15

45 24 1
                                    

Dumating ang teacher namin pero wala pa rin si Ryo. Hinanap na rin siya pero ang sinabi ko na lang ay nasa cr at masama ang pakiramdam. Siguradong busangot 'yon kapag nalaman ang idinahilan ko.

"So, as I was saying..." hindi ako nakikinig sa sinasabi ng teacher namin dahil okupado ni Ryo ang isip ko. Wala pa rin siya.

"Sorry. I'm late," pukaw ni Ryo sa atensyon ng lahat. Oo, lahat kami ay nasa kaniya na ang tingin. Maging ang teacher namin ay hindi nakapagsalita habang nakatingin kay Ryo na naglalakad papunta sa tabi ko.

Para siyang isang prinsipe na matikas na naglalakad ngayon.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Kung anu-ano na ang naiisip ko.

"Saan ka galing?" tanong ko sa kaniya. Tahimik lang siya at hindi ako sinagot.

Nagsimula na muling magklase kaya tumahimik na lang din ako. Hindi ako mapakali dahil sa katahimikan ni Ryo. Hindi pa kami sobrang close pero alam kong hindi siya okay ngayon. Kaya naman nung matapos ang klase ay muli ko siyang kinausap. Kagaya kanina ay hindi pa rin ako nakakuha ng sagot sa kaniya. Nakakapagtaka naman ang inaakto niya.

Pinalipas ko iyon sa pag-aaklang wala lang siya sa mood pero lumipas ang ilang linggo ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Kahit tungkol na sa school ang tinatanong ko ay hindi siya sumasagot.

"Ryo..." pagtawag ko sa kaniya.

"Hmm?" Nagulat ako sa pagsagot niya ngayon.

"Bakit hindi mo na ako kinausap simula nung sumakit dibdib mo?" tanong ko.

Nagsusulat siya ngayon kaya hindi siya nakatingin sa akin. Malaya kong napagmamasdan ulit ang mukha niya.

"Kailangan ba?" tanong din niya. Simpleng tanong pero nasaktan ako.

"Ikaw lang kasi pinakaunang naging kaibigan ko," mahinang sabi ko naman.

"So?"

Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi. Kinausap nga niya ako pero ganito naman natatanggap ko.

"Solemn, hindi naman siguro natin kailangang mag-usap palagi di---" natigil din siya sa pagsasalita nung tumunghay siya sa akin.

"I hate you!" Mabilis akong tumayo para iwan siya ro'n.

Nakakainis! Bakit siya gano'n? Ano bang nagawa ko sa kaniya? Wala naman akong alam na nagawa ko para itrato niya ako ng gano'n.

"Solemn!" hindi ko tinigil ang lakad ko at hinayaan ko lang siya.

"Tapos ngayon hahabulin mo ako, bwisit ka!" gigil kong sabi sa mahinang paraan. Pinunasan ko ang luha ko. Pinagtitinginan kami ng mga studyanteng nakakasalubong namin.

"Solemn, tumigil ka nga!" rinig ko pang sabi niya pero hindi ko pinansin. "Aish! Solemn!"

"Oh?" Hindi rin ako nakatiis at nilingon ko siya. Sakto namang nandito kami sa tambayan kung saan madalas ako.

"Let's talk," sabi niya at nauna ng umupo sa bench. Sumunod ako.

"Ano?" walang emosyon kong tanong.

"You cried?" tanong niya. Hindi ako sumagot. "I'm sorry," muling sabi niya.

"Ilang linggo mo akong hindi kinausap, Ryo." At ang hirap noʼn. Hindi ako sanay na ganoʼn siya.

"I know..." mahinang sagot niya. Salubong ang kilay kong binalingan siya.

"Bakit? May kasalanan ba ako?" tanong ko at naiiyak na naman.

"Wala, wala kang kasalanan, sorry."

Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. Ang babaw talaga ng luha ko sa ganito.

"Alam mong ikaw ang kaisa-isang kaibigan ko tapos gano'n pa nangyari, kung anu-ano naiisip kong dahilan kung bakit ayaw mo na akong kausapin." Hindi ko na napigilang maiyak.

"Sorry, Solemn. I'm sorry." Naramdaman ko ay yakap niya sa akin. Hindi ako gumalaw, hinayaan ko lang siya.

"Inisip kong pati ikaw ayaw mo na sa akin dahil napagtanto mong hindi mo dapat kinaibigan ang tulad ko," sabi ko. Hirap magsalita pero pinilit ko.

"No, hindi gano'n 'yon..." mahinang sabi niya pa.

"Inisip ko rin na baka tulad nila Papa, inisip mo na rin na nasisiraan na ako ng bait." Muli akong napahikbi. Para akong batang inagawan ng laruan.

"No, hindi ko inisip 'yan at hindi ko iisipin 'yan," may halong galit sa tono niya.

"Pero iyon ang nasa isip ko simula nung iniwasan mo ako, wala kang pinagkaiba sa kanila!" Puro hikbi na ang nagawa ko. Sobrang nasasaktan ako ngayon, ganito kagrabe ang epekto niya sa akin.

"I'm sorry, Solemn. Ginawa ko lang naman 'yon para matahimik na buhay mo," mahinahon pero mariing sabi niya.

Taka ko siyang tiningnan. "Anong ibig mong sabihin?"

"I did that for you, para tigilan ka na ng mga kaklase natin at iba pang nambubully sa iyo, iniwasan kita dahil iyon ang gusto nilang gawin ko para tigilan ka na nila," mahabang sabi niya pa.

"Ano?" hindi ako makapaniwala.

Gano'n pala ang nangyari? Akala ko may nagawa ako, akala ko ayaw niya na akong maging kaibigan, 'yun pala ay ginawa niya 'yon para tigilan na ako ng lahat. Kaya pala wala ni isa ang lumalapit sa akin para mang-asar o ano pa man.

"Gusto kong maging payapa ang buhay mo, Solemn. Kung kapalit ang pagiging magkaibigan natin, gagawin ko... para sa 'yo, para sa ikatatahimik ng buhay mo," mahinang sabi niya sa tainga ko.

Nakayakap pa rin siya sa akin pero ako ay niluwagan na ang yakap sa kaniya.

"Bakit mo ako kinakausap ngayon?" Kumalas na ako sa yakap niya para tingnan siya.

"Hindi ko na kasi matiis," nagkakamot sa kilay na sagot niya.

"Kaya pala grabe ang tingin nila sa atin kanina." Grabe talaga sila. Hayst.

He nodded. "Wala na akong pakielam sa kanila, kaya kitang ipagtanggol."

"Ilang linggo mo akong tiniis," seryosong sabi ko habang nakatitig sa kaniya.

"Sorry na nga, hindi ko na uulitin," nakangusong sabi niya pa.

"Aba dapat lang! Kasi kapag inulit mo pa ang pag-iwas sa akin, wala ka ng babalikan," seryosong sabi ko ulit.

Seryoso niya rin akong tiningnan. "Hindi ko maipapangakong hindi na mauulit, pero tatanggapin ko kung iyan ang magiging kalalabasan."

"Tama na nga, mamaya niyan iiyak na naman ako, tigil na natin kadramahan na 'to," natatawang sabi ko pa. Inayos ko na rin ang sarili ko.

"Kung darating man 'yung panahong mahulog ako sa 'yo, Solemn. Please forgive me," may kakaiba sa tonong sabi niya. Hindi ko masabi kung malungkot ba o nasasaktan siya base sa tono niya.

Nagtataka ko siyang tiningnan. Tipid lang siyang ngumiti at kinurot ako sa pisngi. Hindi ko maintindihan kung anong mga sinasabi niya. Hindi ko na lang din pinansin ang mga 'yon.

To be continued. . .

OCHINAIDE (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon