11

46 24 1
                                    

Nabalot ng katahimikan sa room namin dahil sa nangyayari ngayong sagutan ng dalawa. Si Ryo na nakaupo lang at parang bored na bored habang si Dominic na umuusok na sa galit at hawak na ng mga barkada niya.

“Bakit hindi ka makasagot, Dominic?” muling bumalik ang ngisi ni Ryo. Bawat galaw niya ay pinapanood ko, wala na akong pakielam kung may nakatingin man sa akin.

“Bakit naman ako magkakagusto sa isang baliw na tulad ni Sol?” balik tanong ni Dominic.

Tumangu-tango naman si Ryo. May mahihinang usapan pa akong naririnig tungkol sa kaniya. Mga papuri ng mga babaeng kaklase namin.

“So, you chose the first one,”  sabi ni Ryo. Muli ay tumango si Ryo. “You are gay.”

Napasigaw ang malalapit kay Dominic dahil sa biglaang pagsugod nito, mabuti na lang at napigilan agad ni Seth at iba pa si Dominic.

“Tarantado ka talaga, ano? Kabago mo pa lang pero ang yabang mo na!” galit na galit na sabi ni Ryo.

“Inaano ka? Bakit ka galit?” natatawang sabi ni Ryo.

Gusto ko rin sanang tumawa pero ayokong pati ako ay madamay sa kanila, though ako naman talaga ang dahilan ng away nila.

“Ang yabang mong hayop ka!” Dinuro pa niya si Ryo.

“Masyado ka naman yatang apektado sa sinabi ko, totoo ba? Grabe ka kung makareact, tol. Napaghahalataan ka,” natatawa habang naiiling na sabi ni Ryo.

Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang tawa ko. Oo nga naman, grabe kung makareact si Dominic.

“Hindi ako bakla!” sigaw ni Dominic.

“Oh? Ba’t ka galit?” Natawa na naman ang mga kaklase namin dahil sa tonong nang-aasar ni Ryo. Pati ako ay natawa na rin kaya bahagya siyang tumingin sa akin at ngumiti.

“Magkita tayo mamaya sa lumang pabrika, alam mo naman siguro ’yon? Doon tayo magharap,” seryosong sabi ni Dominic at binigyan pa ng matalim na tingin si Ryo.

“Tsansingan mo pa ako, huwag na, oy!” sagot ni Ryo.

Umakto pang parang bakla si Ryo at humawak sa dibdib na akala mo tinatago iyon, tawa nang tawa ang mga kaklase namin. Maging ako ay hindi na napigilan ang malakas na tawa dahil sa inaakto ni Ryo ngayon. May ganito palang side ’to, ang bilis naman niyang ilabas.

“Tang*n* ka!” muling sigaw ni Dominic at marahas na inalis ang hawak sa kan’ya ng barkada niya. Akala ko ay susugurin niya si Ryo pero tinalikuran niya kami.

“Sige, pupunta ako mamaya,” sabi ni Ryo kaya napatigil sa paglalakad si Dominic.

“Dapat lang, dahil hindi mo magugustuhan kapag hindi mo sinunod ang gusto ko.” Nilingon niya kami, sa akin ang paningin niya at may ngisi sa labi. Bigla akong natakot doon.

“Hindi mo rin magugustuhan kapag hindi ko nagustuhan ang gagawin mo,” seryosong sabi ni Ryo. Nawala na naman ang pagiging pilyo niya. Natahimik din kami dahil doon.

“Magkita na lang tayo mamaya, magkaalaman na kung sinong bakla sa ating dalawa,” huling sabi ni Dominic at tinuloy na niya ang pag-alis.

“Sus! Gusto mo lang talaga akong tsansingan,” sigaw naman ni Ryo.

Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko ngayon. Ang hirap basahin ni Ryo, seryoso at maloko at the same time.

“Baliw ka,” hindi ko na napigilang sabihin at natawa na naman.

Mas lamang ang pagiging maloko ni Ryo kaya iyon din ang nanaig sa akin ngayon.

“Bakla ’yon,” sabi niya pa. Hindi alintana ang mga matang nakatingin sa kaniya.

“Paano mo nasabi?” natatawang tanong ko pa rin.

“Ewan ko rin, basta bakla ’yon, ikaw lagi puntirya.” Nag-iwas siya ng tingin sa akin. “Pero kapag nalaman kong iba ang dahilan niya at hindi ko nagustuhan, magtago na siya dahil hindi ko siya titigilan katulad ng ginawa niya sa ’yo.”

’Yan na naman siya, maloko tapos biglang sumeseryoso. Hindi ko tuloy matukoy kung alin talaga ang totoong personality niya.

Si Josaiah kasi seryoso lang hanggang sa ending.

Mabilis kong pinilig ang ulo ko. Si Josaiah na naman kasi ang naiisip ko sa kaniya. Sinabi naman niyang hindi siya ’yon.

“Makikipagkita ka sa kaniya?” tanong ko na lang.

“Oo,” mabilis niyang sagot. Hindi pa rin ako tinitingnan.

“Bakit?”

“Kasi gusto niya?” patanong na sagot niya sa akin.

“Pwede namang hindi ka na lang pumunta kung gugustuhin mo,” mahinang sabi ko pa.

Nag-aalala ako sa kaniya dahil kung anu-ano na ang naiisip kong mangyayari kung sakaling magpunta nga siya ro’n.

“No. Kailangan kong pumunta,” sagot niya, tumingin na siya sa akin.

“Bakit pa?” salubong ang kilay kong tanong.

“Basta, ako na bahala, mag-uusap lang naman kami.”

I sighed.

“Hindi ka sigurado, iba si Dominic sa iniisip mo. May mangyayaring hindi maganda kapag pumunta ka ro’n,” nag-aalalang sabi ko na.

“Meron talaga kapag hindi ko nagustuhan ang mangyayari mamaya,” seryoso na naman niyang sabi.

Napabuntong-hininga na lang ulit ako at napatingin sa labas ng bintana. Umuulan na pala. Wala pa rin ang last teacher namin para ngayong araw. Baka may ginagawa kaya vacant na namin ngayon.

“Umuulan na,” sabi ko kahit nakatingin na rin naman siya sa labas ng bintana.

“Nasaan ang payong mo?” tanong niya.

Mabilis ko namang kinuha sa bag ko ang payong na araw-araw kong dala-dala.

“Ito.” Pinakita ko sa kaniya ang payong na maliit.

“Saan galing ’to?” tanong niya habang hawak na ang payong ko.

“Matagal na sa akin ’yan, ilang taon na, buti nga at buo pa rin, madalang ko naman kasing magamit ’yan,” mahabang sabi ko habang nakatingin sa payong na hawak niya.

“Saan nga galing ’to?” muling tanong niya. Hindi ko pala nasagot ang tanong niya dahil kung anu-ano ang sinabi ko.

“Sa matanda. Grade 6 yata ako no’n nung pinahiram niya sa akin ’yan,” sagot ko na.

“What?! Ang tagal na,” gulat pang sabi niya.

“Oo, matagal na nga,” sabi ko rin.

Pero buo pa rin hanggang ngayon ’yung payong. Hindi ko naman nga kasi madalas magamit at iningatan ko rin naman.

“Bakit hindi mo sinauli sa matanda?” tanong niya.

“Noʼng pinahiram niya sa akin ’yan sabi ko ay isasauli ko rin kinabukasan sa mismong pwesto kung saan niya ako pinahiram, nung hinintay ko naman siya ro’n ay hindi siya dumating,” mahabang paliwanag ko.

“Baka naman nakalimutan na?” taas ang kilay niya pang tanong sa akin. Nagkibit-balikat naman ako.

“Hindi ko alam, palagi ko siyang hinihitay sa pwesto namin na ’yon pero hindi na siya nagpakita sa akin,” nakangusong sabi ko pa.

To be continued. . .

OCHINAIDE (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon