Ika-10: PAGBABALIK

5 0 0
                                    


FINN'S POV

Matagal ko nang mahal si Faith, higit pa sa kaibigan at si Amara lang ang nakakaalam non. We've been friends, simula pa lang nung 3 yrs old kami. Crush ko na siya dati pa, kaso kapatid lang talaga ang turing niya sakin non. Tapos nung dumating na si Liam sa buhay namin, dun ko lang nakita na sumaya ng ganon si Faith, kaso si Amara naman yung nasaktan. Magulo, masakit, malabo, yan yung nararamdaman ko nung araw na umalis sila ni Liam ng walang paalam. Galit ako nung mga araw na 'yon, kasi kita ko kung gaano rin nasasaktan si Amara. Ayos lang sana kung ako yung nakaramdam ng sakit eh, kaso sobra rin yung sakit na naramdaman ni Amara, pati na rin yung mga kaibigan namin.

Hindi naman talaga ako galit kay Amara, napagalitan kasi ako ni Mommy kanina dahil nakita na naman niya na magulo yung damitan ko. Tapos pupunta dapat ako kila Amara kaninang umaga, nung makita ko naman si Liam sa tapat ng bahay nila. Kaya mas lalo akong nainis, dahil wala akong napagsabihan nung inis ko. Kaya pati 'tong si Amara nadamay na.

Labasan na namin ngayon, hindi ko muna kinausap si Amara kase mainit ang ulo non dahil sa eksena ni Liam kanina tapos pinagsabihan ko pa siya.

Pati naman ako naguguluhan sa mga kinikilos ni Liam, kahit sinabi ko kay Amara kanina na baka gusto lang makipag-kaibigan nung tao. Lalaki pa rin ako, at alam ko ang ibig sabihin nung mga galawan ni Liam. May motibo siya, pero ayaw niya sabihin.

"Tara na, Amara." yaya ko sa kanya. Tumango lang naman siya at lumabas na ng classroom namin, dali-dali naman akong sumunod sa kanya.

Habang pababa kami ng hagdan ay biglang nagsalita siya.

" 'Di ka na bad-trip sakin?" tanong niya. Natawa naman ako kasi ganan talaga yan kapag 'di ako namamansin, akala niya palagi galit o may nagawa siyang 'di maganda sakin.

"Tanga sumagot ka, hindi ako nakikipagbiruan sayo kaya 'wag mo akong idaan sa tawa mo, bakla." eto na naman tayo sa bakla niya.

"Baliw! Wag mo nga akong tawagin na bakla sa public places, baka akalain nung mga nagkakagusto sakin bakla talaga ako." reklamo ko naman.

"Tsaka hindi ako badtrip sayo, tangik. Napagalitan ako ni Mommy kaninang umaga, tapos ang dami dami ko pang iniisip." dagdag ko pa sa kanya.

"Drama mo talaga kahit kailan, tapos pati ako dinamay mo pa sa katangahan mo, tsaka astig ka rin ha, talagang kinampihan mo pa si Liam. Nakakabadtrip kayong dalawa, saya niyong pagbuhulin." inis na sagot niya sakin. Tawang tawa naman ako kasi kunot na kunot na naman yung noo niya. Hahampasin pa niya sana ako, kaso madali akong naka-iwas sa kaniya.

"Nagyayaya sina Lendl mag-mall, sasama ba tayo?" tanong ko sa kaniya.

Tumingin lang siya sakin, binabasa na naman neto nasa utak ko. Napaka-weird talaga ng babae na 'to, kaso mas nauna ako na malaman kung ano yung nasa isip niya.

" Hindi na kasama si Liam, kanina pang lunch siya naka-uwi." dagdag ko pa kaya nagulat si tanga.

" Aba, aba, nakukuha mo na talent ko ha." sabi niya tapos binatukan ako at naglakad na siya pababa ng hagdan.

" Hoy, ang sakit non Amara! Nakapa-brutal mo talaga!" malakas na sigaw ko sa kanya. Humarap pa siya sakin tapos binelatan ako.

" Sabihin mo kina Lendl, bilisan nila bumaba. Wag kamo pabebe, kagaya mo." sabi pa ni Amara.

Tawang-tawa na naman ako. Tapos bigla ko lang naisip kung gaano kaganda ang panloob na anyo ni Amara.

Tangina, ganon ba kalabo ang mata ni Liam para hindi niya makita yung ganito na side ni Amara? Halos nasa kanya na nga lahat eh, matalino, maganda ang ugali, mapagmahal, mapagbigay. Ano pa bang hanap ni Liam? at nireject lang niya yung bff ko. Brutal lang naman 'to, yun lang problema sa kanya.

Catching GlimpseWhere stories live. Discover now