Ika-8: YAKAP

10 3 0
                                    


Monday na ngayon, ilang araw na rin ang nakalipas nung naka-uwi kami galing sa Baguio. Tapos na rin ang break namin para sa 1st semester, kaya nagre-ready na ako ngayon para sa pag-pasok ko sa school. It's already 7am in the morning, and 8am yung klase ko. So I have 1hr left before my class, get started.

Maya-maya pa ay kumatok na si Mama sa pinto ng kwarto ko.

"'Nak, ready na breakfast natin. Sunod ka na dito, ha?"

"Opo, Ma. Patapos na po ako sa pag-aayos." sagot ko naman agad sa kanya.

Pagka-tapos ko ayusin lahat ng kailangan ko ay bumaba na ako para mag-breakfast. Habang bumababa ako sa hagdan ay naririnig ko na rin ang kwentuhan at tawanan nina Dad, Aidan, Mama, tsaka yung iba pa naming kasama dito sa bahay.

"Good morning po sa inyong lahat!" masayang bati ko sa kanila na may malawak na ngiti sa labi ko. Humalik pa ako sa pisnge ni Mama, Dad, tsaka ni Aidan.

Umupo na ako, then nag-start na kami ng prayer and kumain na kami. Kaspag kumakain kami, kasabay rin naming kumakain yung mga kasama namin dito sa bahay. Yun yung rule na binigay sa amin ni Daddy. Huwag daw maging mataas ang tingin namin sa mga sarili namin,kase pare-parehas naman daw kaming tao at kailangan repetuhin ang isa't-isa.

Kapag may pasok lang ako kumakain ng kanin sa umaga, para may laman ang tiyan at utak ko. Hotdog, bacon, egg, tsaka spam yung ulam namin tapos fried rice. Habang nasa kalagitnaan kami ng breakfast namin ay biglang nagsalita si Mama.

"'Baby, kanina pa may naghihintay sa'yo sa labas ng bahay natin." sabi niya, kaya naman napa-tigil ako sa pag-nguya ng pagkain na nasa bunganga ko.

"Si-sino po?" tanong ko agad sa kaniya. Kase wala namang pumupunta sa bahay ng ganitong oras, maliban kay Finn.

"Si Liam, 'nak. Ayaw niya ipasabi sa'yo kase ayaw niya na magmamadali ka sa pag-aayos." sagot naman ni Mama sa tanong ko.

Ano namang plano sa buhay ng isang gunggong na 'yon? Ganda-ganda ng umaga ko, tapos andun pala sa labas ang gunggong.

"Kumain ka na, 'nak." singit naman ni Dad sa usapan namin ni Mama

Ilang minuto pa ang itinagal, bago kami natapos sa breakfast namin. Nag toothbrush lang ako and nag-paalam na kila Mama. Nauna nang umalis si Daddy samin ni Aidan, dahil tinawagan na siya ng secretary niya.

"Alis na po ako, ma" paalam ko at humalik na sa pisnge niya.

"Hoy Aidan, pag-aaral atupagin mo wag kung ano-ano" pahabol ko pa, binelatan lang naman ako ni Aidan.

Tumalikod na ako sa kanila ni Aidan.

"Take care, 'nak" pahabol pa ni Mama.

Tinaas ko na lang ang kamay ko para mag wave sa kanila habang nakatalikod. Lumabas na agad ako ng bahay namin, at dun ko nakita si Liam na nakatayo sa gilid ng kotse niya. Naka-tingin pa siya sa sapatos niya at nakapamulsa, nung naramdaman niya na may paparating ay tumingin agad siya sa harap niya at doon na siya ngumiti sakin.

Nung naka-lapit na ako sa kanya ay binati niya agad ako.

"Good morning, Brynn!" masayang bati niya na may malaking ngiti sa mga labi.

'Anong maganda sa umaga, kapag ikaw ang nakita ha?' sabi ko naman sa isip ko.

"Morning, 'bat ka andito?" sarcastic na tanong ko sa kanya.

"Iha-ihahatid kita s-sa school niyo." utal na sagot niya sakin.

"Bakit?" tanong ko uli sa kanya.

Catching GlimpseWhere stories live. Discover now