Chapter 10 : CONCERN

4 0 0
                                    

"Kainis naman talaga!" Bulong ni Jaycee sa sarili habang pinapagpag ang uniform dahil nabuhusan ito ng orange juice kani-kanina lamang. At ito'y halatang halata na siyang lalong nakapagpapainis sa kanya.



At malapit na nga sya sa kanilang classroom. 5 minutes na lang bago matapos ang kanilang break time. Maya maya ay natanaw sya ni Dominique......




"There you are. Saan ka na naman ba galing Jay?" Tanong ni Dominique nang makita si Jaycee na palapit na sa upuan nila sa room




"Somewhere you don't know." Malamig na tugon ni Jaycee




"Here we are again. Tarayan to the max ata today." Bulong ni Dominique sa mga kaibigan na nakapalibot sa upuan nila ni Jaycee



"Shhhh. Baka marinig ka. Ano ka ba!" Bulong ni Jules kay Dominique



"Okay. Okay. Chill, baka batukan mo na naman ako dahil lang dyan." Natatawang bulong ni Dominique habang nakataas ang dalawang kamay na animo'y nagsu-surrender sa mga police.





"Dominique, what the hell? Yung kamay mo naman ibaba mo. Natatamaan ako. Sana naman aware ka na magkatabi tayo ng seats diba? Mukha kang ewan dyan!" May bahid ng inis na pagsasalita ni Jaycee sa kaibigan dahil sa pagkakatama ng kamay nito sa kanya at dahil na rin sa inis dahil sa pagkakatapon ng isang orange juice sa uniform nya.



"Sorry. Sorry." Mahinang paghingi ng paumanhin ni Dominique dahil sa pagkakabigla mula sa pagsigaw na ginawa sa kanya ni Jaycee



"Sorry? May mababago ba sa paghingi mo ng sorry? Natamaan na ako eh. Di kasi nag iingat!" Asik ni Jaycee



Napatahimik na lamang si Dominique dahil sa pagkakabigla sa mga kaganapan na nagaganap. Dahil sa pagkakaalala nya, ito ang unang beses na nasigawan sya ni Jaycee nang dahil lamang sa maliit na bagay.



"Cee, let's talk." Malamig na pagsingit ni Arjel



"We're already talking, aren't we?" Iritadong tugon ni Jaycee




"Only the two of us. Can we?" Tanong ni Arjel




"Can't we talk about that here? Wala naman sigurong masama if marinig nila kung ano man yang sasabihin mo sa akin, diba? Unless, that's nonsense?" Tanong ni Jaycee




"Gusto mo talagang dito tayo mag usap?" Nagpapaka-kalmado pa ring sagot ni Arjel




"Oh, come on. Just say it in front of my face." Naghahamong tinig ni Jaycee




"What the hell is your problem?" May bahid na ng inis na tanong ni Arjel




"So, are you already mad in that state, huh?" Nakangising tugon ni Jaycee



"Jaycee, I am asking you properly. Can't you just answer it properly, too?"




"Why? Why do you care? Or should I say, do you really care? Or nagpapakaplastic ka lang dyan?" Mataray na tugon ni Jaycee




"So, you're questioning my care and sincerity for you all this time?" Pagalit na tanong ni Arjel kahit na sa loob loob nya ay nasasaktan sya sa mga naririnig mula sa kaibigan.




"What if I say yes? What are you gonna do?" Naghahamong tanong ni Jaycee habang nakataas ang isang kilay.




"Then I'll prove to you that everything that I did and said to you are all true along the way!" Sigaw ni Arjel dahil sa frustration




"Huy, ano ba! Tumigil nga kayong dalawa. Magkaibigan kayo, magkaibigan tayo dito. Kaya bakit ba kailangan pa ng sigawan? Huminahon nga kayo pareho." Pag aawat ni Anthony sa dalawa





"Lumayo ka na muna Arjel, baka may kung ano pang mangyari if you insist to say the thing that you want to ask or to discuss with her earlier. Wag mo na munang sabayan." Malumanay na payo ni Joane kay Arjel




"Ang gandang tingnan. Ako na naman ang masama. Lagi na lang. Well, what do I expect? Lagi namang nandyan ang simpatya ninyo." Pagkasabi ni Jaycee nito ay umirap na lamang siya sa mga kaibigan as a sign that the discussion about what happened is over.




"Mag-uusap tayo mamaya, Cee. No matter what." Kalmadong sabi ni Arjel at tumayo na upang bumalik sa tunay nyang upuan sa huling linya sa likod.




"Whatever!" Mataray na tugon ni Jaycee



"Jay, kung ano mang mayroon sa text message na nareceive mo kanina na siyang rason kung bakit ka biglaang umalis kanina, I hope, I mean, we all hope that everything's fine. Or if it's the other way around, you can tell us. Alam mo naman na narito lang kami, handang makinig sa sasabihin mo." Pagpapaalala ni Dominique



"You know what? I'm okay. It was just naiirita lang ako sa paulit ulit ninyong pagtatanong if I'm okay. If what's the problem. Something like that. Okay naman kasi lahat. Wala kayong dapat ipag-alala. Ginagawa nyo lang kumplikado lahat sa pagbibigay ng ibang meaning sa mga kilos ko." Nagpapakamalumanay na tugon ni Jaycee




"We're just worried, Jay. Kasi hindi lang si Arjel ang nakapansin ng pagbabago ng expression mo after mo makita yung text message na nareceived mo. Si Arjel lang ang naglakas ng loob samin na tanungin ka about that without any hesitation. Pero sinungitan mo pa. Alam mo naman how much Arjel cares for you, right? Huwag na sanang maulit yon. Dahil I'm telling you, iba ang pakiramdam ng taong nag aalala. Nakakaparanoid Jay. Intindihin mo rin siya." Pagpapaliwanag ni Dominique




"I'm sorry for the attitude that I've shown you guys earlier. I was just... Just.... Arghh nevermind." Paghingi ni Jaycee ng paumanhin at hindi na itinuloy pa ang sasabihin



"Huwag ka samin humingi ng tawad. Kay Arjel. Kasi hindi lang yan nagsasalita pero alam natin na nasaktan yan sa ginawa mo." Dugtong ni Dominique



"Okay. I'll try later." Sabi ni Jaycee sabay tango




Tumunog na ang kanilang bell as a sign na tapos na ang kanilang break time.



Maya maya ay dumating na ang kanilang sunod na subject teacher sa filipino.




"Magandang umaga, Class." Bati ni Gng. Cruz sa buong Sampaguita



"Magandang umaga rin po, Gng. Cruz!" Sabay sabay na bati ng Sampaguita habang nakatayo



"Sige, magsiupo na kayo. Ngayong araw ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain." Pahayag ni Gng. Cruz



"Ma'ammmmm!" Angal ng ilan sa Sampaguita


"Calm down. Pangkatang pag-uulat lang naman ito kaya madali lang ito para sa inyo. Kayo ang nangungunang pangkat sa ika-8 baitang kaya expected na kayang kaya nyo ito." Sagot ng guro



"Settle down guys. We can all make it. Let's start this para matapos rin agad." Pagsasalita ni Jaycee


"Yeah. Jay's right." Pag sang-ayon ni Lance


"Parang wala ka na naman sa mood, Ms. President?" Bulong na tanong ng guro kay Jaycee matapos nitong lapitan ang dalaga



"I'm okay ma'am. Nothing to worry about." Tugon ni Jaycee




Tumango na lamang ang guro at nagtungo na muli sa unahan upang sabihin ang pangkatang gawain na kanyang ipapagawa sa Sampaguita.

The ReasonWhere stories live. Discover now