kumibo, marami akong bigas sa bibig kaya hirap akong magsalita.
Naalala ko na naman tuloy si Ryo nung sinabi ko ang ganitong habit ko sa kaniya. Nawirduhan siya sa akin at tawa nang tawa. Nakatanggap tuloy siya ng sapak sa akin no’n.Naalala ko rin ang nangyari kanina. Hindi ko tuloy maiwasang mangiti.
“Nako, mukhang inlove na ang anak natin.” Mabilis akong umayos nung marinig ko ang sinabi ni Papa.
“Bakit?” tanong ni Mama.
“Ngumingiti na mag-isa kahit naghuhugas ng bigas.”
Napanguso ako sa pangtutukso nila sa akin. Nang matapos akong maghugas ng bigas ay si Papa na lang ang pinabantayan ko no’n.
Pagpasok sa kwarto ay nagbihis na ako agad. Hindi ko namalayaang inantok na pala ako pagkahiga ko.
“Sol, gising na,” rinig kong sabi ni Mama.
“Hmm?” Nag-iinat pa ako.
“Hindi ka na nakakain kagabi sa sobrang antok mo.”
Bumangon na ako at inayos ang sarili. Nakakatamad kumilos pero nung sumagi sa isip ko si Ryo at mabilis akong tumayo.
“Okay lang, Ma, hindi naman ako gutom kagabi,” sabi ko naman at mabilis kumilos para mag-ayos na.
“Kumain ka bago pumasok,” bilin niya pa. Tumango na lang ako.
Tinapos ko na ang mga dapat kong gawin. Kumain na rin ako at nagpaalam na kila Mama. Excited akong pumasok dahil makikita ko na ulit si Ryo, kinikilig ako, hindi maalis ang ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
OCHINAIDE (BOOK 1)
Fantasy© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started:July 17, 2021 Ended: August 7, 2021 Fictional Characters doesn't exist. Gawa-gawa lang sila ng imahinasyon ng isang manunulat. Hindi sila totoo at kailan man ay hindi sila magiging totoo. Ito ang pilit tina...