Chapter 4 : BRIDGE

4 0 0
                                        

"Pre, ilihis mo muna iyang tingin mo. Nakatingin yung isang kaibigan ni Jaycee. Baka maghinala yan." Pasimpleng bulong ng kaibigan ng binata

Hindi tumugon ang binata sapagkat nakatitig pa rin sya sa dalaga.

"PRE ANO BAAA!?" Napalakas na sigaw ng kaibigan ng binata dahil tila natulala na ng tuluyan ang kaibigan dahil sa presensya ni Jaycee.

Napatingin ang grupo ni Jaycee dahil malapit na malapit na sila sa pintuan ng silid ng dalawang binata kaya rinig na rinig nila ang pagsigaw na ginawa nito.

"Hehe PRE ANO BANG sagot doon sa recitation natin kanina na hindi ko nasagot?" Pakunwaring palusot ng kaibigan ng binata upang maiiwas silang dalawa sa kahihiyan.

"A-ano" nauutal na tugon ng binata dahil hindi nya inaasahan ang tanong ng kaibigan

"Umayos ka pre, sinasabi ko sayo. Magpapanggap nalang ako na kakausapin ko sila. Hangga't maaari manahimik ka na lang muna. Dahil magsalita ka man o hindi ay nalalagay tayo sa alanganin dahil sayo rin." May diin na bulong nito sa binata para matauhan na ito

At hinarap nya ang grupo nila Jaycee.

"Ohh andyan ka pala Ms. President! Kasama ang iyong mga kaibigan. Saan ang tungo ninyo?" Tanong ng kaibigan ng binata kay Jaycee dahil alam nyang narinig ng mga ito ang pagsigaw niya. Kaya nagdesisyon na lamang siyang kausapin ang mga ito para makalimutan ito agad ng grupo ni Jaycee.

"As you can see, yeah, we're here. And to answer your question, we're going to canteen." Walang bahid ng interes na sagot ni Jaycee.

Tatalikod na sana ang dalaga ngunit naisip niya na idugtong ang ilang linya na alam nyang rason kung bakit siya kinausap ng kaibigan ng binata sa unang pagkakataon.

"Alam kong kinausap mo lang ako dahil narinig namin ang pagsigaw na ginawa mo knowing na nandyan ka sa pintuan ng room ninyo which is common sense na maririnig ng mga nasa corridor lalo pa ng mga malapit o dadaan sa harap ng room ninyo. Apparently, nalabag mo ang isa sa school's rules  na mayroon tayo. Pero to consider what you did, na kinausap mo naman ako kahit na para lamang ilihis ang narinig namin, I'll consider what you did. For now, okay na yon. But don't make the same mistake again, coz I can't guarantee you na mapagtatakpan pa kita sa susunod." Mahabang paliwanag ni Jaycee.

Tiningnan muna ni Jaycee mula ulo hanggang paa ang binata bago nag ambang liliko na sana at lalagpasan ang silid ng dalawang binata kasama ang mga kaibigan niya nang;

"Saglit lang, Ms. President!" Pagtawag ng kaibigan ng binata.

"Ano bang mayroon at tawag ng tawag ang mga tao kay Jay kanina pa?" Pabulong na tanong ni Dominique sa mga kaibigan.

"Ewan. Di tuloy tayo makabili sa canteen." Sagot ni Joane

Tumigil si Jaycee at muling lumingon.

"Ano yon?" Tanong ni Jaycee

"May itatanong sana ako." Tugon ng binata.

"Alam mo Jay kanina pa ako naiirita. Dahil sa popularity at position mo dito sa school, napupurnada yung mga naka settle na dapat na gagawin natin." Iritableng pagsingit ni Michelle

"Anong magagawa ko? It's my responsiblity to fulfill with at the first place." Pabulong na tugon ni Jaycee ngunit rinig pa rin ito ng mga kaibigan nya maging ng dalawang binata

"Ehem! Ehemmm!" Kunwaring pag ubo ng kaibigan ng binata para maalis ang atensyon ni Jaycee sa sinabi ng kaibigan nito.

"Hmmm?" Tugon ni Jaycee

The ReasonWhere stories live. Discover now