"Ano na naman kayang ipapagawa ni Ma'am no? Sana madali lang para easy lang kasi nandito naman ako sa group natin" kumpyansang bulong ni Lance kay Jaycee
"Wooohhhh apaka hangin. Tinatangay ako. Grabe. Kung nasasaktan lang ang hangin, nakasapak na ko." Naiiling na tugon pabalik ni Jaycee
"Biro lang. Alam ko naman na ikaw ang ace ng section natin. Kaya nga pinag-aagawan ka ng lahat pag groupings. Pero like the usual, dating line up ang pinili mo." Pagpuri ni Lance kay Jaycee
"Baka lumaki ulo ko nyan dahil sa mga papuri mo. Sige ka." Natatawang bulong ni Jaycee
Hindi nila alam ay may pasimpleng nakikinig sa usapan nilang dalawa na nakaupo sa likuran nila. It is Jaycee's bestfriend, Arjel.
"Huy, anong drama yan? Para kang namatayan na gustong pumatay dyan sa titig at itsura mo." Siniko ni Michelle ang kaibigan dahil magkatabi sila nito
"Tigilan mo ako Michelle. Wala ako sa mood makipagbiruan sayo." Walang bahid ng interes na tugon ni Arjel
"Hala sya. Nagtatanong ako ng seryoso dito! Hindi ako nagbibiro. Parang gusto mo nang manakit dyan, baliw ka. Ayy teka......... Galit yang itsura mo tapos kila Lance at Jaycee ka nakatingin, tama ba yung nakikita ko? Bakit? Anong meron?" Tanong ni Michelle
"It's none of your business Michelle. So might as well, shut up." May bahid na ng inis na sagot ni Arjel. Dahil para sa kanya, tama si Michelle, galit siya. Wala syang ibang nararamdaman kundi galit. Kung galit ba para sa sarili nya dahil hindi nya alam kung bakit sya nagagalit o galit dahil alam naman talaga nya ang rason pero pilit nya itong iwinawaglit sa isipan, ay hindi na nya mawari pa.
"Chill. Hindi mo ako kaaway. Kung ano man yang rason ng ikinagagalit mo, I advise you na hangga't maaga pa, itigil mo yan. Alam mo naman siguro kung anong tinutukoy ko. Gusto ng lahat yang dalawa for each other. At hindi mo gugustuhin ang pangbabash na matatanggap mo mula sa fans ng dalawang yan." Seryosong saad ni Michelle
"What the hell, Michelle? Ano ba iyang pinagsasasabi mo? Anong ititigil ko gayong maski ako ay hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit ko? Damn it." Napasabunot na lamang si Arjel sa sarili dahil sa frustration.
"Naranasan ko na rin ang ganyang sitwasyon Arjel. Kaya alam ko kung ano iyan. Pero bilang kaibigan mo, gusto lang kitang iiwas sa maaring complication na dulot niyan kapag hindi mo pinigilan. But still, I know na hindi mo pa natutuklasan kung ano ba talaga iyan. So for now, figure it out on your own." Pagpapa-alala ni Michelle sa kaibigan
"I don't know. I don't know, Michelle." Tanging tugon ni Arjel
"May problema ba kayo riyan sa likod?" Tanong ni Lance kay Arjel at Michelle matapos nilang sabay na humarap ni Jaycee sa dalawa.
"Ah ano. W-wala. Oo, wala naman." Kinakabahang tugon ni Michelle dahil baka narinig ng dalawa ang usapan nila ni Arjel kani-kanina lamang.
"Okay. Akala namin may problema kayo kaya humarap kami ni Jaycee to ask you both that. And I'm glad that you guys are okay." Nakangiting saad ni Lance
"If there's a problem, you can count on me. Hindi pa naman nagsisimula ang groupings so may time pa to settle things out. I mean, nandito kami ni Lance para makausap ninyo." Saad ni Jaycee sabay tingin kay Lance na nakangiti sa kanya. Nailang si Jaycee kaya naman humarap na lang uli sya sa dalawa.

YOU ARE READING
The Reason
Teen FictionSi Jaycee ay isang dalagang 17 taong gulang at lumaki sa pamilyang punong puno ng pagmamahal. At maging sa mga taong nakapaligid sa kanya. Makulay ang mundo para sa kanya. Ngunit paano kung biglang dumating ang araw na magbago ang lahat? Na ultimong...