Minsan nalagay ka na ba sa sitwasyon na hindi mo alam kung anong sunod mong gagawin sa buhay dahil tila nabubuhay ka na lamang para gawin ang mga bagay na araw-araw mo namang ginagawa?
Na para bang normal na lamang sa'yo ang lahat at wala nang sigla at kulay ang buhay para sayo?
Ngunit paano kung isang araw, hindi lamang isa o dalawa ang dumating sa buhay mo upang muling ibalik ang sigla at ngiti sa iyong mga mata?
May pipiliin ka ba sa kanila? O mas pipiliin mong umiwas dahil natatakot kang masaktan muli?
***
Habang nagsasaya ang lahat ng miyembro ng ika-walong baitang pangkat Sampaguita matapos tanghalin bilang "over all champion" nang kanilang ipakita sa madla at mga hurado ang matagal nilang pinaghandaang piyesa sa "speech choir" ay makikita sa isang sulok ang isang dalagang 13 taong gulang. Ugali na nito ang mapag-isa kaysa sa makihalubilo sa mga tao kahit pa sa mga kaklase nito. Kaya hindi na nagtataka pa ang mga kaklase nito at ilang kaibigan sa tuwing nakikita nila itong mag-isa. Kung ang ibang tao ay iisipin na maaring malungkot ito o may problemang dinadala, para sa buong Sampaguita, normal na lamang ito.
Hindi mailap ang dalaga, dahil nakakausap naman ito ng lahat. Iyon nga lang, kung ano ang iyong itinanong ay yun lamang rin ang kaniyang sasagutin. Na para bang tamad na tamad itong kumausap ng mga tao kahit pa ang mga ito na ang nagsisimula ng usapan para lamang makausap sya. Ngunit kahit ganoon ang personalidad na nakilala ng Sampaguita sa dalagang ito, hindi pa rin sila sumusuko na kausapin ito, sa pag asang darating din ang araw na maaabot nila ito sa kabila ng bakod na itinayo ng dalaga sa pagitan niya at sa ibang tao.
"Jayyyy!!!" Pagtawag ni Michelle sa dalaga na nakaupo lamang sa isang tabi at tumitingin sa kaniyang phone.
Nag-angat ng tingin si Jaycee at hindi na siya nagtaka nang makita ang mga kaibigan sa pangunguna ng maingay nitong kaibigan na si Michelle.
"Ano ka ba girl, mag-enjoy ka naman, tara doon sa field, nandoon ang party, wala rito!" Panghihikayat pa ni Michelle kay Jaycee.
"Kayo nalang, mas maganda ang kapaligiran dito, mahangin at tahimik." Walang ganang tugon ni Jaycee sa kaibigan.
"Ikaw talaga, minsan na nga lang magpa-party itong school natin, ayaw mo pang makisali. Sigeee na, kahit ngayon lang, let's have some fun!" Pangungulit pa lalo ni Michelle.
"Hayy nako Mich, paniguradong aayaw na naman yang si Jay sa pangungulit mo, alam mo naman yan, ayaw na ayaw sa party. Daig pa ang may allergy sa party kung makaiwas sa party eh! Joke lang, peace tayo gurl. Hehe." Pag singit naman ni Remy.
"Sira ka talaga remy" tugon ni Jaycee at bahagyang napangiti sa kalokohan ng kaibigan.
"Pero, ayos lang talaga ako rito guys, Just enjoy the night in the field. Gaya nga ng sinabi ninyo, minsan lang yung ganito. Gusto ko lang talaga sa tahimik na lugar...." Dugtong pa ni Jaycee.
"Ano ba yan" malungkot na tugon ni Joane.
"Cee, kung gusto mo ng kasama, pwede ka naman naming samahan dito, o kaya pwede naman kitang samahan dito, if you want." Pagsingit ni Arjel.
"Thanks guys. Alam ko naman na gusto nyo akong makasamang mag saya in our victory party, but, alam nyo naman na it's not my thing." Tugon ni Jaycee.
"Sige lang Jay, kung hindi ka comfortable sa party sa field, it's okay. We'll stay here in the mean time so that you have some people to talk with in the middle of the night. Hanggang mamaya pa naman ang party so, no worries." Nakangiting sabi ni Anthony.
"Okay guys, kalma lang ha?" Tumawa ng bahagya si Jaycee
"Patapusin ninyo muna kasi ako. So ayon, since nag effort pa kayo na puntahan ako dito sa garden from the field, I'll consider it." Dugtong ni Jaycee.
YOU ARE READING
The Reason
Teen FictionSi Jaycee ay isang dalagang 17 taong gulang at lumaki sa pamilyang punong puno ng pagmamahal. At maging sa mga taong nakapaligid sa kanya. Makulay ang mundo para sa kanya. Ngunit paano kung biglang dumating ang araw na magbago ang lahat? Na ultimong...