“Anong nangyari?” tanong ko na dahil hindi niya tinuloy ang sinasabi niya.
“I moved on, pero kumilos si tadhana para muli kaming paglapiting dalawa,” aniya, tumingin siya sa akin.
“Ayaw mo pa no’n? Pinaglapit na ulit kayo,” takang sabi ko pa.
Ayaw pa niya, opportunity na nga ’yon.
“Paano ko magugustuhan ang nangyari? Pinaglapit nga kami pero hindi pa rin kami pwede,” malungkot na sabi niya pa.
“Bakit mo nasabing hindi pwede?”tanong ko naman.
“Hindi ko siya pwedeng mahalin, kung gusto kong makasama siya ng matagal, hindi ko dapat siya mahalin,” mariing sabi niya pa.
“Ang gulo naman, bakit hindi pwedeng mahalin?” naguguluhang tanong ko na nga.
“That’s the consequence, Sol. Makakasama ko siya pero hindi na ako pwedeng mahulog ulit sa kaniya,” sagot niya.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero may lungkot akong naramdaman.
“Paano mo magagawang hindi mahulog ulit?” Mahirap ’yon lalo na at sobrang minahal mo ang taong ’yon.
“Hindi ko alam pero gagawin ko ang lahat huwag lang akong mahulog ulit sa kaniya, kailangan ko siyang protektahan, kapalit ng buhay ko ang pagmamahal ko sa kaniya kaya kung gusto ko pang mabuhay, hindi dapat ako muling mahulog pa.”
Nagulat naman ako sa biglaan niyang pagtayo pagkasabi no’n. Taka ko siyang tiningnan.
“Tara na, baka may teacher na tayo.” Nilahad niya ang palad sa akin na agad ko namang tinanggap.
“Lambot naman ng kamay mo,” natatawa at namamanghang sabi ko pa. Parang kamay ng babae, ang kinis niya.
“Tsansing ka lang, e.”
Magkasabay kaming naglalakad at nagtatawanan dahil sa pinag-uusapan namin.
Okay na ako, gumaan na ang pakiramdam ko nung nakapagsabi ako sa kaniya. Medyo nabawasan ang hinanakit ko.
“Kumusta nga pala ’yung pakikipagkita mo kay Dominic kahapon?” tanong ko nung makita kong wala pa si Dominic sa upuan niya pagkapasok namin ni Ryo.
“Isang buwan yatang mawawala si Dominic,” walang ganang sabi niya at naupo na sa tabi ko.
“Bakit?” takang tanong ko.
“Masyado ko yatang napuruhan,” sagot niya at humikab pa siya pagkatapos. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko sa kaniya.
“Anong nangyari?” hindi ko maitago ang taranta at gulat. Hindi ko naalalang itanong kanina dahil nga sa nangyari sa pagitan namin nila Papa.
“Nakipagkita ako kahapon,” nakataas ang kilay niyang sagot. “Madaya nga ang kupal na ’yon, e. Nagsama ng tropa niya, lugi ako ro’n,” dagdag niya pa na parang wala lang ang sinasabi niya. Ang kalmado niya pa sa lagay na ’yon.
“Ano ngang nangyari? Bakit wala pa sila?” Nilibot ko pa ang paningin ko sa buong room, wala ring mga bag nila kaya sure na wala pa ang mga ito.
“One versus four ang laban,”bored na namang sagot niya.
“Ano? Nakipag-away ka? Bakit wala kang sugat?” tiningnan ko pa ang buong mukha niya. Walang bakas ng kahit ano maging sa kamay niya ay walang sugat.
“Lugi pa nga ako dahil apat sila, buti na lang hindi napuruhan mukha ko kung hindi ay talaga na lang, manghihiram sila ng mukha sa aso,” nakangising sabi pa niya. Laglag ang pangang nakatulala lang ako sa kaniya.
“Nasaan sila?” muling tanong ko.
“Nasa ospital,” mabilis niyang sagot.
“Seryoso nga, nasaan sila?” Hinampas ko pa siya sa braso dahil hindi maalis ang ngisi niya.
“Nasa ospital nga, ayaw mong maniwala?” natatawang sabi niya pa kaya mas lalo akong hindi naniwala sa kaniya.
“Parang aning naman ’to, nasaan nga kasi?” iritang sabi ko na.
“Malay ko, baka nasa bahay nila.” Inirapan niya pa ako. Wow! Nang-irap pa talaga s’ya, ha.
“Anong nangyari kahapon?” Hindi ko siya tinitigilan dahil ayaw niyang sumagot ng maayos.
“Nag-usap lang kami,” sumeryoso na siya.
“Anong pinag-usapan ninyo?” tanong ko ulit. Ayaw pa kasi niyang idiretso ng kwento, pinapatagal pa.
“Kung bakit hindi natutulog ang lamok,” seryosong sabi pa rin niya pero malakas ko siyang nahampas. “Aray ko naman, kung makahampas ka akala mo ang tagal na nating magkakilala,” reklamo niya at ang sama pa ng tingin sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mata. “Ang seryoso kasi ng tanong ko tapos ang gag* mo sumagot,” gigil kong sabi na tinawanan naman niya.
“Nag-usap lang talaga kami kahapon,” sumeryoso na naman siya. Sinamaan ko ng tingin para ipagpatuloy niya ang sinasabi niya. “Tungkol sa kung paano ka na niya titigilan,” nakatitig niyang sabi sa akin.
“Ako? Bakit ako?” tinuro ko pa ang sarili ko.
“Alangang ako? Ikaw ang binubully nila ʼdi ba?” sarcastic pang sabi niya.
“O, ano namang sinabi?” Hindi ko na pinansin ang pagiging sarcastic niya.
“Nakalimutan ko na, hindi naman kasi importante, nasayang lang oras ko sa kanila,” sabi niya at sumandal sa upuan niya saka nagcross arm pa.
“Ayaw pang sabihin!” Inis na hinampas ko ulit siya.
“Aray ko, Solemn! Nakakarami ka na ha,” nakangusong sabi niya pa.
“Kung sineseryoso mo kasi mga tanong ko ʼdi ba, di sana hindi ka nasasaktan.”
“Ikaw gusto kong seryosohin, e.” Tumitig siya sa akin. Hindi ako nakaimik at nakatitig lang din ako sa kaniya.
“Josaiah...” Hindi ko alam kung bakit pangalan ni Jos ang nabanggit ko.
Mabilis na umiwas ng tingin sa akin si Ryo. Hindi nakatakas sa akin ang pag-ilaw sa parte ng dibdib niya na agad niyang hinawakan.
“Binantaan ko sila na huwag ka na ulit ibubully.” Nakuha ko ang matinong sagot sa kaniya pero nanatili akong tulala at nakatingin sa kaniya. Nanatili rin siyang nakahawak sa dibdib niya.
“Ayos ka lang?” tanong ko na.
He nodded. “Yes, okay lang ako.” Huminga siya ng malalim, parang kinakalma ang sarili.
Hindi ako naniniwala pero hindi na lang ako umimik. Nagpasukan na ang mga studyante kaya umayos na rin ako ng upo. Paminsan-minsan kong tinitingnan si Ryo lalo na ang parteng dibdib niya kung saan ko nakitang may umilaw kanina.
Imposibleng may gadget siya ro’n.
“Water?” tanong ko nung mapansin kong hindi pa rin maayos ang paghinga niya.
Umiling naman siya. “Gotta go somewhere,” paalam niya.
Taka ko lang siyang tiningala nung tumayo na siya. Nanatiling nakahawak sa dibdib at hindi man lang ako nilingon nung umalis na siya.
“Josaiah...” muling banggit ko. Nanatili ang tingin ko kay Ryo kaya nakita ko kung paanong parang hirap siyang humugot ng hininga.
Ikaw nga.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
OCHINAIDE (BOOK 1)
Fantasy© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started:July 17, 2021 Ended: August 7, 2021 Fictional Characters doesn't exist. Gawa-gawa lang sila ng imahinasyon ng isang manunulat. Hindi sila totoo at kailan man ay hindi sila magiging totoo. Ito ang pilit tina...