"Bakit mo nga pala natanong? Magiging kaisa ka rin ba samin na supporter ng loveteam nila?" O baka naman...." Pabiting tanong ni Jules
"O baka naman?" Takang tanong ni Jaycee
"O baka naman may gusto ka sa President namin at nagseselos ka kaya di ka na nakatiis at tinanong mo na sya mismo para kumpirmahin kung sila ba o hindi?" Exaggerated na dugtong ni Jules
"Ang OA. That's enough. Siguro naman nasagot ko na ang tanong mo so pwede na siguro kaming pumunta sa canteen? Coz 15 minutes left nalang before the time ends." Tanong ni Jaycee
"Kung sakali, may pag----" Tanong ng binata na naputol dahil hinawakan na sya sa braso ng kaibigan nya
"Ano iyon?" Tanong ni Jaycee
"Ay wala wala, Ms. President. Sige pumunta na kayo sa canteen para makabili na kayo ng pagkain. Mahirap malipasan ng gutom hehe" biglaang tugon ng kaibigan para pigilan ang binata sa pagsasalita nito. Dahil baka may masabi pa ang binata ng hindi sinasadya sa dalaga.
"Weird" bulong ni Jaycee ngunit narinig din ito ng mga kaibigan nya at ng dalawang binata
At naglakad na nga ang grupo ni Jaycee patungong canteen upang makabili na ng makakain.
"Pre ano yon?" Tanong ng kaibigan sa binata
"Ang alin?" Walang ganang tanong ng binata
"Alam mo kung anong tinutukoy ko. Ano ba? Ipapahamak mo ba talaga tayo? Ha? Pati ang sarili mo?" Nag aalalang tanong ng kaibigan
"Alam ko ang ginagawa ko kaya wag mo kong pakialaman." Malamig na tugon ng binata
"Alam mo? Yan ba ang alam ha? Nagpapatawa ka ba? Ang usapan dadahan dahanin natin. Dadahan dahanin MO! But look at what you're doing." Frustrated na pahayag ng kaibigan
"Anong gusto mong gawin ko? Ang tumunganga nalang dito? At maghintay? Na walang gawin?" Pasigaw na tanong ng binata
Dahil dito ay napatingin na ang mga kaklase ng dalawang magkaibigan. Sa isip isip nila'y tila may seryosong pinagtatalunan ang dalawa.
"Ayos lang ba kayo riyan mga tol?" Tanong ng isang kaklase nilang lalaki
"Ayos lang tol, nagpapractice lang kami ng lokong 'to kasi pagtitripan sana namin yung pamangkin nya mamaya. Hehe"
"Sige. Pero hinay hinay lang. Baka magkaseryosohan at mag away kayo ng tuluyan." Paalala ng kaklase
"Sige, salamat sa paalala pre." Tugon ng kaibigan
Tumango na lamang ang kaklase nila at bumalik na sa pakikipag kwentuhan sa mga kabarkada nito.
"Umayos ka pre, dahil hindi sa lahat ng oras malulusutan natin ang mga taong nakakarinig sa usapan natin" may diin na paalala ng kaibigan ng binata
Napabuntong hininga na lamang ang binata sa kawalan ng masasabi.
Ang akala nila ay ang mga kaklase lamang nila ang nakarinig sa pagtatalo at ilang pinag usapan nila.
Ngunit ang hindi nila alam, may isang taong nakarinig sa buong pinag usapan nila.
Na syang nagdulot sa taong ito ng pagtataka, pagtatanong, at pangamba para sa minamahal, nirerespeto, at tinitingala ng lahat na president ng Sampaguita.
"Ano ang balak ng mga kalalakihang ito kay President?" Sa isip isip ng taong nakarinig
YOU ARE READING
The Reason
Genç KurguSi Jaycee ay isang dalagang 17 taong gulang at lumaki sa pamilyang punong puno ng pagmamahal. At maging sa mga taong nakapaligid sa kanya. Makulay ang mundo para sa kanya. Ngunit paano kung biglang dumating ang araw na magbago ang lahat? Na ultimong...