Chapter 7 : DOUBT

7 0 0
                                    

"Wait guys. Do you also find it weird?" Tanong ni Jules


"Ang alin?" Tanong ni Dominique


"Yung dalawang guys kanina. I mean, bakit tinanong nung isa si Jay kung anong mayroon in between her and Lance? Like, anong pakialam nya diba?" Maarteng tugon ni Jules


"Oo nga. Parang ang weird lang kasi hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat yung something in between them. So, bakit kailangan pang tanungin personally. Bahala sya." Tugon ni Joane


"Huwag nyo na lang pansinin yon. Baka nagtanong lang talaga kasi curious." Malumanay na sabi ni Arjel


Ngunit sa isip isip ni Arjel ay may hindi tama sa nangyaring tagpo kanina. "Kailangan kong malaman ang totoong pakay ng dalawang iyon. Kung ano ba talaga ang tunay na rason sa likod ng tanong ng isang yon kay Jay kanina." Aniya sa isip


"Oo nga, tama si Arjel, don't mind it. Atsaka kung masama naman ang intensyon nila sa paglapit kay Jay, alam nyo naman na nakabantay lagi si Lance kay Jay kaya no need to worry." Pahayag naman ni Anthony


"Sabagay" tanging tugon ni Joane


Tumahimik na sila nang lumapit na sa kanila si Jaycee nang maka order na ito ng sariling pagkain.



"Bakit parang ang tahimik nyo bigla?" Tanong ni Jaycee sa mga kaibigan nang makalapit na ito



"Ahh wala naman, Cee. We're just waiting you to come over para sabay sabay na tayong kumain." Sagot ni Arjel


"Oo nga. Wag mo kaming intindihin Jay, gutom lang ito panigurado." Pagsingit ni Dominique


"Okay." Nagtatakang tugon ni Jaycee


Habang binubuksan ng mga kaibigan ni Jaycee ang mga pagkaing binili nila ay may napansin si Jaycee na nawawala.


"Nasan sya?" Tanong ni Jaycee sa mga kaibigan na nakapagpataas ng tingin ng mga kaibigan nya mula sa mga pagkain ng mga ito.


"Huh?" Sabay sabay na sabi ng pito liban kay Arjel.


"Sino?" Seryosong tugon ni Arjel.


Alam ni Arjel na iisa sila ng iniisip ni Jaycee tungkol sa nawawalang ito. Ngunit mas pinili ni Arjel na manahimik at magkunwaring hindi nito alam ang tinutukoy ng kaibigan.

"Si Michelle....... Nasan?" Seryoso na ring tugon ni Jaycee


"Ayy oo nga, sabi sa inyo parang may kulang eh. Ayaw nyong maniwala. Ito kasing si Anthony sabi, wala naman daw kulang." Sagot ni Jules


"Bakit ako? Eh malay ko bang si Michelle pala ang nawawala. Akala ko gamit lang ng kung sino sa atin ang tinutukoy mo. Linawin mo kasi." Kunwaring galit na tugon ni Anthony


"Hindi ninyo alam?" Lalo pang naging seryoso si Jaycee nang itanong ito sa mga kaibigan.


Natahimik ang lahat dahil sa pagkaseryoso ni Jaycee. Alam nilang kapag ganito ang asal nito ay hindi na dapat silang magbiro pa. Dahil kung hindi, maaring sa kanila ibunton ni Jaycee ang pagkaseryoso nito.


"H-hndi ko alam, Jay. Hindi namin alam. Sorry" nakayukong tugon ni Joane.


"Damn it!" Pabulong na sabi ni Jaycee ngunit narinig pa rin nila ito


Naka ambang tatayo na sana si Jaycee upang hanapin ang kaibigan. Nang biglang..........

"Hindi nyo ko hinintay mga buset kayo." Hinihingal na tugon ni Michelle.


Tinitigan nilang lahat si Michelle. Titig na parang nagulat. Na di kalaunan ay naging titig na nagbababala.


Narealize ito ni Michelle kaya naman......


"Anong tinginan yan? Wag nyong sabihing magpapalibre kayo? As far as I know, hindi pa ako ang nakatoka sa manglilibre sa atin. Haha" Sumimpleng tawa si Michelle upang ibsan ang nararamdaman nyang kakaibang aura ng mga kaibigan, ngunit hindi ito tumalab, at sa halip, tila naging robot ang mga ito na hindi na nakakain pa dahil nakatingin lamang ang mga ito sa kanya.


"Guyssss? Yohoooo? Buhay pa ba kayo?" At pumitik si Michelle sa harap ng mga ito upang ibalik ang kanilang mga diwa na animo'y nawala sa biglaan nyang pagsulpot.


"Jusko ayaw nyong gumalaw. Umusod ka nga riyan Jules at nang makaupo na ako, gutom na ako" sabi ni Michelle at tinulak ng kaunti si Jules upang makaupo sya ngunit hindi pa nga sya nakakaupo ng tuluyan ay......

"Saan ka galing?" Walang bahid ng kahit na anong emosyon sa mukha ni Jaycee nang itanong nya ito kay Michelle.


"Ahhh hehe, sa C.R. lang Jay. Tapos dumiretso na akong bili nitong biscuit para makasabay ako sa inyo sa pagkain. Ang haba kasi ng pila sa C.R. kaya nahuli ako." Paliwanag ni Michelle


Habang nakatayo pa rin si Jaycee, ay pinagmasdan nya ang mga kamay ni Michelle, dahil sa isip isip nya, kung tunay ngang nag C.R. ang isang 'to, dapat ay basa ang kanyang mga kamay. O kahit kaunting bahid lamang ng pagkabasa. Maari ring dapat ay basa ang sapatos nito dahil hindi naman hinuhubad ang sapatos sa tuwing papasok sa C.R., mapababae man o sa lalaki.

Ngunit, isa man sa palatandaan na ito'y nagpunta sa C.R. ay hindi nya nakita sa kaibigan.

Na ang ibig sabihin ay.......


"Liar" sa isip isip ni Jaycee habang nakatingin sa kaibigan


NAGSISINUNGALING ITO.


"Saan ka ba talaga nagpunta Michelle at bakit kinailangan mo pang magsinungaling sa amin? Maging kay Cee?" Takang tanong ni Arjel sa isip nya.


"Sigurado ka?" Muling tanong ni Jaycee kay Michelle


"O-oo Jay. Bakit? May problema ba?" Kinakabahan man sa mga nangyayari ay hindi pa rin pinahalata ni Michelle ang kabang nararamdaman.


"Wala naman. Let's just eat. We're waiting for you earlier." Tugon ni Jaycee at umupo na rin mula sa matagal na pagkakatayo kanina

Ngunit bago tuluyang umupo ay nagkatinginan sila ni Arjel.


Umiwas na lamang si Arjel at nagkunwaring busy na kumakain para hindi mahalata ni Jaycee na maging sya ay nagdududa sa totoong nangyari sa kaibigan nilang si Michelle.

Malakas ang pakiramdam ni Jaycee kaya alam nya kung kailan may problema o mali. Kaya hangga't maaari ay iniiwasan nilang magtangkang magsinungaling kay Jaycee. Dahil bukod sa lakas ng pakiramdam nito ay may mga tao pang tapat at totoo na nagbibigay ng mga impormasyon sa kaniya na nagpakalat kalat lamang.




The ReasonWhere stories live. Discover now