Chapter 2 : Astonishment

4 0 0
                                        

"Finallyyyyy!" Sigaw ni Michelle

Nagtinginan ang buong Sampaguita kay Michelle dahil sa pagsigaw na ginawang ito ni Michelle.

"Anong problema mo?" Takang tanong ni Aldrin.

"Wala naman. Ito namang mga 'to, wag masyadong serious. Natutuwa lang ako kasi tapos na yung isa sa quizzes natin. Bakit may angal kayo?" Kunwaring pagalit na tanong ni Michelle.

"Ah okay." Tugon ni Aldrin

"Ay Aldrin ganyanan? Apaka sama talaga ng ugali" Wika ni Michelle sabay habol kay Aldrin kaya tumakbo rin si Aldrin.

"Careful. Baka magkasakitan kayo." Paalala ni Jaycee.

"Siraulo tong si Aldrin eh. Ayoko na nga. Let's go na. Nagugutom na ako. Tara sa canteen." Tugon ni Michelle.

"Tawagin mo na sila para sabay-sabay na tayong pumunta sa canteen." Sagot ni Jaycee.

"Guys, tara na. Bili na tayo. Nagugutom na ako. Jules, Remy, Sheena, Arjel, Dominique, Anthony, Joane. Bilissss!" Pagsigaw ni Michelle.

"Saglit lang. Inaayos ko lang gamit ko. Atat na atat ampotek." Pabirong wika ni Jules.

"Ikaw na nga inaaya eh. Ayaw mo pa." Kunwaring malungkot na tugon ni Michelle.

"Aysus! Oo na, ito na. Tapos na. Tampo tampo ka pa dyan eh." Paglapit ni Jules kay Michelle sabay paglagay nito ng braso nya sa leeg ni Michelle. Na kalaunan ay tinanggal nya rin dahil nagrereklamo na ang isa.

"Tara na. Uyy Joane, Arjel bilis na. Mamaya na yan. Wag masyadong seryoso sa assignment, bukas pa naman yan ipapasa whaha." Pagtawag ni Anthony.

"Ready na ba? Let's go. Baka mahaba ang pila doon. Ang hassle lang." Tanong ni Jaycee.

"Oo Cee, okay na. We're already complete." Tugon ni Arjel.

"Good" tanging tugon ni Jaycee.

Ngumiti na lamang si Arjel dahil batid niyang hindi na masusundan pa ang sasabihin ng kaibigan dahil nakapagsalita naman na ito.

Sa halos 15 minutes na paghihintay nila Michelle at Jaycee kanina sa kanilang mga kaibigan sa corridor ng kanilang silid, lingid sa kaalaman ni Jaycee na may isang binatang nakatanaw sa kanya mula sa isang silid sa di kalayuan.

Kung hindi ito napapansin ni Jaycee, kabaligtaran naman ito ni Michelle. Dahil nakita ito ng kaibigan. At makikita sa mukha ni Michelle ang bahid ng pagtataka sapagkat hindi inaalis ng binata ang tingin sa kaniyang kaibigan.

Gusto sanang itanong ni Michelle kay Jaycee kung kilala nito ang binata ngunit mas pinili na lamang nitong huwag magsalita at sa isip isip nya'y;

"Mamanmanan ko itong lalaking ito. Ano kaya ang kailangan nito kay Jaycee at kung makatingin ay akala mo gustong kausapin na ewan si Jay." Sa isip ni Michelle.

"Malalaman ko rin ang tunay mong pakay." Dugtong pa ni Michelle sa isip.

The ReasonWhere stories live. Discover now