"Hmmm?" Pag uulit ni Jaycee
"M-may gusto sana akong itanong" nauutal na rin ang kaibigan ng binata
"Ano ba iy---" hindi na naituloy ni Jaycee ang sasabihin nya dahil sumingit na bigla si Arjel
"Cee let's go. Mukhang wala namang matinong sasabihin ang isang yan. We're just wasting our time here."
"Yeah, I think so." Tugon ni Jaycee
"A-anong mayroon sa inyo ni Lance?" Tanong ng kaibigan ng binata
"What do you mean by that question? Tanong ni Joyce
"Potek sabi sayo Jay eh. Hindi lang sa room natin kayo may supporter ni Lance. Maging sa labas ng room which is juniors, seniors, at higher-ups is gusto kayo for each other" Panimulang panunukso ni Michelle
Narinig ito ng binata kaya tiningnan nya si Michelle ng may bahid ng konting inis dahil sa narinig.
Napansin ito ni Michelle ngunit isinawalang bahala na lamang nya ito at sa hali ay ipinahayag pa ang kanyang pagsuporta sa "loveteam" ng section nila.
"Ehh basta, ako ang number one supporter ng loveteam ninyo ni Lance. Jusko ano pa bang hahanapin sa inyong dalawa ng madla? Parehong gwapo at maganda, matalino, nag eexcel sa klase at higit sa lahat, responsable sa mga tungkulin dito sa school." Kinikilig na paliwanag ni Michelle
"Oo nga Jay. Kahit saang anggulo naman talaga tingnan, bagay kayo ni Lance. And speaking of Lance, Tito Joseph's here." Wika ni Jules
Napalingon sila sa likod upang tingnan ang direksyon na tinitingnan ni Jules para kumpirmahin ang sinabi nito.
"Hello there, hija. What are you guys doing here? Hindi pa ba kayo napunta sa canteen to have some food to eat? Baka abutin na kayo ng time niyan. Sige kayo." Pabirong tanong ni Mr. Agravante sa magkakaibigan.
"Hi Mr. Agravante. We're just having a little conversation with them. And, we're supposed to go to canteen but this conversation happened. But don't worry po, dahil we assure na makakakain pa rin po kami before the break time ends." Tugon ni Jaycee
"Ano ka ba hija, don't be so professional. Just call me Tito Joseph. Afterall, I'm looking forward to you and to my son's thing." Wika ni Mr. Agravante
Napatawa na lang si Jaycee nang dahil sa kalokohan ng tatay ni Lance.
Kaya naman napatingin sa kanya ang binata dahil tila gusto nitong malaman kung ano nga ba talaga ang mayroon sa pagitan ni Jaycee at ni Lance dahil matunog ang pangalan ng dalawa sa kanilang paaralan.
"And oh, btw, I'm inviting you and your family to our house later on, for us to have a dinner together. Mas maraming tao sa hapag, mas masaya."
"Pero tito... I know that you're busy so don't mind it na lang po. Lagi rin naman pong nagkikita kita ang family natin so no need to have a dinner pa po. Thanks for the invitation, btw." Tugon ni Jaycee
"Magtatampo na talaga ako and my wife kapag di ka na naman pumunta Jay." Pananakot ni Mr. Agravante
"Sige na Jay. Moment nyo rin iyon ni Lance." Pang aasar ni Remy kay Jaycee
"Manahimik na kayo!" May pagbabanta sa tinig ni Jaycee
"Potek. I cannot. Kinikilig talaga ako sa inyo Jay." Kinikilig na sabi ni Dominique
"Don't make me count." Malumanay ngunit may diin na tugon ni Jaycee para magbigay banta sa mga kaibigan
"Tumigil na kayo guys" Saway ni Arjel
"Oo na po" wika ni Jules
"Okay po tito. I'll let my daddy know your invitation. And imemessage ko nalang po si Lance if we're going. Kasi you know naman po, busy si daddy and ate sa work and school." Sagot ni Jaycee kay Mr. Agravante
"Sige. I'm looking forward to it. Tutal hindi lang naman kami ng wife ko ang matutuwa if ever makapunta kayo. Maging si Lance ay paniguradong matutuwa. Baka nga pag nalaman nya ay magpaluto pa sa mga kasambahay ng mga paborito mo kaysa sa mga paborito nya." Natatawang wika ng ama ni Lance
"Hindi naman po siguro, tito" nahihiyang tugon ni Jaycee
"You don't know hija. Btw, sige na, gawin nyo na ang dapat ninyong gawin para makapunta na kayo sa canteen. Mauna na ako. Marami pang tambak na paper works sa faculty." Paalam ni Mr. Agravante
"Sige po tito. Kaya po ninyo iyan" tugon ni Jaycee
Tumango na lamang ang ama ni Lance at naglakad na patungong TLE faculty para asikasuhin ang mga paper works na mayroon ito.
"See? May blessing na pala kayo from both parties. Ang pagsagot mo nalang kay Lance ang kulang." Panunukso ni Michelle
"Itutuloy mo talaga yan Michelle? Masaya ka dyan?" May halong irita na tanong ni Jaycee
"Ito naman hindi mabiro."
"Pag ganyan daw na the more you hate, the more you love daw in the end. Kaya hayaan natin na ang panahon na lamang ang magdikta ng kapalaran nilang dalawa. Ayieee" Wika ni Jules
"Ewan ko sa inyo" walang interes na tugon ni Jaycee
"Btw, ano nga uli yung itatanong mo kanina?" Tanong ni Jaycee sa kaibigan ng binata na kanina pa naroroon ngunit nakikinig lamang
"A-anong mayroon sa inyo ni Lance?" Pag-uulit ng kaibigan ng binata
Nang dahil sa tanong na ito ay umiwas ng tingin ang binata dahil kinakabahan sya sa maaring isagot ni Jaycee.
"About that, hmmm. Let's just say that we're bestfriends ever since bago ko pa man maging kaibigan ang mga ito" tanging sagot ni Jaycee
"Kaya shini-ship ko talaga sila kasi mas nauna pang magkakilala ang dalawa bago pa kami dumating sa buhay ni Jay. Ngayon lang dumistansya ng konti si Lance kay Jay to give way sa amin na new friends ni Jay. Pero kita mo pa rin yung love and care nila sa isa't isa through their actions lalo na sa loob ng room" kinikilig talagang pagsingit ni Michelle
"Love and care pa more" natatawang wika ni Jaycee
YOU ARE READING
The Reason
Teen FictionSi Jaycee ay isang dalagang 17 taong gulang at lumaki sa pamilyang punong puno ng pagmamahal. At maging sa mga taong nakapaligid sa kanya. Makulay ang mundo para sa kanya. Ngunit paano kung biglang dumating ang araw na magbago ang lahat? Na ultimong...