“Sol, dalhin mo nga muna ’to sa Ate Marta mo,” utos sa akin ni Mama.
“Wait lang, Ma. Matatapos na ako rito,” hirit ko pa. Isang page na lang kasi ay matatapos ko na ang binabasa ko.
“Unahin mo na muna ’to,” muling sabi ni Mama.
“Sandali, Ma. Isang page na lang ako,” sabi ko rin at tinuloy ang pagbabasa.
Minadali ko na ang pagbabasa ko para masunod ko na ang gustong ipagawa ni Mama.
“Ikaw talagang bata ka puro ka pagbabasa,” panenermon niya nang lumapit na ako.
“Ang ganda kasi, Ma!” nakangiting sabi ko pa at kinuha na ang dadalhin kay Ate Marta. “Ito lang po ba?” tanong ko pa.
“Saka ito.” Inabot niya sa akin ang isa pang mangkok.
“Sige, Ma. Alis na ako,” paalam ko at lumabas na ng kusina.
Sa murang edad ko ay nahumaling ako sa pagbabasa ng libro lalo na ang mga anime na babasahin. Manga ang tawag nila ro’n, nalilibang ako sa tuwing nagbabasa ako ng ganoon. Hindi tulad ng mga kaedad ko na mahilig maglaro, ako ay libro palagi ang gusto.
Nabubully na rin ako ng mga kaklase ko dahil isa raw akong nerd. Suot ang makapal kong salamin at madalas na pagbabasa ay binansagan nila akong nerd at bookworm.
“Ate Marta!” pagtawag ko sa kapitbahay namin.
Labing isang taong gulang pa lang ako at nasa baitang anim na. Tampulan ng tukso kaya sanay na rin ako at hindi na lang pinapansin ang iba.
“Oh? Sol, anong dala mo?” tanong ni Ate Marta at binuksan na ang pinto.
“Pinapabigay po ni Mama, ulam po yata ’to.” Sinilip ko pa ang hawak kong mangkok bago ko binigay sa kan’ya.
“Nako! Salamat kamo,” nakangiting sabi naman ni Ate Marta. “Sandali lang at may ibibigay ako sa ’yo,” sabi niya pa at mabilis na pumasok sa kanila. Naghintay naman ako sa labas ng pinto nila at tiningnan ang mga halaman niya.
“Ang ganda!” nasabi ko na lang habang binubusog ang paningin ko ng magandang halaman ni Ate Marta.
“Sol, ito na ang mangkok ninyo, salamat ulit. At ito naman ang ibibigay ko sa ’yo dahil mahilig kang magbasa.” Inabot niya sa akin ang isang plastic. Mabilis kong kinuha ang mga ’yon.
“Salamat po!” tuwang-tuwang sabi ko at akmang uuwi na pero pinigil ako ni Ate Marta.
“Ang mangkok, Sol. Makakalimutan mo pa sa sobrang tuwa mo r’yan,” natatawang sabi pa niya kaya natawa na rin ako.
“Salamat po ulit,” muling sabi ko at mabilis na tumakbo pauwi sa amin.
“Anong meron at tuwang-tuwa ka?” tanong ni Mama pagkarating ko sa amin.
“Binigyan akong libro ni Ate Marta,” masayang sagot ko at mabilis na nilagay sa kusina ang mangkok saka ako nagtatakbo sa kwarto ko.
“Solemn, may assignment ka pa!” sigaw pa ni Mama pero hindi ko na lang pinansin.
“Wow! Ang dami!” Excited kong tiningnan ang mga manga. Ang dami at ang gaganda.
Tiningnan ko bawat isa, ang gaganda talaga ng mga ito. May isang nakaagaw ng atensyon ko. Lalaking nakatingala ang nasa cover nito at ang title ay ‘Ochinaide’. Mabilis kong kinuha ang librong ’yon at tiningnan bawat pahina. Hindi makapal ang isang ’to pero tama lang naman para sa akin ang dami ng pahina.
Tinago ko na muna ang iba at tinira ko ang librong nakakuha ng atensyon ko. Ginawa ko muna ang assignment ko bago ko simulang basahin ang manga ko.
“Kakain na!” malakas na sabi ni Mama at muling kumatok sa pinto.
“Nand’yan na!” Bumangon na ako at nilagyan ng pang-ipit ang libro para hindi ko makalimutan kung saan na akong parte.
“Nagawa mo na ba ang assignment mo?” tanong ni Mama na mabilis kong tinanguan.
“Tapos ko na kanina pa,” sagot ko. Nagsimula na akong kumuha ng pagkain ko.
“Kumusta naman ang pag-aaral mo?” tanong naman ni Papa.
“Maayos lang naman, Pa,” sagot ko at hindi siya tiningnan dahil baka mahalata niya ako.
“Wala bang nangbubully sa iyo?” tanong pa niya.
Kinabahan ako pero agad akong umiling. Hangga’t maaari ay ayokong malaman nila ang pinagdaraanan ko.
“Kumusta naman ang mga grades mo?” tanong naman ni Mama.
“Maayos po, ako pa rin ang top 1,” sagot ko naman at nagsimula nang kumain.
“Mabuti ’yan,” sabi pa ni Mama.
Kahit naman mahilig akong magbasa ay hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko. Lahat ng mga dapat gawin ay ginagawa ko muna saka ako nagbabasa kapag tapos ko na.
“Magpahinga ka na at maaga ka pa bukas,” bilin ni Mama sa akin matapos kumain.
“Opo!” sagot ko naman.
“Matulog ka na,” sabi niya pa na tinanguan ko na lang.
Pumasok na ako sa kwarto at ’yung manga agad ang kinuha ko. Magbabasa muna ako para antukin ako. Maaga pa ang pasok ko bukas kaya hindi ako pwedeng magpuyat.
“Ang pogi naman ng bida,” kinikilig ko pang sabi habang nakatitig sa mukha nung bidang lalaki.
Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa hanggang sa dalawin na ako ng antok.
“Sol, gising na!” paggising sa akin ni Mama kinabukasan.
“Hmmm...” nag-inat pa ako at umaktong matutulog pa pero pinigilan na ako ni Mama.
“Tatanghaliin ka pa, gumayak ka na,” sabi pa niya at hinatak pa ang unan na yakap ko.
“Anong oras na ba?” tanong ko naman at pupungas pungas pang bumangon.
“Mag a-alas siyete na,” aniya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mama.
“Mama naman.” Mabilis akong bumangon at nagmamadaling kumuha ng mga kailangan ko saka lumabas ng kwarto para pumunta sa banyo.
“Nagbasa ka na naman pala kaya tinanghali ka ng gising,” rinig ko pang sabi niya pero hindi ko na lang pinansin.
“Late na ako.” Nagmadali na ako sa pagligo. Ayoko pa naman sa lahat ay nale-late ako sa kahit saan.
“Huwag kang magmadali, mag a-alas sais pa lang.” Halos maibato ko yata ang tabong hawak ko dahil sa sinabi ni Mama.
“Mama!” Nagpapadyak pa ako sa inis.Gawin niya na talaga ang ganito, naniniwala naman ako kasi akala ko totoo.
“Kakain pa, bilisan mo na r’yan.” Inis ko tuloy pinagpatuloy ang pagligo ko. Nawala lahat ng antok sa katawan ko dahil sa ginawa ni Mama.
“Ang sarap na nung tulog ko, e!” reklamo ko pa pero wala naman na akong magagawa ro’n.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
OCHINAIDE (BOOK 1)
Fantasy© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started:July 17, 2021 Ended: August 7, 2021 Fictional Characters doesn't exist. Gawa-gawa lang sila ng imahinasyon ng isang manunulat. Hindi sila totoo at kailan man ay hindi sila magiging totoo. Ito ang pilit tina...