FINN
"'Bat andito ka?" tanong ko kay Amara pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay. Bad-trip siya sakin kasi ilang araw ko sila hindi kina-kausap tapos makikita niya na kasama ko si Liam. Hindi naman kaso sa kaniya na sumama ako kay Liam, alam niya lang na meron akong hindi sinasabi sa kaniya kaya ganan yan.
"Oh, you're home na pala baby." singit naman ni Mommy sabay halik sa pisnge ko. Nginitian ko lang siya, kase kinakabahan ako dahil sa tingin samin ni Amara.
"Hello Liam!" bati rin ni Mommy sa kasama ko at bumeso pa.
"Hi, Brynn." casual na bati naman ni Liam kay Amara pero hindi man lang siya nilingon nito.
"Ay, Brynn is waiting for you baby. She want to talk to you raw. singit ulit ni Mommy. Lalapit na sana ako kay Amara pero tumayo siya.
"Sa kwarto mo, bilis." walang emosyon niyang sabi at tumaas na sa hagdanan para pumunta sa kwarto ko. Literal na kinakabahan ako kase hindi siya titigil hanggat hindi ko sinasabi ang dahilan ng diko pag-pansin sa kanila.
Sumunod na lang ako sa kaniya kase baka kay Liam pa lalo to magalit eh gustong-gusto na siyang kausapin nung tao. Pag-pasok ko pa lang nang kwarto, naka-tayo lang siya roon at inaantay na ako.
"Bibigyan lang kita ng limang minuto para i-kwento lahat ng nangyari sayo nung mga araw na hindi mo kami pinapansin." galit na sabi niya. Napaka-brutal talaga nung babae na ito, ang daming nangyari sa ilang araw na yon tapos ipapa-kwento niya sakin sa loob lang ng limang minuto? Magrereklamo pa sana ako pero nag-salita ulit siya.
"Huwag ka nang mag-reklamo kase hindi ka lalabas ng kwarto na ito kahit andon sa labas yung kaibigan mo." inis na talagang dagdag niya kaya wala na akong nagawa kundi mag-kwento.
"Bigla kasi akong nakaramdam ng mali sa tiyan ko, kaya nagmadali akong lumabas ng resto." palusot ko sa kaniya. Pero mukhang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
"Hindi mo ako madadaan sa mga palusot mo na ganan kase kahit sabihin mong natatae ka, hindi ka mahihiya na sabihin samin yon kahit nasa resto tayo." inis na sagot niya sakin. Ayoko kasi na sakin manggaling kung ano yung nakita ko nung araw na iyon, wala ako sa posisyon na magsabi sa kaniya.
Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko kay Amara, pero alam kong bago sa paningin niya na kasama ko palagi si Liam. Naka-tingin lang siya sakin at nag-aantay ng isasagot ko pero nginitian ko lang siya. Hindi pa tamang oras para sabihin ko sa kaniya kahit may pangako kami na wala dapat kaming tinatago sa isat-isa.
"Finn, alam mo ba kung ilang oras kami nag-antay sayo sa resto? Gago ka ba? Pati yung nanay mo alalang-alala sayo tapos ngayon na tinatanong kita kung ano nangyari at saan ka pumunta nung gabi na yon, ang isasagot mo sakin ay bigla ka lang nakaramdam nang mali dyan sa tyan mo? Baliw amputek. Gusto ko lang malaman kung ano nangyayari sayo, bat ba ayaw mo mag-kwento!?" mahabang sabi niya. Galit na siya sakin, ayaw niya kasi talaga na may nagsisinungaling sa kanya. yan rin kase kahinahaan niya dahil hindi niya alam kung maniniwala pa ba siya sa tao o hindi na.
Tahimik lang ako na naka-tingin sa kanya. Wala talaga ako sa posisyon na sabihin kung ano nangyari nung gabi na yon. Naka-tingin lang rin siya sakin pero walang emosyon ang mata niya.
"Nung mga nakaraang araw, nag-catch-up lang kami ni Liam. Nag-kwento siya about sa mga nangyari sa kaniya sa Germany, at ako naman, kinuwento ko kung ano ganap natin dito sa pinas. Kinakamusta ka niya sakin, pero promise wala akong sinabi sa kaniya about sayo, gusto ko na ikaw ang mag-kwento sa kanya. He wants to talk to you, Amara. He wants to be friends with you again." paliwanag ko sa kaniya. Ginawa ko ang lahat para iiwas ang mga sagot ko sa kung ano talaga yung nakita ko nung gabi na yon. Pero alam ko na hind pa rin siya nakukumbinsi sa mga sagot ko.
YOU ARE READING
Catching Glimpse
Teen FictionLahat ng tao'y maaring makaramdam ng pagmamahal. Pero paano kapag sa kaibigan mo ito naramdaman? Pag-ibig mo kaya'y kanyang masuklian? O tuluyan ka na lang na tumingin sa kahanggan.