Ika-9: NARARAMDAMAN

7 2 0
                                    

Maya-maya lang ay dumating na si Finn at si Liam sa table namin, nakita ko rin na natanawan nina Lendl yung dalawa kaya nagmadali na sila dun sa counter.  Pagka-dating nung mga umorder, nakipag-yakapan pa sila kay Liam samantalang dumiretso naman si Finn sa upuan na dapat kay Christian.

Tahimik lang ako sa upuan ko at nakikinig sa kung ano ang pinag-uusapan ng mga kaibigan ko. Maya-maya lang ay biglang nasalita si Lorraine.

Bakit 'di ka sumabay kay Brynn? tanong niya kay Finn. Hindi naman siya sinagot nito kaya inirapan ni Lorraine si Finn, at tinawanan lang sila ni Glen.

Katulad ko, tahimik lang din si Finn na nakikinig sa usapan ng mga kaibigan namin.

Bakit ka nga pala nandito Liam? Tsaka buti pinayagan ka makapasok. tanong naman ni Lendl sa kanya. Isa pa ring mapagpanggap ang lalaki na 'to, akala mo naman walang nakita kanina sa parking lot.

Hindi ko na narinig yung sagot ni Liam sa tanong ni Lendl, dahil bigla akong siniko ni Finn.

Nanlibre ka 'raw sabi ni Glen. Libre mo rin ako." biglang sabi niya, tumango na lang ako bilang sagot. Hindi ko talaga alam kung bakit tahimik si Finn ngayon, baka may nagawa rin akong kasalanan sa kanya 'di ko lang siguro maalala kaya pumayag na din ako na ilibre siya. Ramdam ko pa rin na sakin nakatingin si Liam, kahit hindi ako tumitingin sa kanya. Tatayo na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

Samahan na kita, Brynn." mahinahon na sabi niya tapos ngiting-ngiti pa sakin, kala mo naman aso.

Tiningnan ko lang siya pagkatapos niya magsalita. Limang segundo 'rin akong naka-tingin sa kanya bago ako nagsalita.

Ano bang trip mo?" tanong ko sa kanya, dahilan rin para mawala yung ngiti sa labi niya.

Kung ano mang trip 'yan, huwag mo na akong isali dyan. Kaya ko ang sarili ko, Liam. hindi ko na napigilan ang inis sa boses ko. Hindi ko na nakita kung ano ang naging reaksyon ng mga kaibigan ko dahil umalis na ako at dumiretso sa counter para umorder ng lunch ni Finn.

Nababadtrip ako kase naguguluhan ako sa ikinikilos niya. Ayoko rin na magalit sakin si Faith, kung mahal ko si Liam mas mahal ko ang pagkakaibigan namin ni Faith. She's more important than anything and anyone else.

Pagkadating ko sa counter, tinanong agad ako nung cashier kung ano ang order ko. 'Di ko muna siya sinagot kase 'di ko na rin naitanong kay Finn kung ano ang gusto niyang kainin.

Habang naka-tingin ako sa menu na available ngayong araw ay biglang may nagsalita sa left side ko, kaya napa-lingon ako.

Dalawang order nung afritada, tapos lagyan mo na rin ng extra rice. Tsaka tatlong ice-cream, yung flavor nung dalawa ay chocolate tapos yung isa cookies and cream. mabilis na sabi ni Finn sa cashier. Tiningnan ko lang siya, tumingin din siya sakin pero hindi siya ngumiti. Nagtataka ako kung bakit dalawang order ang sinabi niya at kung bakit tatlong ice cream.

Hindi pa nag bebreakfast si Liam, nalipasan na siya ng gutom. Sa'yo yung isang chocolate ice-cream, para mawala stress mo. iwas tingin na sabi niya sakin.

250 pesos po lahat" singit nung cashier. Iniabot ko naman sa kanya ang atm ko, samantalang kinuha naman ni Finn yung order. After non, sabay na kami bumalik sa table namin, pansin ko ang pagtahimik ng lahat. Iniabot naman ni Finn yung pagkain na inorder niya para kay Liam.

Kain ka na, bro." maikling sabi ni Finn sa kanya. Nginitian naman siya nito, sabay tumingin sakin.

Huwag kang mag-isip ng kung ano, si Finn umorder nyan para sa'yo. inis pa rin na sabi ko kay Liam, habang hindi naka-tingin sa kanya. Napansin ko rin na hindi ginagalaw nung iba naming kaibigan yung pagkain nila, kaya nagsalita ulit ako.

Catching GlimpseWhere stories live. Discover now