Chapter 3 : TO CONFIRM

4 0 0
                                    

At naglakad na nga ang grupo nila Jaycee papuntang canteen.

Nadaanan nila ang silid ng ikalawang pangkat. At matapos nito ay sunod naman nilang madadaanan ang isang silid na mula sa ika - 9 na baitang.

Nakatayo sa unahang pintuan ang dalawang binata, at tila ang dalawa'y may hinihintay na dumaan na kung sino.

Ngunit sa kalagitnaan ng papalapit na sanang pagdaan ng grupo ni Jaycee sa silid ng dalawang binata ay may biglaan namang tumawag kay Jaycee.

"Ms. Rico!" Pagtawag ng isang estudyante na nasa baitang 7 pa lamang. At kinawayan nila si Jaycee upang maagaw nila ang atensyon nito.

At sabay-sabay na napalingon ang magkakaibigan sa tumawag na ito kay Jaycee.

"Ano na namang kailangan ng mga batang yan kay Jay? Kaya naaalibadbaran si Jay na lumabas kasi may mga epal na batang fans nya na nagpapakalat kalat." Iritang bulong ni Michelle sa mga kaibigan.

Sa halip na sumagot sa ipinahayag ni Michelle ay nilapitan na lamang ni Jaycee ang mga estudyanteng junior niya, sapagkat siya ay Grade 8 na ngunit Grade 7 pa lamang ang mga ito.

"Ano iyon?" Agad na bungad ni Jaycee. Hindi mo mababakasan ng kaunting interes ang ekspresyon ng dalaga. Natural na ito sa kanya, at para sa buong Sampaguita, ngunit para sa mga estudyanteng hindi pa sya nakikilala ay intimidating at mataray ang nagiging tingin sa kanya dahil sa mga ganitong kilos at ekspresyon ng dalaga.

"Good afternoon po, Ms. Rico. Nandito po sana kami to conduct an interview regarding sa topic po na nai-assign sa amin sa subject na Araling Panlipunan." Paliwanag ng isa.


"Am I the only one who you all targeting to interview with? Or you gonna interview all of the Sampaguita's?" Tanong ni Jaycee.

"Ikaw po sana yung pinaka target namin. Kasi mahalaga po ang sagot mo. Actually kasali rin po sa scoring ang pag interview sa inyo. Kaya nagpapaunahan po talaga kami at ng iba pang grupo na mainterview kayo. Pasensya na po sa abala." Tugon naman ng isa.

"I see. Kaya pala kanina nyo pa ako sinusubukang lapitan nung nandoon pa lang ako sa corridor." Wika ni Jaycee.

"Hehe nahihiya po kasi kaming iapproach kayo. Lalo pa at alam naman po ng lahat na busy kayo." Paliwanag ng ikatlo nilang kasama.

"Napansin mo pala Jay na nandoon sila kanina sa tapat ng corridor?" Takang tanong ni Michelle ng makalapit siya at ang iba pa nilang kaibigan kay Jay.

"Of course." Tanging tugon ni Jay sa kaibigan.

"Pano? I mean, yeah, paano?" Takang tanong ni Michelle kay Jay. Dahil para sa kanya, kung nakita ni Jay ang presensya ng mga batang ito kanina, paano nangyaring hindi nito napansin na may dalawang binata na nakatanaw sa kanya kanina? Gayong kung titingnan ang distansya, mas una dapat na mapapansin ni Jaycee ang dalawang binata bago ang mga batang ito.

Gustong gustong magtanong ni Michelle pero naisip nya na masyado silang maraming magkakasama. At batid nyang hindi rin magugustuhan ni Jaycee na itanong nya ang isang personal na tanong na nais nyang masagot sa harap ng mga kaibigan nila.

Dahil alam ng buong grupo ang gusto ni Jaycee, at iyon ay ang kung may personal na bagay silang gustong malaman, itanong din nila ito ng personal kay Jaycee.

"Coz I'm not blind?" Patanong na sagot ni Jaycee. Hindi nya intensyon na magmukhang pamimilosopo ang sagot nya na ito ngunit tama nga sya ng naisip, na baka ito ang maging pagkakaintindi ng mga kaibigan.

"Ayan kase, nagtanong tanong ka pa ah? Eh common sense naman. Tama naman si Jaycee, hindi sya bulag kaya malamang sa malamang ay makikita nya ang mga nag aabang o nakatanaw sa kanya sa paligid. Nabara ka tuloy whahah" Pagsingit ni Anthony.


"I mean, how, ayy bahala na nga. Nevermind. May naisip lang ako. Baka gutom nga lang ito. Tara na kasi sa canteen." Paglilihis ni Michelle ng topic.


"When do you need the answers, kids? I mean, what are your names again?" Tanong ni Jaycee.


"Ako po si Mara" pagpapakilala ng batang halata mong masiyahin.

"Ako naman po si Stephen" at nakipag kamay pa ang batang ito.

"At last but not the least, ako naman po si Tiffany, ang pinaka cute sa aming tatlo" wika ng batang may angking ka-cute-an naman talaga

Napangisi na lamang si Jaycee at natawa naman ang mga kaibigan nya dahil sa pagbibiro ng batang iyon.


"In the next 2 weeks pa naman po ang deadline. Kung hindi pa po kayo available ngayon for an interview, okay lang po. Mahaba pa naman po ang oras. Basta ireremind nlng po namin kayo. Sana makasingit po kami sa busy schedule ninyo, Ms. President." Wika ni Tiffany.

"As per what you said, matagal pa naman nga pala ang due nitong project or whatsoever it is activity ninyo. For now, hihindi muna ako sa paanyaya ninyo for an interview. Nakapangako kasi ako na sabay kaming magbbreak time nitong mga kaibigan ko. And I know, you're all aware that I am a woman of my words. So I need to be with them for the mean time. And limited din naman kasi ang break time which is 30 minutes lang so I cannot assure you na makakakuha kayo ng opinions about me regarding your topic today. My apologies" paliwanag ni Jaycee.

"Ay sige lang po, Ms. President. Okay lang po. Alam naman po ng lahat how busy you are. Kapag may free time ka lang po. Doon po namin kayo iinterviewhin. Thank you and sorry po sa abala" tugon ni Mara.

"Okay, so settled na kids ha? Baka pwede na kaming umexit kasi gutom na kami. Galing pa kami sa isang quiz sa math na nakakadugo ng utak. Kaya baka naman puwedeng kumain muna kami pampatanggal stress? Ito naman kasing si Jaycee hindi naman ata naiistress kaya ayan, maganda pa rin after the quiz. Joke lang." Pagsasalita naman ni Michelle.

"Baliw talaga" mahinang tugon ni Jaycee.


"Sige mauna na muna kami." Pamamaalam ni Arjel sa mga bata sabay tango.

"Thank you poooo!" Sabay sabay na tugon ng mga bata at umalis na.


"Daig pa mga kapatid mo Jay ampotek. Kulang na lang tawagin kang ate Jaycee." Pagsasalita na naman ni Michelle.

"Pagpasensyahan mo na lang, mga bata pa kasi" tugon ni Jaycee.

"Tsaka alam mong hindi mangyayari yan Michelle, dahil nasa rules ng school na dapat tawagin ang kung sino base sa kung anong position ang hawak nito lalo na kapag nasa school's vicinity pa." Paliwanag ni Remy.


"True" Pag sang ayon ni Joane.


"Hayaan nyo na nga yon, gutom na ko mga bakla. Tara na." Pagsingit ni Dominique sa usapan.

"Tara na nga, doon na tayo dumaan sa dadaanan dapat natin kanina, para di hassle" At hinila na sila ni Michelle.

"Okay sabi mo eh" tugon ni Jaycee.

Ngunit hindi alam ng 8 na may pakay pala si Michelle. Na may rason kung bakit doon nya gustong dumaan sa dadaanan dapat nila kanina. At iyon ay upang magkumpirma ng isang bagay.

At sa pagdaan nila, nakita muli ni Michelle ang dalawang binata. At tama nga ang nasa isip nya, may something.

Ngunit ang tanong, ano ito? Para saan? At kailan nga ba ito malalaman ng kaibigan?

The ReasonWhere stories live. Discover now