Ika-6

8 2 0
                                    

Around 3pm na kami nakarating sa Baguio dahil inabot na kami ng traffic. Na-pagod ako sa byahe kahit naka-upo lang naman ako mag-damag sa tabi ni Finn. At hindi ako maka-tulog kasi mag-damag humilig sa balikat ko si Finn, so ang ending nag phone lang ako buong byahe.

"Amara." biglang tawag sakin ni Finn at agad naman akong tumingin sa kanya. Naka-upo lang kami dito sa terrace ng rest house namin dito sa Baguio.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Biglang naging seryoso ang mukha niya at diretsong tumingin sakin.

"Nananawa ka na ba sakin? Gusto mo ba na bawasan ko na pagsunod ko sayo?." malungkot na tanong niya na ikinagulat ko.

O_O

"Ba-bakit mo naman na-naitanong yan?" uutal utal na tanong ko sa kanya. May mali ba akong nagawa sa lalaking 'to?

"Feeling ko kasi, nakukulitan ka na sakin. Feeling ko ayaw mo na akong kasama, tapos nung nagsama-sama tayo nung nakaraan lagi mo akong binabara." mangiyak-ngiyak na sagot niya sakin na dahilan kung 'bat naluha na din ako.

"Bat ka umiiyak? Huhu Finn, hindi ganon 'yon. Gusto ko nga na lagi kitang kasama 'di ba? Hindi ko rin alam ang nangyayari sakin lately, pero hindi ganon 'yon Finn. Alam mo naman na ikaw ang pipiliin ko kahit kanino 'di ba? Sorry kung nasasaktan na pala kita, sorry kung ganon yung nararamdaman mo. Pero hindi ganon 'yon okay? Kilala mo naman ako 'di ba? Bago ako magkwento sayo, kailangan ko munang mag-isa para makapag-isip." madramang paliwanag ko sa kanya tapos bigla na lang niya akong niyakap na dahilan kung 'bat ako humagulhol sa dibdib niya.

Akala ko talaga okay na ako. Pero nung nag-labas ng saloobin si Finn sakin, I realized na hindi lang pala sarili ko yung nasasaktan ko sa mga actions ko, pati pala yung mga nakapaligid sakin naapektuhan na.

"Sorry Finn, pati ikaw naapektuhan na." Umiiyak pa rin na paumanhin ko sa kanya.

Hinaplos naman niya ang likod ko at bigla na lang niyang hinalikan ang noo ko, na hindi ko na ikina-gulat dahil palagi naman niya 'yong ginagawa kapag umiiyak ako sa kanya.

"Sorry din, kase masiyado akong naging sensitive. Napaiyak pa tuloy kita. Tahan na Amara, alam kong magiging okay din ang lahat." Ito ang gustong gusto kong ugali ni Finn, hindi na siya magtatanong pa kasi alam niya na hindi ko pa kaya mag-kwento sa kanya. Kaya napa-ngiti naman ako habang umiiyak pa rin.

"Shhh tahan na baby, tahan na baby, tahan na baby." Kanta ng gago gamit yung tono nung tulog na baby, kaya naman napatawa ako at pinalo ko ang dibdib niya na ikina-tawa niya.

" BWAHAHAHAHAHA ayan edi tumawa ka na rin." Masayang sabi niya.

"Gusto ko lang sabihin sayo Amara na dadating rin yung tao na para sayo. Tsaka ang dami pa nating pangarap sa buhay, at the end of the day dalawa na lang tayong magdadamayan sa ganitong kapersonal na problema. Diba nangako pa tayo sa isa't-isa na sabay tayo pupunta sa Paris tsaka sa Korea? Kaya tandaan mo na normal lang 'yang nararamdaman mo. Kasi until now, wala pa ring sagot sa iniwan na question mark ni Liam tsaka ni Faith diba? Basta ako hindi ako aalis sa tabi mo hangga't walang nagpapasaya at poprotekta sayo." Mahabang payo niya sakin kaya napatawa naman ako.

Catching GlimpseWhere stories live. Discover now