13

46 23 0
                                    

Wala ako sa sarili habang naglalakad papuntang school. Puno ng tanong ang isip ko. Puno ng mga pangyayaring hindi maipaliwanag maging ako.

“Sol!” nagulat ako sa biglaang paghatak sa akin.

“Ryo?” takang tiningnan ko siya. Yakap niya ako ngayon kaya taka kong tiningnan ang paligid.

“Anong problema mo? Bakit ka magpapasagasa?” galit niyang tanong.

Sa sinabi niyang ’yon ay mabilis akong kumalas sa yakap niya at tiningnan kung anong nangyari. Maraming nakatingin sa akin, pati ang kotseng nakahinto at ang may-ari nitong galit na nakatingin sa akin.

“Miss, kung magpapakamatay ka huwag ka na mandamay ng iba!” sigaw nito sa akin at pumasok na sa kotse niya saka pinaharurot ’yon.

“Sorry...” sabi ko kahit hindi na ako rinig.

“Ano bang nangyayari sa ’yo?” Binalingan ko si Ryo na galit pa rin hanggang ngayon.

“Hindi ko lang napansin na may kotse pala,” katwiran ko at napayuko.

Hindi ko alam na nandito na rin ako sa school, hindi ko namalayan dahil sa rami ng naiisip ko.

“Tara nga!” Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak, nagpatianod naman ako. Nanatiling nakayuko habang hatak niya ako.

“Saan tayo?” tanong ko dahil hindi kami papasok sa school.

“Ikakalma muna natin ’yang isip mo, kung saan-saan napapadpad kaya napapahamak ka,” galit pa rin niyang sabi.

“Sorry...” wala akong masabi kundi iyon.

“You can tell your problem to me, Sol.” Bumaling siya sa akin pero agad ding binalik sa daan iyon.

“Thanks...” walang ganang sagot ko. Hinayaan ko na lang kung saan man kami magpuntang dalawa.

“We’re here,” pukaw niya sa atensyon ko. Agad kong inangat ang paningin ko. Hindi ito kalayuan sa school, marami ring puno rito at malamig ang hangin.

“Pamilyar,” wala sa loob kong sabi. Parang nakita ko na ’tong lugar na ’to. “Hindi ako masyadong gumagala kaya hindi ko alam ’tong lugar na ’to pero pamilyar sa akin,” dagdag na sabi ko at inilibot ang paningin sa lugar.

“Baka napuntahan mo na ’to tapos nakalimutan mo lang,” iwas ang tinging sabi niya sa akin.

I just shrugged. Naglakad ako palapit sa upuang kawayan.

“Sana ganito lang din ang buhay,” sabi ko habang nakatingin sa mga puno.

“Ano?” Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Hindi tulad kanina, kalmado na siya ngayon.

“Tahimik lang, payapang buhay sana, iyon lang naman ang gusto ko,” mahinang usal ko at mapait akong napangiti.

“You can have that, Sol.” Napalingon naman ako sa kaniya.

“How?” walang ganang tanong ko.

“Ignore the judgement of society. Be yourself and be contented.”

Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Ang ganda ng ilong niya. Maganda ang side profile niya, wala yatang hindi kahahangaan sa kaniya.

“Alam mo bang hindi ako okay ngayon?” Natawa pa ako pagkasabi no’n. Iniwas ko na ang tingin sa kaniya.

“Halata naman, muntik ka na nga kanina,” may himig ng galit na namang tugon niya.

“May problema kasi sa bahay,” mahinang sabi ko. Hindi ko alam kung dapat ko pa  bang sabihin sa kaniya ’yon.

“Anong nangyari?” baling niyang tanong sa akin.

“Nawawala ang libro ko na ilang taon kong iningatan, hindi ko alam kung saan napunta.” Nakaramdam na naman ako ng lungkot dahil doon.

“’Yung libro kung nasaan si Josaiah?” Tumango ako sa tanong niya. “Baka na-misplace mo lang?” dagdag niya pa.

Umiling ako. “Nasa kwarto ko lang ’yon, hindi ko iniiba ng pwesto kaya nakakapagtakang nawala ’yon... kasabay ng pagdating mo. ” Tiningnan ko siya pagkatapos kong bitawan ang huling linya. Nakatingin din siya sa akin.

“Anong kinalaman ko riyan, Sol?” kunot ang noo niyang tanong.

“Hindi ko alam, ano nga ba?” seryosong tanong ko. Bigla siyang natawa, pagak na tawa.

“Here we go again, inakala mo na namang ako ang lalaking nasa libro?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“Sinabi ko sa magulang ko ang tungkol sa ’yo, at alam mo ba kung anong sinabi nila?” I sighed after that.

“What?” kunot noong tanong niya.

Muli ay iniwas ko ang tingin ko. “Magpacheck up na raw ako.” Ang sakit lang na iniisip nilang may sakit ako.

“For what?”

“Iniisip nilang nasisiraan na ako ng bait. Iniisip nilang depress o kaya ay baliw na ako,” naiiyak kong sabi.

“Shhh! It’s okay, naiintindihan kita,” sabi niya at naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko.

“Ilang taon ko na kasing sinasabi sa kanila na wala akong ibang gusto kundi si Josaiah lang, pinagbigyan nila ako dahil siguro iniisip nilang bata pa ako at normal lang ang gano’n,” humihikbing pagkwento ko na.

“Sige lang, makikinig ako.”

“Nung sinabi ko kanina na parang ikaw si Josaiah, doon na nila sinabing magpacheck up na ako, pati magulang ko iniisip na baliw na ako.” Nakuha ko pang matawa kahit umiiyak na.

“You are not, naiintindihan kita, Sol.” Mabilis niya akong kinabig at niyakap. Doon na mas tumulo ang luha ko.

“Ang sakit lang kasi magulang ko sila, hindi ko inakalang maiisip nila sa akin ’yon.” Nahihirapan man ay sinikap ko pa ring magpatuloy sa pagkukwento.

“We fall inlove with someone we can’t have,” rinig  ko pang sabi niya. Mas humigpit ang yakap niya sa akin pero hindi naman ako nasasaktan.

“You are inlove?” Tumigil ako sa pag-iyak at kumalas sa kaniya.

“I was.” Hindi man niya ipakita ang totoo niyang nararamdaman, halata naman sa mata niya ang mga iyon.

“Bakit? I mean, paano nangyari?” Hindi ako makakuha ng angkop tanong para sa kaniya.

“I love her since the first day I saw her,” walang mababakas ng kahit anong emosyon sa mukha at tono niya pero sa mga mata niya ay makikita lahat. “Ilang taon ko siyang minahal kahit alam kong hindi pwede,” sagot niya at iniwas niya ang tingin sa akin.

“Bakit hindi pwede?” Tuluyan nang natigil ang pag-iyak ko dahil sa curious ko sa storya niya.

“Hindi kami parehas ng mundong ginagalawan,” mahina pero sapat na para marinig kong sabi niya.

“Nasa libro rin ba?” Na-excite ako bigla sa kwento niya.

“Maybe?” bahagya pa siyang natawa.

“Eh?” Naguguluhan ako, hindi naman niya pinaliwanag nang maayos.

“Gusto ko siyang makasama, gusto ko siyang protektahan nung mga panahong ’yon.” Ramdam ko ang hinanakit niya, unti-unti na niyang nilalabas ang emosyon niya.

“Bakit hindi mo ginawa?” tanong ko pa.

“Kasi hindi pwede, mahal ko s’ya at iyon ang hindi maaari, kaya ginawa ko ang lahat para makalimutan siya,” gumaralgal ang boses niya. Hindi ko man alam ang nangyari sa buhay niya pero base sa kaniya ngayon ay sobrang hirap siguro no’n. “I did, nagawa ko siyang kalimutan, pero mapaglaro talaga si tadhana, may nangyaring hindi ko inaasahan.”

To be continued. . .

OCHINAIDE (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon