Basta maisipan namin mag-laro ng spin the bottle, palaging sa wallet na 'yon kumukuha ng dares. Yung heart-shape wallet na 'yon ay may laman na 260 dares dati, kakaunti na lang laman non ngayon kasi kahit na normal day lang at wala na kaming maisip na gawin, nagbabato-bato pick lang kami tapos kung sino talo yun ang kukuha ng isang papel sa loob ng heart-shape wallet, tapos gagawin niya kung ano man yung nakasulat 'don. Exciting naman siya, kaso madalas nakakatakot lalo na mga sinulat ni Arwin at Finn 'don. Nagsulat kami nang tig 20 na dares 'don kaya madami. Napanood lang namin 'yon sa isang movie, kaya ginaya namin. Baka sakaling maging tayo ata title nung movie.
"Brynn, sali ka?" naka-ngiting tanong sakin ni Arwin. Duda na ako sa mga pangiti-ngiti neto, masiyadong hard ang sinulat na dares jusq.
Tumango naman ako bilang sagot, dahil nakakahiya naman kung hindi ako sasali. Masabihan pa ako ng mga 'to ng pabebe eh, lalo na yang si Finn.
"Oh kasali na si Brynn ha, kasali na tayong lahat. Yun ang usapan natin kanina" sabi na eh, duda na ako.
"Napaka-daya niyo hays" natatawang sagot ko sa kanila, sabay umupo sa gitna ni Lorraine at Finn.
Bigla namang nag-reklamo si Finn.
"Bat andito ka? Dun ka na kay Christian!" angal niya.
Parang gago talaga 'to kapag kausap ako, masiyadong nagiging bata eh.
"Umayos ka Finn, kina-musta lang ako nung tao. Sasapukin kita tamo" pag-babanta ko naman sa kanya.
"Ikaw nga kanina ka pa tawa ng tawa dito. Pag ikaw walang nai-kwento sakin mamayang gabi, isang buwan kitang hindi papansinin." dagdag ko pa na ikina-takot niya HAHAHAHA.
Pina-ikot na agad ni Arwin ang bote sa gitna at tumapat 'yon kay Glen.
"Yaaaaa!!! Go Glen!! HAHAHAHA" sigaw naman agad ni Christian.
Nagtawanan naman agad ang lahat, at eto namang si Lorraine may pag-palo pa sa braso ko.
"Bunot na agad, pabebe pa eh" reklamo ni Finn, kaya hinampas ko naman ang hita niya.
Bumunot na si Glen at ikina-sama naman ng mukha niya ang nakasulat sa papel.
"Ano nakasulat Glen?" exciting na tanong ni PL.
"Magmumog ng suka at ipa-amoy kay Finn ang bunganga" naiinis na basa niya dun sa nakasulat.
Ako nagsulat ng dare na 'yon HAHAHAHA. Kaya napatawa naman ako agad.
"HAHAHAHA" malakas na tawa ko na ikina-inis ni Finn, dahil alam na niya kung ano ang ibig-sabihin nung tawa ko na 'yon.
"Ang baboy mo talaga Amara." bulong niya sakin at tinawanan ko lang ulit siya.
Nagtatawanan pa rin ang lahat ng umalis si Glen para gawin yung dare, kasi wala siyang choice.
Bumalik si Glen galing kusina at may dalang suka. HAHAHAHA
"HAHAHAHAHA" malakas na tawa namin at nagingibabaw ang tawa ni Christian. Patay 'to mamaya kay Glen HAHAHA
Hindi na pinatagal ni Glen at nilagay na niya sa bunganga niya yung suka at tsaka minumog. Ako ang naaasiman sa pinapakitang mukha ni Glen. Pagkatapos niya imumog, niluwa na niya at diretsong pumunta sa harap ni Finn.
"Ang baboy talaga neto Amara!! Ughhh!!" maarteng reklamo niya. Kaso wala na siyang nagawa dahil bigla na lang huminga si Glen sa harap ng mukha niya.
"HAHAHAHA swabe non bro" pang-aasar ni Lendl kay Finn.
Nagtatawanan pa rin kaming lahat nung nagsalita na si Arwin.
YOU ARE READING
Catching Glimpse
Teen FictionLahat ng tao'y maaring makaramdam ng pagmamahal. Pero paano kapag sa kaibigan mo ito naramdaman? Pag-ibig mo kaya'y kanyang masuklian? O tuluyan ka na lang na tumingin sa kahanggan.