Ilang araw na din ang lumipas nung nagkasama sama kami. At friday na ngayon, pupunta kaming Baguio para magrelax. Pero family ko and family ni Finn ang kasama ko papunta don. Dapat nga kami lang nina Daddy kaso sabi ni Mama hindi daw masaya kapag kokonti, eh dalawa lang naman kaming magkapatid kaya in-invite ni Mama sina Tita Belle yung Mommy ni Finn.
Pababa pa lang ako ng second floor, rinig na rinig ko na agad ang boses ni Finn na nakikipaglaro kay Aidan ng mobile legends.
“Sa top, Aidan!!!" Malakas na sigaw ni Finn sa kapatid ko.
“Wait Kuya Andre!! Mababasag na yung tore natin dito sa mid!!” sigaw din naman ng kapatid ko.
Btw, Aidan Braden Villa Luna is my younger brother. He's turning 11 this upcoming April 21. He's so annoying. Hindi kami magkasundo kasi masiyadong palasagot ang isang 'to. Pero mabait naman, sobrang takaw lang kumain and bata pa matinik na sa babae.
“Aidan, andyan na yung Selena!! Alis naaa!” sigaw na naman ni Finn.
Sarap patayan ng wifi 'tong dalawang ugol na 'to. Masiyado nang adik, mga bulok naman. Hays.
“Mama, ano oras po tayo aalis?” tanong ko kay mama.
“Around 11am 'nak. May isang meeting lang na tinatapos ang Daddy mo." sagot ni mama sakin.
“Ma, punta muna ako sa mall, may bibilhin lang po ako.” paalam ko kay mama.
“Sige 'nak, if you want daanan kana lang namin don?” suggest pa niya.
“Uuwi po agad ako Ma." Sagot ko pa.
“Sige 'nak. Text me when you arrived. Iloveyou and take care." Paalala niya and she kissed my forehead.
Hindi na ako nagpaalam kay Finn kase sasama pa 'yon and magtatagal ako sa mall dahil kakain na naman 'yon ng kakain 'don.
“Kuya Roger, pahatid naman po sa mall, dun po sa malapit sa school namin." mabilis namang pumunta si kuya Roger sa kotse at pinagbuksan ako.
“Salamat po" dagdag ko pa sa kanya at ngiti lang ang sinagot ni kuya sakin.
Madali ang lang naging byahe, at dumiretso na agad ako para i-pick up yung order ko sa isang store dito sa mall.
Habang naglalakad ako papunta dun sa store, biglang tumunog ang phone ko.
~~~Calling Finn Andre~~~
“Problema mo?" bungad ko sa kanya.
“At talagang hindi mo na ako niyaya ha" pangu-ngunsensiya niya.
“Madali lang ako, may kukunin lang ako dito.” asar na pakikipag-usap ko sa kanya.
“Bahala ka sa buhay mo! Pasalubong ko ha! Tsaka nga pala andyan din si Liam, kakatext lang niya sakin ing--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at pinatay ko na agad ang tawag. Ang galing talaga manira ng araw ng lalaki na yon. Ugrhh!!!!!
YOU ARE READING
Catching Glimpse
Teen FictionLahat ng tao'y maaring makaramdam ng pagmamahal. Pero paano kapag sa kaibigan mo ito naramdaman? Pag-ibig mo kaya'y kanyang masuklian? O tuluyan ka na lang na tumingin sa kahanggan.