"Good Morning Amara!" bati ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
Kakatapos lang nang 1st semester namin kaya naman napakasaya ko HAHAHAHA kahit hindi pa sigurado sa magiging grades ko basta bahala na.
~~~Calling Finn Andre~~~
“Good Morning Amara Brynn!!" malakas na sigaw agad ang bungad niya kaya naman inilayo ko agad ang cellphone ko.
“Good Morning!!" bati ko din sa kanya.
"Kamusta tulog mo? Napanaginipan mo na ba uli si Liam?" maagang pang-aasar niya na ikina-simangot naman nang mukha ko.
“Tumawag ka ba para mang-gago? Kase madami pa akong gagawin kaya papatayin ko na ha?" pananakot ko naman sa kanya.
“Ate hindii, nagchat si PL sa gc gala daw mamaya magcecelebrate daw, kase nakaraos tayo nang first quarter HAHAHAHA" sagot niya sabay tawa pa nang gago.
"Ipag-paalam mo ako kay Mama para payagan ako, tsaka jusq Finn Andre wag mo na nga banggitin si Liam ikaw na lang ata di nakakamove-on dai' ”.
"Ako na lang ba? Ay sorry, kasama pa naman natin siya mamaya." nagulat ako sa sinabi nang gago kaya napabalikwas ako sa higaan ko tsaka nabitawan ang phone ko.
"Hello? Amara? Hoy ano yung nahulog!?" malakas na sigaw niya kaya madali dali kong kinuha ang phone ko sa sahig.
“Tangik wala kumatok yung kapatid ko ha" pagpapalusot ko naman.
"Sinong niloko mo HAHAHAHA sige na tatawagan ko na si Tita para payagan ka. Byee see you later ate! Labyu!" pag papaalam niya, bading talaga to si Finn HAHAHA
Btw, ako nga pala si Amara Brynn Villa Luna I'm 17 yrs old and grade 12 HUMSS student. Yung kausap ko kanina he's my childhood boy best friend, Finn Andre Landicho 17 yrs old and also a HUMSS student. Napakadaming satsat nang lalaking yon sa buhay niya kaya hayaan niyo na. Ayaw niya na tinatawag siyang Finn kaya yon ang tawag ko sa kanya.
Maya maya pa ay tinawag na ako ni Mama para mag breakfast.
"'Nak, kakain na, baba kana dyan" sigaw ni mama galing sa first floor
“Sige 'ma bababa na po ako.” sigaw ko din.
Pagka-upo ko sa dining area bigla nagsalita si Daddy.
"Kamusta school anak?" tanong niya
"Ma-ayos naman po Dad. Pasado naman po siguro ako at yung mga kaibigan ko." mahinahong sagot ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/251631505-288-k415815.jpg)
YOU ARE READING
Catching Glimpse
Teen FictionLahat ng tao'y maaring makaramdam ng pagmamahal. Pero paano kapag sa kaibigan mo ito naramdaman? Pag-ibig mo kaya'y kanyang masuklian? O tuluyan ka na lang na tumingin sa kahanggan.