Flashback
Finn Andre's POV
June 11, 2014; Monday
*kriiiiinggggg* *kriiiiinggggg* *kriiiiinggggg*
Malakas na tunog ng alarm clock ko, kaya naman nakapikit pa rin ako nung pinatay ko ito.
"Good Morning, handsome!!" masayang bati ko sa sarili ko habang umiinat-inat pa. Bumangon ako kaagad at dumiretso sa banyo para maligo.
"And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Oh me I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am" kanta ko pa sa loob ng banyo habang nasa ilalim ng shower.
Halos walong minuto lang ang tinagal ko sa banyo dahil sobrang excited na ako, kasi high-school na kami ni Faith tsaka ni Amara. Mabilis lang din akong nag-bihis at sinigurado na wala na akong nakalimutan sa kwarto bago ako bumaba.
"Cellphone? Check, School ID? Check, Kagwapuhan? Check na check HAHAHAHA" ganto talaga ako kapag kausap ko sarili ko.
Pagkatapos kong i-check lahat ng gamit ko, dali dali na akong bumaba.
"Mom, Good Morning!!" Naka-ngiti 'kong bati kay Mommy pagka-baba ko ng hagdan at humalik sa pisnge niya.
"Good Morning to my handsome and favorite son!" Masayang bati sakin ni Mommy, habang naghahanda ng agahan namin.
"Mom, ako lang talaga favorite mo, ako lang anak mo eh HAHAHAHAHA" pang-aasar ko pa kay Mommy, kaya naman napatawa siya.
Umupo na agad ako sa dining area ng biglang...
"Good Morning Tita Belle!!" malakas na sigaw ng dalawang babae. Mukhang 'eto na yung isang brutal at isang mahinhin na walang ginawa kundi ngumiti kapag may nag-uusap sa harap niya.
"Omooo!!! Good Morning to these two beautiful ladies!! Dalagang dalaga na talaga kayoo!!" bati ni Mommy sa kanila tapos humalik naman yung dalawa sa pisnge ni Mommy.
"Mga pabida talaga kayo!" Pabiro kong sigaw sa dalawa.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Faith, samantalang binatukan naman ako ni Amara. Diba, sabi ko sainyo brutal yung isang 'to, samantala yung isa patingin-tingin lang.
"Masakit 'yon Amara ha! Napaka-brutal mo, 'di ka na nag-bago." Reklamo ko pa sa kanya.
"Ikaw rin, hindi ka na nag-bago. Napaka-arte mo pa rin." Depensa niya sa sarili niya, kaya napasimangot naman ako.
"Maiba ako, hindi na tayo magka-kaklase ngayon." Biglang sabi niya na ikina-gulat ko.
"Hoy! Anong hindi na magka-kaklase? Hindi ako papayag! Mommy ayoko, gusto kong kaklase si Amara or si Faith 'man lang." Mahabang reklamo ko kaya naman napa-tingin sakin sina Mommy.
"Napaka-drama mo Finn! Binata ka na, gusto mo kasama mo pa rin kami? Tsaka sabi nung staff sa school, nag-base daw sila sa average natin nung grade six." Sagot ni Amara sakin, pero hindi pa rin ako nakuntento kaya nag-reklamo na naman ako.
YOU ARE READING
Catching Glimpse
Novela JuvenilLahat ng tao'y maaring makaramdam ng pagmamahal. Pero paano kapag sa kaibigan mo ito naramdaman? Pag-ibig mo kaya'y kanyang masuklian? O tuluyan ka na lang na tumingin sa kahanggan.
