Ika-2

19 3 0
                                    

Hoy Amara Brynn! Wag ka namang  magpahalata dyan!" Mahinang bulong sakin ni Finn.

Alam ko sa sarili ko na hindi pa 'ko handa na makita siya, alam ko sa sarili ko na may kirot pa rin sa tuwing may babanggit ng pangalan niya. At ngayon, tanging pagtahimik lang ang kaya kong magawa sa harap niya.

H-hi!” pilit na ngiting bati ko sa kanya.

Para akong ewan sa harap niya, parang may naglagay nang pandikit sa swelas ng suot kong tsinelas dahil hindi ko kayang mai-hakbang ang dalawa kong paa para makatakas sa pangyayaring yon. At mas lalong humigpit ang kapit ng swelas nung lumapit na siya sakin.

“Amara Brynn!! Kamusta? Na-miss kita sobra!!" komportableng bati niya sabay akbay pa, na ikina-gulat ko, lalo na nang mga taong nanood samin.

Ah-eh, ma-maayos naman hehe. Tara na sa loob?” pag-iiba ko sa usapan.

Pina-una ko na silang lahat para masaraduhan ko na din ang gate namin. Tahimik lang silang pumasok sa loob at ramdam ko ang tensyon sa pagitan nang bawat isa samin. Kaya naman to the rescue na naman ang pabida kong best friend.

Hoy Amara! Ang baho baho mo maligo ka na nga muna!" hindi ko alam kung matutuwa ba ako kay Finn kase iniba niya ang mood nang bawat isa. O maiinis kase nanlait na naman siya.

Tumawa naman ang lahat dahil sa sinabi niyang yon, nangingibabaw pa nga ang boses ni Glen. Kaya sa inis ko bumaling ako kay Finn at sinamaan siya ng tingin.

Hehe joke lang naman! Pero totoo mahiya ka naman samin, kami nakaligo na tapos ikaw hindi pa! Eeeeww!!” dagdag pa niya, na lalong ikina-inis ko.

Hoy Andre! Sinungaling ka! Si Liam lang naligo satin kase kanina pa siyang nasa inyo! Tapos di kami nakaligo dahil pinag-madali mo kaming pinapunta dito!" mabilis na pag-kontra naman ni Lorraine sa kanya.

Tumingin akong muli kay Finn at ngumiti lang siya saken. Kaya naman napa-iling na lang ako kase napaka-pasaway neto.

Hindi ko na alam kung ano pa sasabihin ko, lalo na nung nahuli kong naka-tingin sakin si Liam. Pero pinilit ko pa rin maging kumportable sa harapan nila para hindi na rin sila ma-ilang.

Ah-eh, ga--ganto na lang, a-ano may dalawang banyo dito sa first floor tapos, isa sa second floor, may isa din sa may pool area, para mas madali kayo matapos maligo hehe. Dun na lang muna ako sa kwarto.” pautal-utal kong salita sa harap nila

Manang Ester, Yaya Yna, kayo na muna po bahala mag-asikaso sa kanila, liligo lang din po ako sa kwarto ko. Tsaka pasabi po kila Mama and Daddy na, nandito na sina Finn kasama po yung iba naming kaibigan.” dagdag ko pa.

Catching GlimpseWhere stories live. Discover now