Ika-7

10 2 0
                                    

Finn's POV

Kanina pa kaming gising nina mama lilian, tito, aidan tsaka ni mommy. Yung isa naming kasama tulog na tulog pa rin, 'yon lang ata ang dinayo nung babae na 'yon dito sa Baguio. Sabi kasi ni tita, gabi na daw natulog si Amara diko rin alam kung bakit gabi na iyon natulog.

Naiinip na ako kasi hindi kami maka-alis dahil inaantay pa naming magising si Amara. Ramdam ko na rin na naiinip na sina mama kaya naman..

"Andre, gisingin mo na nga si Brynn don, sabihin mo siya na lang inaantay." utos ni mama lilian sakin.

"Sige po, Ma." sagot ko sa kanya tapos ngumiti.

Ano kayang ginawa nung babae na 'yon kagabi at napuyat. Kaya nga kami pumunta dito sa Baguio para mag-relax, tapos etong bff kong tunay kung ano-ano ang iniisip.

Pagdating ko sa tapat ng pinto ng kwarto ni Amara ay hindi na ako kumatok. Pumasok na agad ako at nakita kong natutulog si Amara at tulo po ang laway tapos nakanganga.

"Kadiri talaga 'tong babae na 'to."

Agad akong lumuhod at pumuwesto sa gilid ng tenga niya, at sumigaw ng malakas.

"Hoy Amara! Gumising ka na dyan kanina ka pa namin inaantay! Hindi kami makakain, tsaka maka-alis dahil inaantay ka namin!" malakas na sigaw ko sa kanya, kaya naman napa-upo si Amara sa kama na tinulugan niya.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA! BWAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ko sa gilid niya, ang epic kasi nung itsura niya AHHAHAHAAHAHAH. Sinamaan naman agad niya ako ng tingin kaya naman,..

"Hehe... Good morning Madam Amara, kanina ka pa po inaantay nina Mama Lilian." mahinahon na bati ko sa kanya, kasi magiging dragon na naman yan nakakatakot kapag bumuga ng apoy.

Masama pa rin ang tingin sakin ni Amara, alam kong badtrip na yan buong araw sa ginawa ko HAHAHAHA. Ngumiti na lang ako sa kanya tapos nag-paalam na.

"See you po sa baba, Madam Amara." dagdag ko pa.

Bumababa pa lang ako ng hagdan nung narinig ko ang malakas na sigaw ni Amara. Ayaw kasi non na ginigising siya, eh ginising ko tapos sinigawan ko pa HAHAHAHA

"Ano anak, gising na si Brynn?" tanong agad ni mama lilian pagkababa na pagkababa ko.

"Opo, Ma." maikling sagot ko sa kanya.

"Kuya Andre, pano ba naman hindi magigising si ate brynn? Eh ang lakas ng sigaw mo, rinig hanggang dito. Buti nga hindi ka nasipa non eh. HAHAHAHAHA" biro sakin ni Aidan, yung kapatid ni Amara.

Tinawanan lang din ako ni Tito tsaka ni Mommy at ni Mama Lilian.

Habang nagku-kwentuhan kami ay biglang bumaba si Amara. Naka-ligo na rin siya at naka-bihis ng simpleng bench oversized t-shirt na may print na maliit na heart sa kaliwang side nung damit tapos naka tucked-in sa ripped jeans niyang maong tapos white na shoes. Magaling magdala ng damit si Amara, kahit naka-white shirt and pants lang yan malakas na ang dating nyan. Hindi maiwasang hindi siya pag-tinginan nung mga tao kapag naglalakad kami sa public places. Maganda si Amara, kaya hindi ko rin alam kung bakit hindi siya nagustuhan ni Liam.

"Good Morning Ma, Dad, Aidan, Tita Belle." bati niya sa lahat maliban sakin tapos nag-beso pa. Tinawanan naman ako ni Aidan.

"Kain ka na anak. Sabay na kayo kumain ni Andre, kanina ka pa niya inaantay." alok ni mama lilian sa kanya. Tumango lang si Amara kay mama, at dumeretso na siya sa dining area.

Tiningnan ko lang siya habang papunta siya sa dining area, kaso hindi tumitingin sakin si Amara. Sumimangot naman ang mukha ko kaya tumawa na naman si Aidan, pati si Tito natatawa na rin.

Catching GlimpseWhere stories live. Discover now